Chapter 40

995 44 12
                                    

Nagpasundo ako sa driver namin pabalik sa bahay. Hindi pa maproseso sakin ang nangyari. Hindi ko inakalang magagawa ko yun ng ganon lang kadali. Nasabi ko yon ng hindi nauutal. Ngayon ko lang yata naramdaman ang panghihina.

Kuya:

Nasan kana? Wag mo akong susubukan kylie.

Mas lalo akong nagalit sa message ni kuya. Hindi ko sya nireplayan. Bala sya magisip ng kung ano ano. Wala ko sa mood makipagasaran sakanya.

Kahit malapit lang park sa subdivision namin ay natagalan dahil sa biglaang traffic. Inabala ko ang sarili sa pagfafacebook pero napatingin kay manong ronaldo ng bumaba ito sa kotse. May kinausap ito sa labas.

Nagcellphone nalang ako ulit at natagalan ang titig ko sa isang picture 5 years ago. Picture namin ni mikaelle sa boracay. Pabiro nya akong niyayakap ng mahigpit mula sa likod at nakatawa naman ako. Nanliit mata ko at nagscroll nalang ulit.

Masasanay din ako. Nasanay na nga ko eh nagulo lang ulit. Bakit ba kailangan pang mangyari yon? May biglang darating tas magiiwan ng marka sa buhay mo. Ang hirap kapag may naaalala akong bagay na nakakapagpaalala sakanya. Nakakabaliw ng sobra.

Pumasok na si manong kaya mabilis kong tinanong. Medyo umayos na ng konti ang daan.

"Ano pong meron, manong?"

"Ahh may naaksidente daw eh. Kailangan na nating umuwi magdidilim na."

Hindi ko na inisip ang oras at natulala sa narinig. Aksidente? Sinong naaksidente? No hindi sya yon. Don't over think too much kylie. Maayos syang makakapunta sa pupuntahan nya. Wag kang magisip ng kung ano. You hate him? Hate him more.

Matagal bago kami nakauwi sa bahay. Sa labas palang ay natatanaw ko na ang galit na galit na mukha ni kuya at mukhang nanggigil. Pagkababa ko palang sa kotse ay madilim na ang tingin neto na parang ano mang oras ay lilipad na ang mga gamit ko sa labas ng bahay.

"Why you took you so long!? Hindi ka sumunod sa usapan! Anong oras na!? Its already 6pm! Sumubra ka na bat hindi mo pa tinagalan para sulit ha?" Inirapan ko sya.

"Its just one hour! Kung makapag react ka daig mo pa si mama! Tsaka natagalan kami dahil sa traffic!" Naaasar kong sagot sakanya.

"Wag kana magsinungaling! Nakipag date ka no!? Sino ba yan at ng mabangasan ko---"

"I'm not! Stop overreacting kuya. Traffic talaga!"

"Ahm sir, pasensya na. May naaksidente kasi sa high way kaya natagalan yung paguwi. Pasensya na sir." Singit ni manong ronald.

Medyo natahimik si kuya pero masama pa din ang tingin saakin.

"Why you didn't text me then!?"

"I was busy to even text you! Why can't you just let me in and talk inside!?" Medyo napataas kong boses. Hindi ko na matago ang pagkairita ko sakanya.2

"Anong nangyayari sainyo at nagsisigawan kayo dyan!? Nakakaabala kayo ng kapit bahay! Inaano mo na naman kapatid mo kyle!?" Tanong ni mama at hinila kami papasok sa loob.

"Mama! Si kylie pagalitan mo oras na po umuwi! Ginawa pang dahilan ang traffic eh nakipagdate lang naman sya!" Reklamo ni kuya pero sinapok lang sya ni mama sa ulo. Napatikom naman bibig ko at medyo pinigilan ang tawa.

"Ano naman!? Ayos lang naman saken yon lalo na sa papa mo! Malaki na ang kapatid mo, alam na nya ang tama at mali kyle."

"Pero ma, hindi po ako makakapayag don! Mas magandang pagaaral ang atupagin nya kesa mga walang kwentang bagay!!" Sinamaan ako ng tingin ni kuya pero ginantihan ko sya! Sasabihin na ba nya!? Ano magsasabihan na kami ng secreto dito!?

BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon