Gusto Parin Kita

20 1 0
                                    


Kamusta ka na?
Kay tagal na rin nang huli tayong magkita..
Naaalala mo pa kaya?
Mga sandaling tayo'y magkapiling pa...
Yung mga panahong.. 
Araw araw mo akong hatid sundo..
Pupunta sa fishballan
At doon magdedate tayo..
Yung mga panahong sinabi mo na ako lang.. 
Nakamarka pa sa kalendaryo ang araw nang maging tayo...

Hanggang isang araw.. 
Sabi ko tama na.. 
Ayoko na...
Lumayo ako..
Ginawa ko ang lahat para kalimutan ka...
Pinili kong hindi ka kausapin..
Hindi ka tignan..
Hindi ka kamustahin..
Pinili kong tiisin ang pag-aalinlangan sa aking damdamin.. 
Sa matagal na panahon..
Pinilit ko...
Pinilit kong kalimutan ang mga araw na masaya tayo..
Kasi sabi ko.. 
Ayoko na..

Ngunit.. 
Bigo ako...
Sa unti unting paglayo ng loob mo
Sa paglipas ng oras..
  Minuto't segundo...
Mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko...
Gusto pa rin kita.. 
Iyan ang totoo..

Gusto pa rin kita..
Gusto kong maibalik mga masasayang alaala..
Gusto kong makita muli
Ang iyong mga mata..
Gusto kong maramdaman ang yakap mo nang isang beses pa..
Gusto pa rin kita..
Kahit ang mahal mo'y iba na..

Gusto Parin KitaWhere stories live. Discover now