Late na akong natulog, pero mas nauna pa din akong magising kay Alex. Paggising ko ay naghihilik pa ang bruha habang nakayakap sa hotdog pillow ko. Dahan-dahan akong bumangon at dumeretso sa may bintana.
Pagbukas ko nito ay sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Ibang-iba sa hangin ng Maynila na madaling-araw pa lang maalinsangan na.
"Natulog ako nang nandyan ka na, paggising ko nandyan ka pa din? 'Wag mo sabihing hindi ka natulog?" napalingon ako sa nagsalitang si Alex.
Hindi ko magawang tumawa. As usual, ang aga-aga stressed na agad ako sa mga pinagse-search ko kagabi. Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko, baka kasi galing din palang Google mga pinagsasabi ni Vicente sakin.
Naramdaman kong naupo sa may upuan sa tabi ng bintana si Alex, "Alam mo, girl, hindi mo dapat bini-big deal 'yung pag-uusap n'yo ng lalaking 'yon. Nakakagulat nga, that the intelligent Miss Rodriguez is thinking too much over a nonsense stuff."
Tumingin ako dito at huminga ng malalim. Minabuti kong hindi na sabihin sa kanya ang mga nalaman ko kagabi. Baka mas lalo niyang isipiang nasisiraan na 'ko.
"I'm telling you, kalokohan lang 'yon. 'Wag mong sabihing naniniwala ka?"
Hindi ako sumagot at tumitig lang dito. Napabuga siya ng hangin bago nagsalita, "So naniniwala ka nga?""I.. I don't know."
Ipinatong nito ang siko sa hita at pumangalumbaba sa harap ko, "Choice mo 'yan. Alam kong may doubt ka pa din regarding sa pagbanggit niya sa bible, pero girl, nasan 'yung logic? Tingin mo ba 'pag sinabi mo 'yan sa mga professionals seseryosohin ka nila?" umiling ako bilang sagot, "Exactly! Kasi hindi din naman seryoso 'yung sinabi ng Vicent or whatever na 'yon sayo. Purong kalokohan lang."
Napaisip ako. Baka nga masyado lang akong nag-iisip ng kung ano. Masyado kong sinerseryoso at pinaglalaanan pa ng puyat ang mga sinabi niya na in the first place ay halatang kasinungalingan naman.
"Siguro nagwapuhan ka lang kaya kung makapag-drama ka dyan feeling mo LQ kayo no?"
Hindi ako makapaniwalang tumingin dito, "Hi-hindi no! A-anong gwapo? Hindi siya gwapo!"
Nag-make face sakin si Alex na parang nang-aasar, "Kung i-describe mo nga daw 'yung mata para kang na-inlababo."
Halos manlaki ang dalawang mata ko. Siguradong galing kay Mama ang kwento na 'yon. "Hindi 'yan totoo! B-blue kasi 'yung kulay kahit mukha naman siyang pinoy! Showbiz ka masyado."
Nasa kasagsagan pa din ng pang-aasar sakin si Alex nang may kumatok at pumasok sa kwarto si Mama, "'Nak, gising ka na ba?"
"Ma?"
Nagkatingin kami ni Alex nang mapansin namin ang kakaibang ngiti ni Mama. Para siyang teenager na nagpipigil ng kilig.
Lalo akong naweirduhan dito nang hinagod-hagod nito ang hanggang balikat kong buhok habang suot pa din ang malokong ngiti niya. Sa totoo lang, anong problema ni Mama?
"Ma, ano pong meron?"
"'Nak, hindi mo naman sinabi sa aking nagkakamabutihan na pala kayo ni Francis."
Napakunot ang noo ko habang halos lumaglag ang panga ni Alex, "Ano po, Ma?"
"Aba'y kanina ka pa hinihintay ng manliligaw mo."
Manliligaw?! Anong manliligaw? Saan 'yon napulot ng nanay ko? Ni hindi ko nga alam kung anong apelyido ni Francis tapos manliligaw agad?
Bigla namang natauhan si Alex at pagdakay humawak sa braso ko, "Omg, Tita! Pakisabi po kay Francis na another ten minutes pa at mag-aayos lang 'tong friend kong umabot yata sa labas ang haba ng hair." sabi nito saka ako hinatak palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Genç Kurgu𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...