Kabanata 11

455 15 0
                                    

Sa mga nagdaang araw, linggo, at buwan ay palagi nalang akong nakatulala, malungkot, at hindi nakikipagusap sa kahit na sino.

Wala akong gana kumain kaya hindi na ako inaaya ni aira dahil alam na niya ang isasagot ko, kung hindi sa library minsan sa rooftop nalang ako pumupunta dahil wala naman masyadong tao para distorbohin ako.

Ngayon ay nasa rooftop ako at nakatingin sa mga ulap.

"Alaluts", dinig kong sinabi ng lalaking nasa pinto

Agad ko itong tinignan at nakita ko si estevan na hawak ang cp niya at naka earphone, himala siya ang unang pumansin sa'kin ngayon. Hindi ko nalang siya inimik at binalik ko ulit ang atensiyon ko sa kalangitan.

"senti ka naman diyan girl", pang-aasar niya sa'kin

Wala talaga akong sa mood kaya padabog akong tumayo para umalis na sana pero agad niya akong hinawakan sa kamay.

"Galit ka ba sa akin?",nag-aalala niyang tanong

"Ha?", wala na ako masabi kaya ayan nalang ang sinabi ko at pumiglas sa pagkakahawak niya

"Do you have any problem?", he asked

Naluha nalang ako bigla at natulala nalang sa sahig.

Hanggang ngayon sobrang fresh pa din sakin ng nangyare kahit dalawang buwan na ang nakalipas.Kahit isang explanation galing kay drake ay wala akong natanggap,sa tuwing magkakasalubong kami sa corridor ay hindi niya ako pinapansin ganun na din sa classroom. Silang dalawa na ni cassandra ang palaging magkasama.

Mas lalo niyang pinarating sakin na isa nga talaga akong side chick niya. Sobrang sakit sa'kin tuwing makikita ko silang masaya o hindi kaya ay sabay sila pumapasok at umuuwi, dahil ako ang nasa posisyon niya dati.

That should be me.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako sa harap ni estevan at napatanggal siya ng earphone niya at agad niyang pinatay ang cellphone niya para bigyan ako ng panyo.

"Salamat", tuloy tuloy pa din ang aking pag-iyak.

Sa loob ng dalawang buwan kong pagmumove on kay drake, aaminin kong hindi ko pa nagagawa ito. Sobrang sakit pa din at hindi ko alam kung kailan ako makakalimot sa sakit ng nakaraan.

First love ko si drake at hindi ko matanggap dahil ganito ang nangyare sa'kin, hindi ko deserve ang masaktan at mag mukhang kaawa awa sakanya.

"because of someone who can't see your worth, iiyak ka na?", he asked

Napatingin ako sakaniya at agad na nagpunas ng luha.

"Paano mo nalaman?", tanong ko

"Alam mo kabisado ko na ang mga babae, kung bakit sila natutulala, kung bakit sila iiyak bigla, kasi pakiramdam nila they are unloved and worthless. Napapanuod ko yan sa anime", seryoso niyang sinabi

"How can you say that?, someone cheated on me and I don't know kung ako ba ang niloko niya o ang babaeng papakasalan niya.I feel nothing and empty because of pain",naiiyak kong sinabi

"You're too young portia, wag mong sayangin ang luha mo sa lalaking hindi pa nagtatrabaho at kumikita ng pera,palamunin palang din yon ng magulang niya, panigurado mga perang ginagamit nun sa mga chicks niya galing sa baon niya",pampakalma niya sa'kin

Medyo natawa ako sa sinabi niya at agad tumingin sakaniya.

"Lalaki ka din estevan,nasubukan mo na bang magloko sa isang relasyon?", tanong ko

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon