CLOSURE

22 2 0
                                    

Bella's POV

Today is the day, I hope na maging okay na lahat. Pagod na din ako sa kakaiyak, gusto ko na kausapin si Jen. Pero nahihiya ako, na parang ako talaga ang nag kamali na pinili ko padin na mahalin yung taong mahal niya kahit na para lang sakanya si Dylan. Lalapit na sana ako kay Jen kaso nauna akong  kinausap ng mga babae naming mga classmates na kung pwedeng mag usap na kami, para clear na ang lahat. Nag usap kami ni Jen at naging maayos naman yung pag uusap namin, pero nakikita ko padin yung sakit na nararamdaman niya mula sa mga mata niya. Back to normal ang lahat, nag uusap na kami uli ni Dylan. And alam na din ng mga friends ko na okay na kami ni Jen.

Pag uwi ko sa bahay, nag chat saakin si Jen na kung pwedeng mahalin ko lang si Dylan at wag ko siyang iiwan. Sinabi niya din na pag iniwan ko si Dylan lagot ako saknya, napaka bait ni Jen. I appreciate how kind and sweet she is, minsan napapaisip ako na baka mas magiging masaya si Dylan kay Jen kasi napaka perfect niya. I heard din na there's this guy na tinutulungan si Jen na maging happy padin and I'm happy for her.

Nag uusap padin kami ni Dylan, naging maayos na din sila ni Jen. Pinili nila na maging mag kaibigan, and I respect that ang cute kasi nila pag nag lolokohan. God is good naayos din yung problem na iniiyakan ko for 2 weeks. My only question is, ano kayang mangyayari ngayon na okay na ang lahat?

Maraming kailangang gawin ang mga student leaders this week kasi malapit na ang prom.
Ako, si Evann at si Joyce ang mga kinuhang representatives para sa meeting. Kailangan na kasing pag usapan kung anong mga kailangan para sa prom this year. Binigyan kami ng paper ni Ma'am Dorcas and she told us na kami na daw ang mag hanap ng partners para sa girls, kasi lahat maarte ayaw nila mamili ng partner nila.

Kaya naman binigyan na namin sila ng mga partners, ginawa namin na mag partners yung mga love team sa room hahaha, tapos biglang tinanong ako ni Joyce kung sino yung pwedeng ipartner kay Jen, kasi sila Dylan at JC nalang ang natitira. Naiinis ako sa sarili ko kasi pinili ko na si Dylan ang maging partner ni Jen kahit na pangarap ko yun. Hindi ko alam kung bakit, pero yun ang decision ko. So I'm stuck with JC na halos every year kong partner.

Sa wakas natapos na yung meeting, excited na ako pero malungkot at the same time. Kasalanan ko kung bakit ako nalulungkot, may chance naman ako na piliin ko nalang na maging partner si Dylan pero I didn't kasi iniisip ko padin si Jen. I want her to be happy, and mas maging okay na sila ni Dylan as friends. Pero bakit parang gusto kong bawiin? Papasok na sana ako sa classroom nang bigla akong hinila ni Dylan.

"What happened? Bakit hindi mo ako pinili?"
"I'm sorry, sa tingin ko mas okay na si Jen ang partner mo besides siya naman talaga dapat."
"What are you saying? Bella ika wna pinili ko, pero ako hindi mo kayang piliin?"
"I'm sorry."
"I don't know what to say."

Then he left, naiintindihan ko si Dylan. Pero kailangan niya din maintindihan na I'm just helping him, para mas maging okay na sila ni Jen. Sana hindi ko pag sisihan yung decision ko. Mamaya may practice na kami agad para sa prom dance, sana maging okay. And I hope wag maging makulit si JC, or else baka ma suntok ko siya.

*School Bell*

Practice na, lahat nasa kanya kanyang partners na.
Sinubukan kong tignan si Dylan, and he's just looking at me na parang he's begging na ako nalang maging partner niya. Hahahaha ang cute niyang tinitignan, kaya I smirked tapos nainis siya. Ang sarap niyang biruin kasi may pag ka pikon. Nag start na kaming sumayaw, hindi naman mahirap yung steps sadyang parehas lang na kaliwa yung paa ni JC, grabe sana pinakanta nalang siya every year ganito nalang kami hahahaha! Tapos nakita ko sila Jen at Dylan, ang galing nilang dalawa.

Malapit na matapos yung practice, pero humingi muna yung mga classmates ko ng break. Kaya pumunta ako kila Mae para makipag kwentuhan.
Nakita ko din na papalapit saakin si Dylan, then he tapped my head at sinabing "Miss mo na ako?" Ang cute niya pero pakipot ako e kaya sinabi kong "Hindi." Tapos nag baby face siya na parang naiiyak ka cute hahahaha!

"Kamusta ka naman Bella na si Jen ang partner ni Dylan?" (Sabi ni Mae)
"Haaay nako nagulat nga din ako bakit hindi niya pinili kanina sa meeting si Dylan." (Sagot ni Evann)
"Nako naman, wala na saakin yun besides friends naman sila. Anong masama dun?" (Sabi ko)
"Dapat ako padin pinili mo kasi ikaw na pinili ko." (Sagot ni Dylan)

Nakatingin lang saamin ang buong barkada, then Dylan came closer at sinabi na "Pinili na kita." Hindi ako naka galaw, masyado siyang malapit kaya lumayo ako. Tapos nag tawanan sila na parang tawang tawa talaga sila sa reaction ko. Tapos na mag break at nag practice uli kami, tapos biglang nag salita si JC.

"Last practice naman na to for today, and nag usap kami ni Dylan kung pwede ka niyang isayaw."
"So?"
"Palit muna kami ng partner."
"Hindi pwede."

Tapos binitawan ako agad ni JC, then lumapit saakin si Dylan. He held my hand and said "Can I have this dance?" Ang corny niya pero napasaya niya ako. Totoo nga ako nga pinili niya, kahit hindi ko siya pinili na maging partner still ginawa niya lahat para lang ma convince si JC, para masayaw niya ako. I wish na mas maging brave pa ako, na someday kakayanin ko din na isipin muna sarili ko. Kasi hanggang ngayon na kasayaw ko si Dylan, iniisip ko padin kung okay lang si Jen. Bakit ganun? Ako na yung pinili pero bakit nahihirapan padin ako? Ako na may problema.

Pinili.

WAITING FOR YOUWhere stories live. Discover now