Mika's POV
.
.
.
.
.
Pagkadating namin sa bahay ko. Kitang kita sa mga mukha nila ang magkahalong gulat at saya.
Si Kim agad ang unang nagreact " Oh My God Miks eto na ba ang bahay na pinagawa mo?" gulat na gulat sya, sya ba naman ang pinahanap ko ng architect pero ngayon ko lang sya nadala dito. Dumeretso na kami sa loob. " hindi ko akalain na ganito kagaling si Jessey kahit baguhan pa lang sya noon. Hindi tuloy ako nagsisisi na sya nakuha ko. Grabe bilib na talaga ako." nagulat naman ako sa sinabi nya kaya napaharap ako sa kanya na nakakunot ang noo. Tama ba ang narinig ko sa kanya si Jessey ang architect na nakuha nya.
" pakiulit nga ng sinabi mo Kim. Tama ba ang dinig ko sayo si Jessey ang gumawa nito?" naninigurado kong tanong ko sa kanya. At maging sina Mela Ara Cienne at Camille ay napaharap narin kay Kim naghihintay ng sagot nya.
" oh ano, bakit naman ganyan kayo makatingin saken, parang kakainin nyo ako ng buhay. Hahahaha" natatawa nyang sabi nya samen. " Oo si Jessey nga ang kinuha ko para gumawa nito..bakit Miks hindi ba nya nasabi sayo." tanong naman nya saken na nagtataka rin.
Napaisip tuloy ako . Nagpunta kami sa sala at naupo, komportable pa si Kim na naupo na parang wala lang sa kanya" kaya pala noon dinala ko sya dito parang gulat na gulat sya, akala ko namalikmata lang ako, pero bakit hindi nya sinabi saken?" naguguluhan man ako, napangite na lang ako sa nalaman ko. Akalain nyo ang taong mahal ko pala ang gumawa ng bahay na to. Kaya pala kakaiba ang impact nito saken eh. Dapat pala matagal na kami nagkakilala.
" ah ha, nadala mo na pala sya dito so ibig sabihin kayo na?" panunukso saken ng kambal. " eh diba para kay Denden ang bahay na to regalo mo sa kanya?.. eh di kay Jessey mo na to ibibigay? Good thing sya pa yong gumawa para sayo. My God, meant to be kayo." nakakalokang reaksyon ni Camille. Napaisip din naman ako sa sinabi nya. Noong mga panahong kami pa ni Denden hindi man lang kami nagkita ni Jessey. Sign ba yon?
Dahil tahimik lang ako inakala nila na galit ako kaya napatingin ako kay Mela sa tanong nya " so Miks galit ka ba kay Jes?" agaw ni Mela sa attention namin. Sabay yakap nya kay Kim
" bakit naman ako magagalit sa kanya? Kahit naman si Den ang dahilan kung bakit ko ito pinagawa. At hindi nasabi saken ni Jes na sya ang dahilan kung pano to nabuo. Syempre thankful naman ako kase ang bahay na to ang dahilan kung bakit ok na muli ako ngayon." nakangite kong sagot sa kanila." pero dahil nilihim nya saken to, syempre hindi ko palalampasin to. Makakatikim sya ng parusa saken" sabay ngite ako sa kanila ng nakakaloko...hahaha...bad.. " so tara na guys ituloy na natin ang celebration" kaya naman nagsitayuan na kami at nagpunta sa minibar para ituloy ang nasimulan namin sa bar ni Ara, tapos nagpadeliver na lang kami ng mga pagkain.
.
.
.
.
.
.
.
Dahil medyo may tama na kami ng mag-umpisa kami. Eto kami ngayon tumba lahat. Inaasahan ko na rin naman na mangyayari to. Kaya nga dito ko sila inaya para hindi na sila uuwi pag nalasing sila. Kahit ako lasing din ako pero hindi ko naman sila pwede iwan dito sa sala para matulog. Kahit nahihilo din ako isa isa ko sila dinala sa guestroom, buti na lang malaki ang bahay na to may apat na kwarto ang bahay na to, dalawang guestroom, isang masterbedroom at kwarto para kina mama
Kung sakaling balak nila pumunta dito. Nawala ata ang pagkalasing ko matapos ko sila madala isa isa sa mga kwarto. Kaya naman dahil sa pagod hindi ko na nagawang maligo pa nagbrush lang ako ng teeth ko at nagpunas ng katawan tapos nahiga na ako. Pagkalapat na pagkalapat ng katawan ko sa kama nakatulog kagad ako...
.
.
.
Kinabukasan.
.
.
Grabe ang sakit ng ulo ko. Oo nga pala andito ang Bullies kelangan ko na bumaba. Bumangon na ako at nagderetso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo medyo nag-iba ang pakiramdam ko. Pababa na ako ng may naririnig ako ingay mula sa kusina. Nang makalapit ako, ang dakilang chep pala ng barkada ang nangingialam ng kusina ko, si Ara at Kimmy habang ang mga girls ayon nakahiga sa sala.
Habang nagluluto sila deretso naman ako naupo malapit sa kanila " ang bango ng niluluto nyo ah mukhang masarap"
" masarap talaga to kami pa ba ni Kimmy?" pagyayabang ni Ara " buti naman nagising ka na?"
" ang sakit kase ng katawan ko tas hangover pa...ang bibigat nio grabe" pagrereklamo ko naman.
Bago lumabas si Kim ng kusina lumapit muna sya saken at tinapik ako sa balikat " thanks Yeye, ang sarap dito sa bahay mo, gisingin ko na ang mga yon" sabay turo sa kambal at Mela.
Tinulungan ko naman si Ara at Kim sa paghahain ng mga pagkain. Nang makita ng mga girls ang pagkaing nakahain, bigla nawala ang antok nila. Basta talaga pagkain number one sila.
Pagkatapos namin kumain. Nagpahinga lang kami saglit. Kailangan na daw nila umalis kahit ayaw ko pa sana namiss ko kase bonding namin. Set na lang daw ulit sila. Nang makaalis sila nagpunta na lang ako ng kwarto makatulog na lang ulit medto kumikirot pa kasw ang ulo ko dahil sa hangover. Nakahiga na ako ng marinig ko tumutunog ang cp ko na nakapatong sa may lampshade. Nang tingnan ko si Jessey. Ang dami na pala nyang miscall.
Phone convo...
Jess: babe kanina pa ako tumatawag sayo, asa opisina ka ba?
Mika: sorry babe,wala po andito lang ako sa bahay, medyo masakit ang ulo ko, dito natulog ang mga bullies. Nagkainuman kase kami.
Jess: ah ganun ba. Ayain sana kita lumabas eh mukhang hindi ka naman ok. Siguro sa ibang araw na lang.
Mika: kung ok lang sayo dito na lang tayo sa bahay? Tamang tama kung makakapunta sya kokonprontahin ko sya kung bakit hindi nya sinabi na sya gumawa nito. Napangite naman ako sa naiisip ko.
Jess: hmmmp ok sige, punta na lang ako dyan. Kumain ka na ba?
Mika: yes babe bago umalis ang bullies kumain muna kami.
Jess: ok, pero uminom ka na ng gamot para dyan sa hangover mo ha. Sige na babe off ko na to ha..wait mo na lang ako.. bye.
Nang maioff na nya phone nya naghanap na ako ng gamot para sa hangover ko. Wala eh masunurin ako eh..hahaha.. nagpunta naman ako sa sala pagkatapos para dun ko sya hintayin, medyo matatagalan pa naman yon kaya manonood muna ako ng movie.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Comment na lang po kayo kung may mga gusto kayo mangyari....thank you have a good day...