Sidapa
"Nandito ka rin," sagot ng babaeng nakikiupo sa krus ko.
"Krus ko ito. Umuwi ka na."
"Wala namang pangalan mo."
"Kilala mo ako?" nayayamot na tanong ko. Inaabala ako sa katahimikan ko.
"Hindi. Pwede ba kung gusto mong umakyat, umakyat ka na sa taas. Just leave me in peace."
Pumikit muli ang babae at hindi na ako pinansin. Umakyat ako sa krus— sa itaas. Sa katunayan ay tumalon lamang ako ng kaunti at naroon na ako. Tahimik kami ng babae, siya ay nakapikit, ako naman ay nakatunghay sa tanawin.
Maya-maya ay narinig ko na ang mahinang hikbi niya.
"Problema mo?" hindi ko napigilang itanong. Sinisira mo ang gabi ko.
"Marami, gusto mong magshare ako? Ibigay ko sa iyo ang iba?" pabalang na sagot niya.
Makakatikim sana ng salita ang babae na ito sa akin ngunit nakaamoy ako ng usok ng kandila.
Amihan... hindi makaintindi ng salitang 'Ayaw ko.'
Minarapat kong puntahan si Amihan at tingnan kung ano na ang nais niyang ipakiusap sa oras na ito.
"Amihan," wika ko na ikinasigaw ni Carol.
Saang lugar na naman nila ako tinawag? Sa gitna ng bukid?
"Oh God, Sidapa," wika ni Carol habang hinahabol ang paghinga. Hindi lamang pala si Amihan ang naroon, maging ang Manggagaway at si Zandro ay naroon din.
"Napapadalas ang pagtawag ninyo. Kapag ako naman ang kusang pumupunta sa inyo ay natatakot kayo," makahulugang wika ko. Nag-alis ng bara sa lalamunan ang Manggagaway.
"Kaibigan—" simula ni Bunao.
"Kailan pa?" makahulugang tanong ko.
"Simula ng bigyan mo ng pagkakataon si Marikit na mabuhay," sagot ni Bunao. "Tinawag ka namin upang tanungin ng mga bagay-bagay."
"At sa inyong palagay ay sasagutin ko ang mga bagay-bagay na inyong itatanong?"
"Nasaan ang mga Maria ngayon?"
"Sinunog si Mariang Makiling—" sagot ko na alam kong alam naman nila.
"Ang iba?" pamimilit ni Bunao. "Si Maria Cacao at Mariang Sinukuan?"
"Sumuko na..." Nakakapagod kausap ang mga ito. "Hindi na ninyo mahahanap ang iba, Bunao. Hindi sila magpapakita, kung gusto nilang magpakita sa inyo, sila ang lalapit."
"Sidapa, alam kong paulit-ulit kami, ngunit si Jake..."
"Paulit-ulit nga kayo. Nakakapagod kayong kausap, sa totoo lang. Ang kaibigan ninyo ay kusang sumama sa ama niya."
"Napilitan si Jake... he was trying to save us," sagot ni Carol.
"Na siya rin ang may gusto," dugtong ko.
"Hindi mo naiintindihan, Sidapa," ani ni Amihan.
"Tumigil na kayo," wika ko na ikinatahimik nila. Unti-unti akong nilulukob ng galit dahil sa katigasan ng ulo nila.
"Hayaan na ninyo ang kaibigan ninyo."
"Hindi... hindi kami titigil, Sidapa. Kaibigan namin si Jake, kaya mawalang galang sa iyo at ipagpaumanhin ang pangungulit namin."
"Kung ano man ang maging desisyon ninyo ay labas ako. Hihintayin ko na lang ang araw na ihatid kayo sa kabila. Tigilan na ninyo ang kakatawag sa akin. Sa susunod ay hindi na ako sasagot sa kahit anong tawag ninyo kahit sunugin pa ninyo ang sanlibutan..."
"Sidapa—" sigaw nila. Pinanood ko sila mula sa dilim. Mga tumatangis dahil sa kanilang kawalan. Noon— maiintindihan ko pa kayo kung noon. Limot ko na ang damdamin ng pagtangis. Wala na akong maramdaman kahit ano maliban sa kawalan— kung pakiramdam nga ba ang kawalan.
Bumalik ako sa krus kung saan payapa ako at napansin ko ang babae ay naroon pa. Nakapikit siya. Uniti-unti akong lumapit sa kanya. Sa kadiliman ng gabi, nakikita ko ng malinaw ang mga patak ng luha sa kanyang pilik mata.
"Wahhh, shit!" Bigla itong dumilat at napatayo bigla. "Fuck, nandito ka pa!"
"Akala ko ay patay ka na," malamig na wika ko.
"Sana nga," mahinang wika niya na dinala ng hangin sa aking pandinig. Napahinto ako sa gagawin kong pagtalon.
"May balak kang magpakamatay?" Aba'y isa ka pa pala sa magiging trabaho ko!
"Kung pwede ko lang ipagpalit sa buhay ng kapatid ko ang walang kwentang buhay ko."
"Makasarili ka kung ibibigay mo pa sa kapatid mo ang buhay mong ayon sa iyo ay walang kwenta," pabalang na sagot ko na ikinatawa niya ng mapakla.
"Sarap mo sigurong kausap. Nakaka-lift up ka ng spirit."
"Ano ang gusto mong sabihin ko sa iyo? Halika, samahan kitang ituro ang mga kamalian mo sa buhay? Ganoon ba?"
"Tangna, hoy, hindi kita kilala. Ang judgemental mo." Pinagduduro ako ng babae hanggang sa tumalikod siya sa akin at naupo muli sa paanan ng krus. Dumukmo sa baradilya at nagsimulang tumangis.
"Matuto kang pakawalan ang dapat pakawalan upang hindi ka mahirapan. Minsan ang pagkapit sa lubid ay mas masakit."
"Hindi mo alam ang pakiramdam ng mag-isa," sumbat niya sa akin.
Alam ko. Higit kanino man, ako ang mas nakakaalam ng pakiramdam ng mag-isa.
"Masasanay ka rin," sagot ko na lalong ikinatangis niya. Napatingin ako sa maulap na langit at napabuga ng hininga.
"Hindi ba mas mainam na umiyak ka sa bahay ninyo kaysa dito sa Diplomat Hotel?"
"May aswang sa bahay, ayaw kong umuwi."
Muli ay napatigil ako sa pagtalon papuntang krus.
"Dito na lang muna ako. Mas kaya kitang pakibagayan kaysa sa aswang at uwak sa bubong namin."
May aswang sa Baguio? Kailan pa?
"Bahala ka. Manatili ka kung gusto mo, huwag ka lang maingay umiyak."
Tahimik akong tumalon at naupo sa itaas ng krus. Hindi na muling nagsalita ang babae. Tahimik kaming nalunod sa kanya-kanyang mga iniisip.
Bakit nagpapakita muli sila? Sa ganito bang paraan nila lilipulin ang mga tao? Ihahanda ko na ang sarili ko sa dami ng mamatay. Alam kaya nila Bunao ito?
BINABASA MO ANG
The Book of Death
ФэнтезиSIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo. Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Mi...