Uno

8 0 0
                                    

Minsan ang pagiging Tanga ay hindi Kamalasan. Minsan nagdudulot ito ng kasiyahan. Kaya nga libreng maging tanga.

Ano ng hinihintay mo? Magpaka Tanga ka na!

"Hay, Sana... mahanap ko na ang Destiny ko" bulong ni Angely sa sarili.

Naka upo ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Hapon na kasi. Mga 4:00. Gusto ko lang magpahangin.

"Angely, Halika rito." Tawag nang Mama niya.

"Bakit po ma?" - Ako

"Pumunta ka muna kina Aling Niba, bumili ka ng Kamatis. Kanina, maraming kamatis rito. Nagtataka nga ako bakit nawala." - Mama

"Pabayaan niyo na po 'yon. Baka na.engkanto tayo. Sige po. Bibili na 'ko." - Ako.

Nawala ang kamatis? Syempre, kinuha ko. Kay gandang Engkanto. Ayun, Tinago ko. Eto kaya laruan ko. Akekeke.

Anung ginagawa ko dito? Basta! Malalaman nyu na lang 'yan mamaya.

"Ma, eto na kamatis mo! Catch" - Angely, sabay tapon ng plastic.

"Ang lakas talaga ng trip mo bata ka!" Mama

"Mana-mana lang yan HAHAHA" -Ako

At dahil wala akong magawa ngayong araw na ito, tatambay muna ako sa Favorite HotSpot ko. HotSpot nga wala namang Wifi.

(explain ko muna yung lugar para medyu malinaw) :

Ang bahay namin ay may malawak na garden sa harap. Tapos may bench na kaharap ng gate namin. Tapos 'yung gate namin naka bukas. Kaya kita-kita ko yong mga dumadaan sa kalsada. Gets nyu na?

Ayun, So. Tumatambay ako dun. Umuupo sa Bench at nag-iisip.

"Ateeeeeee!" Sigaw ni Cj. (Ate, as in sister. Baka akala nyu "Ate"- yung kinain. Haha) Kapatid ko yan. Patakbong pumunta sakin.

"Ay, mukhang Tae!" Syempre, nagulat ako.

"Saan ang tae?" Sagot niya.

"Sa mukha mo! Aynako, ano bang kailangan mo?" Ako.

"Tingnan mo ate, binigay ng bestfriend ko. Gift niya daw sa akin." Excited na wika ng kapatid ko.

"So, anong gagawin ko jan?" Ako.

"Kainin mo?" Cj

"Niloloko mo ba ako? Ano akala mo sakin, hindi tao?" Ako.

"Sino bang tao pa dito, maliban sakin? Wala na ata." Inosente niyang sagot.

"Lecheng bata to ah, Isa na lang talaga! Naiinis na 'ko." Bulong ko.

"Sa ganda kong to, talagang hindi ako tao. Dyosa ako!" Sabat ko.

Alam kong sasagot pa ang bwisit kong kapatid kaya, kinuha ko na ang huling alas ko sa bulsa ko.

"Eh ang Pang..

**PAK!**

bujebujajibi."

"Isang salita pa, at pupunuin ko ng kamatis 'yang bunganga mo." Ako

Anong ginawa ko ? Ayun, nilagyan ko nang kamatis ang bunganga. Sabing, defense ko to eh. Ang daldal eh.

"Mommy! Huhuhu. Inaway naman ako ni Ate!" Pasigaw na wika ni Cj habang papasok sa bahay.

AKO ANG NAGWAGI !!

--

Short Story lang po to :) Mga 3 Chapter. 1st Timer ko lang po sa pagsusulat. Well, Your comments will be highly appreciated. kaya 'Wag maging Honest! Alam kong panget tong story ko. Kekeke. Be my Motivation! AJA!

Pagpasensyahan nyu na po yung story ko. Product of my Katangahan yan. Kaya No doubt, tanga rin ang character. ✋

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon