This story is dedicated to the people that are so Important to my life. Nag-pasaya kasi sila ng mga tao and I am so proud of them, I was inspired so I dedicate this to them.
Happy vibes Lang muna tayo.
I wrote this story to help other people na nabobored out there. I don't know if this will make you happy, but I wish you will.
Enjoy reading...
***
"Ghorl! Jollibee tayo!" Yaya ko sa kaibigan kong si Tom.
"Libre mo ghorl?" Sabay pa-cute niya sa akin.
Okay na sige, cute na siya.
"Kapal mo ha! Oo na sigi na!" Napipilitan kong sabi. Gusto kong may kasama ih.
"Thank you ghorl!" Sabay yapos niya sa akin
"Heh!" Pag-iwas ko. At naglakad na ako papuntang Jollibee. Di ko na kasi kinakaya kacutan nung kaibigan kong iyon eh.
Hindi siya bakla, talagang tinatawag lang niya akong ghorl at ganon din tawag ko sakanya. Wala, mema lang.
"Ano sayo?" Tanong niya ng makaupo kami.
Nalilito akong tumingin sakanya. "Ha? Diba treat ko?"
Kumusilap siya. "Ghorl naman, kelan pa kita pinagbayad kapag kasama mo ako ha?"
Alam mo yung ang manly niya kahit umirap siya? Yung imbes na magmukha siyang bakla eh, lalo pang dumepina,yung pagkalalaki niya? Shitness.
"Never pa." Sagot ko sakanya.
"Oh pala, so ano na nga order mo?" Nagkamot siya sa batok.
"Same nalang sayo. Salamat ghorl!" Sabay flying kiss ko sakanya. Umakma naman siyang sinalo ito. Haist.
Hindi siya bakla, pero kaya niyang magbakla-baklaan para sayo. Shit Lang diba?
Kuripot siyang tao, pero kaya ka niyang paggastusan. Shit lang ulit diba?
Matalino din siya, mabait, kalog, may sense of humour, gwapo, cute, matipuno, kumbaga perfect na, ganon, sa katunayan, sa sobrang kaperfekan netong kaibigan kong to, ayon nahulog ako.
Ang cliche diba? Yung mahuhulog ka sa bespren mo. Pero kasi, Di naman ako tinuturing na bestpren neto eh.
Ako nga lang ata may alam na magbespren kami. Hays.
"Bibitayin ba tayo?" Tanong ko sakanya nang makaupo siya dala yung pagkain namin.
Sa tabi ko siya umuupo, gusto niya daw kasi magkatabi kami lagi. Kaya ayun.
Nang makita ko kasi yung inorder niya, nalula ako.
May spaghetti, may chicken, may sundae, may burger at fries pa, tas mushroom soup, mushed potato and many more. Mauubos ba namin to?
Natawa siya sa tanong ko. "Hindi noh."
"Eh Ano ay?" Kunot noong tanong ko.
YOU ARE READING
KAININ KITA!
Teen FictionPag mahal mo ang isang tao... Teka! Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? A Work of fiction. Posted April 21, 2020