Chapter 01

4 3 0
                                    

Chapter 01

Nagising ako nang may malakas na tumapik sa balikat ko, pero di ako dumilat. Bahala sya dyan. Inaantok pa talaga ako. Super. Pano ba naman mag 6am na akong nakatulog kagabi or should I say kanina. Kakainis naman kase tong summer nato eh, nakakaboring. Kaya ayun nagbasa ako ng wattpad at pagkatapos ay nanood nalang ako ng series sa Netflix hanggang umaga. Paulit-ulit nalang. Mahaba habang summer vacation pa to hays. April palang ngayon, august pa magsisimula yung pasukan sa university na papasukan namin.

"Woy Yvonne, gising na. Mag-aalas dos na nang hapon oh."

"Hmm" paungol na sagot ko.

"Gising na kase. Akala ko ba pupunta tayong Fort Pilar? Bilisan mo na dyan, anong oras na." Sabay sapak sa pwet ko. Kaya napabangon ako. Sapilitan. Nakakainis.

"Bukas nalang tayo pupunta" pagdeklara ko. Sorry Lord huhu. Sunday naman bukas eh.

"Gaga ka ba? Bilisan mo nang maligo dyan, ngayon tayo pupunta." Saad nya sabay labas sa kwarto namin.

Makapeste. Wala na akong choice kundi bumangon at para pumuntang banyo para maligo. Shit. Wala pa pala akong kain simula kaninang umaga, kaya pala kumakalam na yung sikmura ko. Kabadtrip. Di man lang ako ginising nina mama. Haha. Sabagay di pa rin naman ako babangon kung sakali. Hays.

"Ma! Pupunta kaming Fort Pilar ngayon ni Krista ah. Pengeng pera. Hehe". Sigaw ko kay mama pagkalabas ko nang kwarto. Siguro nasa baba yun. Alam ko naman na nagpaalam na yung magaling kong pinsan pero hindi pa ako nakapag paalam at para na rin makahingi ng pera. Haha.

Di naman kase kame mayaman para magkaroon ako nang sariling pera panggala. Medyo may kaya lang. Nasa manila sina papa at kuya kaya kaming dalawa lang ni mama dito sa bahay, pero halos dito naman na tumira si Krista kaya ayos lang.

Hinde gaano kalaki yung bahay namin, sakto lang. Two floors yung bahay, may apat na kwarto sa taas. Isa sakin, kwarto nina mama at papa, kwarto ni kuya kaso wala naman sya dito at isang kwarto na naging bodega na noon ay kwarto ni Krista always kasi syang matulog dito kaya nagkaroon na sya nang sarili nyang kwarto dito sa bahay pero since malaki naman raw yung kama ko sabi nya why not magtabi nalang raw kami. Pumayag nalang rin ako since wala namang problema dun. Sa baba naman yung sala atsaka kusina, andun rin yung hapag kainan.

"Kain ka muna bago kayo gumala Yvonne, wala ka pang kain simula kaninang umaga." Sagot ni mama, nasa kusina pala sila ni Krista nung madaanan ko papuntang banyo. Bale dito ako sa baba maliligo, sira kase yung shower sa taas. Bale may dalawang C.R tong bahay, isa sa taas isa rin dito sa baba. At yung loka loka kong pinsan ayun kumakain. Hayst.

"Yes, Mommy". Pabirong sagot ko at tuluyan nang pumasok sa banyo para makaligo.

"Bilisan mong maligo dyan Yvonne, alas dos na". Pahabol na sabi ni Krista nung nasa banyo na ako. Di ko nalang sinagot para makaligo na. Knowing her na sasagutin at sasagutin nya ko if ever na sasagutin ko pa sya. Anudaw?

Ewan ko bat si Krista ang pinaka close ko sa lahat ng mga pinsan ko. Siguro dahil magka-age lang kame atsaka halos sabay na rin kaming lumaki. Akala nga nang marami eh magkapatid kaming dalawa. Anak sya ng kapatid ni papa, si Tito Romel. Bale apat silang mag kakapatid, panganay si papa, sinundan ni Tito Romel tapos ni Tito Allan tas bunso nila si Tita Melody. Sa side naman ni mama tatlo silang magkakapatid. Panganay si Tito Arvin, sinundan ni mama tas yung bunso si Tita Jessica.

Mary Krista Q. Lacsamana. 18 years old. Magcocollege na ngayong pasukan, I'm not sure kung anong course kukunin nya. Ewan ko sakanya bat di pa pinag-iisipan, may mahabang panahon pa naman sya para mag-isip. Sabi ko naman kasi sakanya Accountancy nalang kukunin nya para sabay parin kami. Nakapag entrance exam narin kami sa Western Mindanao State University (WMSU), sana lang ay makapasa kami. Yun kasi yung university na gusto naming pasukan para sa college.

Hidden TruthWhere stories live. Discover now