🌿🌿🌿Joey's Point of View
Hi ! I'm Joey Nikki Salazar 17 years old , Second year collage . Isang akong nerd ayaw saakin ng lahat . I dunno why? Kase daw mababa ang standards namin , Kase ang papangit namin . Totoo nga ang sabi nila na mamahalin ka lang ng mga tao sa paligid mo kung maganda . Yeah kapag maganda kalang ikaw ba maganda ? Pero alam kung lahat tayo ay maganda pero ako di ko alam HAHA ." Joey bumaba ka na at baka malate kapa sa school " sabi saakin ni yaya .
"Sige Ya baba na ako " sabi ko at pumasok ng banyo para gawin ang moring rituals ko .
Nang tapos na akong maligo ay nag bihis ako ng uniform . At nag lagay ng lip balm at pulbos sa mukha at nilagay ang salamin ko . Then bumaba na ako para kumain ng almusal .
"Ya nasaan sila Mom and Dad ??" pagtatanong ko . Kase wala sila e.
"Nauna na sila . Bilin nila saakin na maaga ka daw umuwi at sabay sabay kayo kakain ng hapunan " sagot ni yaya . Kaya kumain na ako ng almusal ko ng ako lang mag isa .
Pagtapos ko kumain ay nilagay ko sa sink ang plato na ginamit ko . Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa bike ko. Nasanay na ako na bike ang gamit ko pagpasok , tsaka kahit na maikli ang palda ko ay hindi naman kita kaluluwa ko kase may short sa loob na maikli .
Hindi inabot ng ilang minuto ang pag bibisikleta ko . Kasi malapit lang naman ang school sa bahay , kaya bike lang ang ginagamit konsayang kapag nag sasakyan pa ako e malapit naman sa bahay .
Pagpasok na pagpasok ko nandiyan na ang bulungan ng mga bubuyog .
"Like eww saan niya kaya nakuha yang sasakyan niya !"
"Ang cheap "
"Sabagay , bagay tignan para sa isang pangit na katulad niya "
Ouch! Ang harsh nila ah .
"Bessy !" sigaw ni chloe saakin . Ang ingay talaga ng babaeng to parang nakakain ng mic .
"Hinaan mo nga yang boses mo chole ang lakas ! " pagsita ko sa kanya . Pero no effect sa kanya .
"Sa gusto ko na malakas ang boses e " sabi niya . Haystt baliw talaga tong si chloe .
"Bessy nabalitaan mo !" sabi niya . Nabalitaan ? Ang alin ?
"Ang alin ?" tanong ko .
"Dito na daw mag aaral ang anak may ari ng school " sabi niya . So ano ang connect saakin nun .
"Oh tapos ?" sabi ko na naka poker face sa kanya .
"hayst ano pa nga ba ang bago sayo. bessy joey . Alam kung wala ka namang pake sa mga ganyan. Tara na nga pasok na tayo sa room " sabi niya at hinila ako papunta sa room namin .
Oo nga pala she is Chloe Anne Espinosa . Siya ang childhood bestfriend ko , simula noong elementary hanggang ngayon siya ang kasama at kaibigan ko.
Nang makarating kami sa room , ayan nanaman ang mga tingin nila na nakakatakot . ASH! Bakit kase dito pa ako nag aral .
"Tara na sa upuan natin bessy ! " sabi niya sabay hila papunta sa upuan namin. Naka puwesto kami sa bandang dulo .
Nag usap nalang kami ni chloe dahil wala pa ang teacher namin sa first subject .
"Andyan na si Ms . Perez " sigaw ng Pres namin sa room kaya nagsiayos kaming lahat ng upo .
"Good Morning Class !"

YOU ARE READING
Nerd Meets Bad Boy
Teen FictionSi Joey Nikki Salazar ay isang simpleng nerd na palaging hinuhusgahan . Isang simpleng pamumuhay lang meron siya , hanggang sa isang araw nagising nalang siya sa bangungot na hindi niya inakalang mangyayari sa buhay niya . Simulang ng dumating ang...