Sabi ko naman...

82 1 0
                                    

Sabi nila... imposible raw na magustuhan mo ang isang taong kakikilala mo pa lang.

Sabi nila... imposible raw na magustuhan niya 'ko sa loob ng maikling panahon.

Sabi nila... imposible at malabo pa raw sa maruming salamin ang maging kami.

Sabi nila... nagmumukhang tanga na raw ako para sa kanya.

Sabi nila... tumigil na lang daw ako at kalimutan na siya.

Sabi ko naman... imposible nga maging kami; pero mas imposible na makalimutan ko siya.

Lalo pa ngayon na mahal ko na siya?

BADJAO: Gusto ko siya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon