FB Message

8 0 0
                                    

Everything happens for a reason.

Ang lagi kong dasal ay ayos lang na masaktan ako huwag lang pamilya ko pero sobrang sakit naman nito.

Ako si Tinay, panganay sa aming tatlong magkakapatid sa amin. Sumunod sa akin ay si Yanda at ang bunso naman ay si Emil. Kaming dalawa ni Yanda ay may asawa na. Tanging si Emil na lang kasama nila mama at papa sa bahay. Hindi kami mayaman pero masasabi ko na masaya kami at kumpleto pa din sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Si mama at papa ay pareho naman nagsisikap na kumita ng pera at hindi nakaasa lang sa amin.

Si papa ay nasa quezon province dahil siya ang care taker sa bahay at lupa doon. Ilang taon na din siya doon at sanay na kami na hindi talaga kami madalas nagkikita. Kahit na malayo siya ay hindi siya nakakalimot na tumawag kay mama para kamustahin kami.


March 24, 2020

Nanonood ako ng "Crash Landing on You" ng makareceived ako ng message sa kapatid ko na si Emil thru FB. Puro sad emoticon ang pinapadala niya. Mas bumigat yung pakiramdam ko ng nabasa ko yung word na "Si PAPA =(". Hindi ko alam pero nung time na yun parang binuhusan ako ng tubig na malamig. Bigla ako hindi makakilos at hindi makahinga. I was alone that time at hindi ko alam ano gagawin ko. I tried to call my mom pero ayaw niya sagutin. Alam niya na hindi ako mapapalagay. It was really hard dahil sa situation. Hindi ka kaagad makakaalis dahil sa Quarantine because of COVID. I tried to calm myself. Alam ko na hindi rin malaman nila mama ano dapat gawin dahil sa sitwasyon. We called our relatives para makahingi ng tulong. Si Emil, ang bunso kong kapatid ay sinundo ako sa bahay namin na tinitirhan naming mag-asawa. Halos mapaaway na kami dahil pabalik-balik kami para makakuha ng travel pass at emergency pass para mapuntahan si papa sa Quezon Province.

Nang makarating na kami sa bahay, nakita ko si mama nagliligpit ng mga damit. Hindi ko siya kinausap at nagtuloy ako ng kwarto. Alam ko na tinatago lang niya nararamdaman niya at pinapakita na wala dapat ipagalala.

Pagkalipas ng ilang oras, nagtry ako na kamustahin lagay ni papa. Alam kong hindi maganda ang kondisyon ni papa. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala. Natatakot ako sa mga susunod pa na mangyayari. Ang tanging alam ko lang ay kailangan makarating kami sa hospital kung nasaan si papa.

Inayos ni Emil ang mga papel para makaalis. Gustuhin ko man sumama ay ilan lang ang pwedeng umalis dahil sa curfew at quarantine.

Nagchat ako sa kapatid ko na si Yanda, pangalawa sa aming tatlong magkakapatid. Sinabi niya na nagmessage daw yung kapitan sa barangay nila papa. Inatake daw si papa at nasa ICU ngayon.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko at magiging reaction ko parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Iyak na ako ng iyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My COVID StoryWhere stories live. Discover now