"Okay! Ladies and Gentlemen this is our last song for tonight, might as well take your chance to dance with your crush."
Napatingin kaming lahat sa stage at narinig ang mga salitang yan mula sa host.
JS Prom namin ngayong gabi. Asa naman ako na may magsasayaw sa akin, kaya lang naman ako pumunta dito ay dahil dun sa pinsan kong si Cherry na ginawa ang lahat para lang mapasama ako dito.
Nakakalungkot isipin na malapit na kami gumraduate, lahat ng memories sa school na 'to mapapalitan na nang bago oras na umalis kami sa lugar na ito. Memories ko magisa, Oo. Wala kasing gustong makipag kaibigan sa akin dahil 'boring' daw ako.
Meron naman isa na nagka interest makipag kaibigan sa akin ang kaso nga lang, lumipat siya ng skwela dahil sa ayaw daw ng Daddy niya doon.
"Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kasi wala nang bukas
Sulitin natin, ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi..."At nagsimula ng tumugtog yung last song na Huling Sayaw by Kamikazee.
Nagsimula na din magsilapitan ang mga boys mula sa iba't-ibang section para ayain ang mga gusto nilang isayaw.Sana all...
"Ay te sad ka? Sino ba naman kasing magsasayaw sa iyo kung ni isa man lang diyan sa buon Highschool life mo walang tumagal na kaibigan mo?"
Bwisit na konsensya, "Oo na, kasalanan ko na. Na walang tumagal sakin dahil pare-pareho lang naman ang sinasabi nila, porket mahilig ako magbasa at magluto ng kung ano." Bulong ko sa sarili ko
"Hawakan mo aking kamay
Bago tayo maghiwalay
Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat."Para hindi ako maburyo sa nakikita ko, napagdesisyonan ko nalang na kumuha ng maraming pagkain at pumunta sa likod nitong venue dahil may nakita ako kanina na garden dito.
Makikipag titigan nalang ako sa lamok at bituin kesa makakita ng mga naglalampungan sa loob (。-_-。)"Paalam sa 'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw..."Sakto pa talaga pag exit ko sa chorus parang may namamaalam talaga saken hahaha ( ´_ゝ`)
Nahanap ko din sa wakas, ang ganda naman pala dito. Buti nalang nilagyan din nila ng mga decorations itong garden kahit papaano ay may ilaw naman.
May wishing well sa gitna at may mga ilaw din na Christmas lights na nakapalibot dito. Lumapit ako para tignan at umupo sa gilid nito at tsaka tumingin sa langit.
Ang daming stars, kasabay ng pagtingala ko ang pag subo ko sa fish fillet na nahakot ko.
Ang sarap naman kasi ng luto neto, ngayon ko lang nagustuhan yung ganitong luto.
" 'Di namalayan na malalim na ang gabi (ang gabi)
Pero ayoko sanang magmadali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi..."*Kyaaaaaahhhhh!!!! Ang gwapo niyaaaaa*
*tili dito, tili doon*
Naku, malamang. Si Gwapong Zack Davis na ang tumayo at naghanap ng isasayaw. Siya lang naman may impact na ganyan sa mga babae.
Bagong salta siya sa batch namin ngayong year, at mapalad ang mga kaklase kong babae dahil sa section namin siya napapad. Infairness, may ibubuga yung itsura pagdating sa academics. Mula nung nakita ko yung galing at pagpupursige niya sa pag-aaral hindi ko napigilang magkaroon ng paghanga sakanya. Slight lang.
YOU ARE READING
Collection of Unspoken Emotions
RandomHere, you will know what my emotions are. But just as what you know and about to read, you will not able to search for more. for i will be like a flower and a grass that will soon wither without the others knowing about my existence.