Continuation...
Makalipas ang isang buwan, naging mas matalik pa kaming magkaibigan ni Jade. Lagi kaming sabay kumain, sabay pumasok at pag uwian ay inihahatid ko siya sa motel kung saan siya nagta trabaho. Naging ganun ang routine namin araw araw. Minsan ay gumagala kami sa mall. Pero madalas kami sa mga tabi tabi ng kainan. Mas gusto raw kasi niya yung mga pagkaing kanto. Minsan ko siyang dinala sa mcdo pero natakot siya sa estatwa na nakatayo sa labas. Sobra akong natuwa sa kanya nuon. Sobrang ignorante niya sa ibang mga bagay, pero hindi nakakainis bagkus sobrang nakakatuwa. Isang beses ay niyaya ko siyang mag Star City pero labis labis ang pagtangging ginawa niya sa akin. Kesyo daw kelangan mag tipid ako at kelangan daw ay gastusin ko daw ang pera ko sa mga makabuluhang mga bagay. Isang bagay na sobra kong hinahangaan sa kanya ang pagiging responsable at pagiging mabait niya. Wala akong makitang masamang bagay sa kanya. Wala sa plano ko ang mahulog ang loob ko sa kanya. Alam ko kung hanggang saan lang kami. Pero hindi ko maiwasang hindi mahulog sa kanya. Yung simpleng ngiti niya. Simpleng pananamit. Simpleng biruan, at simpleng tawa niya. Parang pinupuno ang puso ko at wala na akong maisip na iba kundi siya lang. Pero wala akong balak umamin, hindi dahil sa naduduwag ako kundi para ingatan kung ano ang meron kami ngayon. Masaya ako basta’t masaya siya. Kuntento na ako duon. “Tulala ka na naman.” Boses pa lang talaga niya ulam na este maganda na; mukha pa kaya? “Nakareview ka ba? Midterm na natin next week.” Tanong ko sa kanya. Sa tulad niyang working student ay hindi ko maimagine kung paano nakakapag aral pa itong si Jade. “Oo naman, stock knowledge lang yan.” Pabiro niyang sabi. “Pero seryoso, nagaaral ako pag umuuwi ako. Kelangan kong makagraduate eh.” Sabi niya sabay inom ng C2. “Yan ang gusto ko sayo eh.” Sabay akbay ko sa kanya. Sanay na siya sa akin pag inaakbayan ko siya, hanggang dun lang naman ako eh. “Sus! Tingin mo ba hindi ko kakayanin ang exam?” Tanong niya sa akin. “Hindi naman sa ganun, kita mo naman nung prelim diba? Pang finals na yung mga tanong eh paano pa kaya itong midterm exam? Baka pang board exams na yung mga tanong.” Sabi ko. “Ang exagg mo naman. Mag aral ka kasi ng mabuti, madadali lang naman yung mga tanong eh.” Nakangiti niyang sagot. Pwede ba Jade, bawas bawasan mo yang pagiging palangiti mo. Nai-inlove ako lalo eh.”
Nagalarm na yung celphone ko hudyat na tapos na ang lunch break namin at pumasok na niya sa klase. Nasa kabilang building ang sunod niyang klase at ako naman ay dumiretso ng gym. Pagdating ko sa gym ay nakita kong nagkukumpulan ang mga ka teammates ko. “Anong meron?” bati ko sa kanila. Sabay sabay naman silang tumingin sa akin. “Oh ikaw pala yan. Ikaw pare ah! Hindi mo naman sinasabi sa amin na nagalaw mo na si Jade. Ano? Masarap ba? Magaling ba sa kama?” Halos magdilim ang paningin ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya. Hindi pa ako nakuntento pinagsusuntok ko ulit siya hanggang sa makita kong pumutok ang labi niya at halos mamaga ang kaliwang mata niya. “Gago ka! Wala kang alam kay Jade at lalo nang wala kang pakialam. Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Jade!” sigaw ko sabay sipa ko sa kanya. Wala naman nagawa ang iba kong mga teammates kundi umawat pero hindi nakisawsaw. Kinuha ko ang bag ko at isinakbit ito sa balikat ko at lumabas ng gym. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko kanina baka napatay ko na si Jay. Wala siyang karapatang sabihan ng mga ganung bagay si Jade.
Dinala ako ng mga paa ko sa building kung nasaan si Jade. Balak ko siyang puntahan sa room nila pero sa hallway pa lang nakita ko na siyang tulala habang lumalakad ng mabagal. “Jade!” tawag ko sa kanya. Tumunghay siya at naglakad ng mabilis para makalapit sa akin. “Sinuspend ako, nalaman kasi nila na sa motel ako nagta trabaho.” Ngumiti siya pero alam ko na hindi ito masayang ngiti. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng building. Wala siyang imik. Alam kong malungkot siya. Gusto ko siyang mapasaya. Pero paano ko iyon gagawin? Maraming bulung-bulungan ang narinig namin ni Jade habang hawak kamay kaming naglalakad palabas ng school. Nung nasa tapat na kami ng gate ay ay huminto siya sa paglalakad. “Baka masuspend ka pag nalaman nila ng nag cutting ka.” Pero sa halip na sumagot ay nginitian ko lang siya at lumabas na kami sa school. Una ko siyang dinala sa isang mall, dumiretso kami sa Quantum at naglaro. Buong maghapon kaming naglaro. Akala ko hindi na siya ngingiti pero nagkamali ako, hindi siya yung taong magpapaapekto sa mga bagay bagay. Tawa siya ng tawa habang naglalaro ng baril barilan. Iniisip daw niya kasi na yung mga taong kinaiinisan niya yung binabaril niya. Tawa kami ng tawa hanggang sa maubos namin ang token namin. Nag aya akong kumain pero ang sabi niya. “Wag mo nang balakin na dalhin ako fast food chain na may lalaking naka make up make up na sobrang kapal o kaya sa taong bubuyog. Please lang.” Napangiti na naman ako sa kanya. Lumabas kami ng mall at nagpunta sa gilid nito. Maraming mga stalls, puro pagkaing kanto pero masarap at mura. Dito niya talaga gustong kumain. “Kuya dalawang beef pares.” Order ni Jade, kabisado na niya talaga ang gusto ko. Kumain lang kami ng kumain hanggang sa parehas kaming mabusog. Nag aya na akong umuwi. Hindi na siya nakapasok sa motel pero nakapagpaalam naman daw siya. “If ever hindi ako masuspend dadalawin kita sa inyo, itu-tutor kita tungkol sa mga lessons na mami-miss mo, kilala ko naman yung mga prof mo eh.” Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. “Salamat.” Magkahawak kamay kaming naglalakad pauwi sa kanila. “Dito na ako. Salamat. Maginat ka pauwi ah.” Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Naglalakad na ako pauwi sa condo ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas kaya bahala na.
BINABASA MO ANG
950400 Hours [Short Story]
Short StoryI don't comply to most situations. I adapt. In my own way. Period.