GO WITH THE FLOW (Chapter 4)

576 17 1
                                    

Charles' POV

Unang araw nanaman ng school. At dun na Naman ako sa kaduluduluhan ng classroom namin.

Habang nakaupo ako sa may likuran... May na assign na Babae sa tabi ko. Hindi ko maipagkakaila Pero...

Ang ganda niya talaga. Siya yun. Siya yun. Siya nga iyon. Siya si mellanie... Yung babaeng ayaw sagutin ang pinsan ko.

Ngayon lang ako titingin sa babae. Kase usually sila ang tumitingin sakin.

Tumingin ako sa mga mata niya at nakaka... Basta.. Parang napaka lalim ng mga mata niya. Parang kapag tumingin ako sa mga mata niya parang pwede akong mawala.

Ang ganda at Ang haba rin ng buhok niya. Aaminin ko, nang dumaan siya kanina papunta sa tabi ko.. Naamoy ko yung Amoy niya. Ang bango talaga. Parang Amoy ng vanilla.

Hindi ko pinansin kung Ano man Ang mga pinagsasasabi ng teacher namin. Na realize ko lahat sila nagsisilabasan ng notebook. So akala ko may isusulat. Pero Hindi ako mangongopya. Alarm Kong fist day Pero.... Parang sinagasaan ako ng truck ng katamaran..

Pag tingin ko sa bag ko... Wala pala akong ballpen.

Tinanong ko yung isa kong katabi sa kabila kung meron ba siyang extra ballpen at sabi niya wala daw

Nagdalawang isip ako kung hihiram ako sakanya (Mellanie) ng ballpen at na isip ko na pwedeng yun ang maging paraan para magkakilala kami.. At sabi ko

"Oy. Pssst pahiram nga ng ballpen"

Syempre kailangan Kong maging pa-cool

At dahil walang makakatiis sa kagwapuhan ko... Pinahiram niya ako ng ballpen. Hahahah

"Eto oh" pasimple niya in abot ang ballpen

"Salamat sa ballpen. Ikaw ba yung paasa?" Pa-curious Kong tinanong mejo pabiro

At dun ko na isip na parang ang harsh nung sinabi ko.

"Kanino mo Naman nabalitaam yan?!" Parang galit niyang sinabi sakin

"Haha. Hindi ko Naman talaga nabalitaan yun e. Kinuwento/ nabanggit lang sakin nung pinsan ko. Di mo daw siya sinagot. Haha. Mashado ba akong madaldal? Ako nga pala si Charles . pinsan ni steven"

Tuwang tuwa ako dahil napakilala ko na rin Ang sarili ko.

Baka Naman iniisip Niya na kasabwat ko ang pinsan ko dito or pinapunta niyako para kulitin siya...

"Sinabi ba ng pinsan mo na kulitin ako?" Bigla niyang naitanong

"Hah? Hindi noh. Chaka di ko na yun pinapansin." Pa joke Kong sinabi sakanya

"Weh? Pano ako makakasiguro na Hindi mo ako binu-bullshit?" Padabog niyang sinabi

Sinabi ko sakanya na napaka swerte niyang kinakausap ko siya dahil marami kakong babae Ang may gustong kumausap sakin.

Tinuro ko yung tatlong babae na nakatitig sakin at patay na patay...

pero mukhang pagiinitan siya neto mamaya

"Ano naman Ang kinalaman ko sa kanila?" Tinanong Niya bigla sakin

"Pustahan tayo pagka recess aawayin ka ng mga yan. hahahhahahahahaha" sinabi ko sakanya na mejo kinakabahan . dahil... Ayokong masaktan siya

Yung natatandaan Kong huling nag away na mga babae dahil sakin ay soooooooobrang sobra sa grabe!

*Bell*

Recess na.

Pumunta na ko sa cafeteria/ canteen at sinusubukan Kong hanapin si Mellanie at sa sinwerte ako dahil ... Nakita ko siya.. Pero Kasama niya yung best friend niya na si jerick. Aaminin ko paring naiinis ako sa jerick na yun.

Habang kumakain sila ni jerick. May dalawang babaeng mukang galit na galit ang sumugod sa lamesa ni mellanie at pinagsasabihan na lumayo sa akin. Sa sobrang galit nng babae Kay mel

ETO NA NGA BA SINASABI KO E

At habang pinu-putakan siya nung babae, Hindi na ko nag dalawang isip na puntahan siya

At Ewan ko ba kung Ano Ang pumasok sa isip ko...

Bigla na lang akong umupo sa tabi ni Mellanie at chaka ko siya inakbayan .

Sigurado ako.. Isa lang Ang iniisip niya...

NAPAKA KAPAL NG MUKA KO

Pero mukang tumalab Naman kase napag selos ko yung babae chaka siya umalis. At napag selos ko rin yata si jerick

Hahhahahhahhahahhahaa

Aaminin ko.. Inenjoy ko yung pag akbay Kay Mellanie. Shempre sobrang ganda banaman netong inaakbayan ko e.

Ewan ko ba Pero parang natuwa ako nang naisip ko na pagselosin si jerick Pero mabuti na iyon dahil Dun ko malalaman kung may gusto siya Kay Mellanie.

Kung di siya magseselos, ibigsabihin Wala siyang gusto

Kung magselos Naman siya... E Alam na!

Pinagdadasal ko talaga nung oras nayon na Hindi mag react si jerick.

At...

Salamat sa diyos parang Hindi siya nag selos. Edi dun ko nalaman na Wala akong dapat ikabahala kung kasama Ni Mellanie si Jerick dahil mukang Wala Naman siyang gusto sa Kanya

Pero Ang tanong

Baka Naman si Mellanie ang may gusto sakanya.

FOREVER? (On going) Liza Soberano & Enrique GilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon