LIAM
Sa mga sumunod na araw ay ginusto kong mapag-isa. Maging sina Rex at Alex ay pilit kong iniiwasang makasama. I wasn't in the mood of interacting. I really wanted to be alone.
Sa mga klase namin ay napapansin kong napapasulyap ng tingin sakin si Dwight na para bang gusto niya kong kausapin pero di ko siya binabalingan ng tingin sapagkat nasaktan ako sa nasabi niya. Half of me wants to get back at him and half of me wants him out of my life like totally.
I've never felt this kind of pity to myself. A realization that maybe I am really not enough for my father. A disappointment to be exact. A failure.
Nasa kwarto nako matapos ng klase. Nakatunganga ako habang nakalapag sa kama yung katawan ko. Madiing tinitingnan ang kesame. Nang may biglang kumatok sa aking pintuan.
Pumanhik ako patungong pintuan. Binuksan ko ito pero wala akong nakitang tao. Nang isasara ko na sana yung pinto ay nakita ko ang nakasabit na plastik sa doorknob sa labas na parte ng pinto.
May laman itong packed food at isang iced tea drink. Kinuha ko ito sabay libot ng aking mga mata sa labas ng kwartot kung sino ang nagsabit ng pagkain na ito.
Bumalik ako sa loob ng aking kwarto at inilapag ang pagkain at drinks sa dining table. Inilabas ko ang mga ito at nakita kong may nakadikit na sticky note sa packed food.
Smile and don't frown.
Sino kayang mukong ang magpapadala nito.
Sa mga sumunod na araw ay panay ang pagsasabit ng pagkain sa di ko nakikilalang tao. At panay rin ang mga sticky note na kanyang nilalagay.
Next day: Everything will be alright.
Next day: Eat well Mr. Frown Guy.
Then I suddenly had a hunch kung sino may padala non. Pero I made sure na tama hinala ko. The next day nakaabang lang ako sa likod ng aking pintuan at pinakikinggan ko ang labas ng kwarto ko.
Suddenly, I heard footsteps sa labas. Dahan-dahan ang kanyang pag-apak para di ko siya mabisto. Rinig ko rin ang ingay na nagawa ng plastik nang sinabit niya na ito sa doorknob ko.
Nang bigla kong binuksan ang pintuan ay nakita ko si ate clerk. Bahagya siyang nagulat ng biglaan kong ibinukas ang pinto.
"Uuhm sir Liam. May nagpapahatid po ng pagkain sa inyu hihi." Ani ate clerk na nahihiya ng kaunti.
"Kanino daw galing?" Tanong ko kay ate clerk habang sinusulyapan ko ang pintuan ng kwarto ni Dwight.
"Wala pong sinabi eh nakalagay lang yan sa counter ko sa sunod na tatlong araw na. May nakalagay lang na note na ipabibigay ko daw sa inyu." Sagot ni ate clerk sabay bigay ng plastik na may lamang pagkain at drinks.
"Uuuhm matanong lang sir Liam. Jowa niyo po ba nagpahahatid niyan?" Napatanong si ate clerk.
"Nope. Wala po akong girlfriend at kung meron man ay siya na mismo ang siguro ang magpapadala ng pagkain sakin personal. Dba ate clerk?" Pilosopo kong sagot sa kanya.
"Hihi oo naman. Bat di ko naisip yun?" Sabay kamot ng ulo niya. "Sige po sir Liam mauna napo ako."
Inilapag kona ang pagkaing pinadala ni ate clerk. Pero bakit ako nag-eexpect ng ibang magdadala ng pagkain? Bakit ako disappointed dahil di tama yung hinala ko?
BINABASA MO ANG
I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]
Fanfic[I Love You, Bastard!] Oras naman ni Dwight na ipagtanggol ang kanyang kakambal. He has been so grateful to him since then dahil only Bright has put up with his behaviour. He is his knight and shining armour every time napapagalitan siya ng kanilang...