CHAPTER 26: IN DANGER
Monday morning at nandito nako sa company. Kasama ko ngayon ang dalawang bodyguards na hinire ni Zrel para bantayin ako.
Ilang araw narin nung naging busy ako sa kasal namin at naging abala sa mga nangyaring hindi inaasahan kaya naman kailangan ko ngayon bumawi sa company.
Isa narin sigurong rason kung bakit hindi namin namalayan ni Zrel na may nangyayaring nakawan ng pera ay dahil sa pagiging busy namin pareho sa isa't isa. 1 buwan din kasi ang ginugol namin para sa pagaayos ng kasal tapos may honeymoon pa tapos biglang nangyari 'yung trahedya nung isang araw at nalaman na buntis ako kaya kailangan ko munang magpahinga.
*phone beep*
Tinignan ko ang cellphone ko ng biglang may tumunog dito.
From: Kumag
- Where are you? Is everything ok? Kasama mo ba ang mga bodyguards mo?
Basa ko sa text kaya naman napangiti ako. This man will always be my happiness. Napakasarap sa pakiramdam na-concern siya sakin at sa magiging anak namin.
Tinignan ko ang mga bodyguards sa may bandang pintuan ng office ko. Masyado silang seryoso! Saan ba napulot ni Zrel ang mga taong 'yun?
Napailing nalang ako at nireplyan ang tinext ni Zrel.
To: Kumag
- don't worry, Zrel. i don't think na may makakalapit pa sakin. Anytime pwede sumuntok ang mga bodyguards na kinuha mo. Masyadong seryoso at matapang ang itsura nila. Psh!
Bumalik nako sa trabaho at inasikaso ang mga ibang documents. Nang biglang tumunog ulit ang cellhone ko.
From: Kumag.
- Good. That's why sila ang kinuha ko. Lmao.
Basa ko sa text niya ka naman pailing nalang ako. Bigla namang may kumatok sa pintuan at kaya naman napatingin ako dito.
Iniluwal nito si Casi kaya naman sinenyasan ko ang mga bodyguards na papasukin siya.
"She's my secretary" sabi ko kaya naman pinatuloy na siya sa loob ng office ko.
"Good morning po, Ma'am. Meron daw po kayong sasabihin sakin?" aniya ng makalapit sakin.
"Kailan kasi 'yung meeting natin with Ms. Gonzales?" Tanong ko dito kaya napaisip siya.
"Ahh ehh ngayon po 'yun, Ma'am"
Napakunot ang noo ko. "Akala ko naman bukas pa" sabi ko at inayos na ulit ang mga papeles, Hindi ko lang siguro napansin na ngayon na 'yung meeting nayun.
"Anong oras 'yun?"
"Before 1 hour dapat nandun na po" sagot nito at may binigay sakin na papel.
"Ok, you may go back to your work. I'll just call you kapag aalis na tayo" sabi ko dito at ngumiti siya at umalis na.
Pagtapos ng ilang minuto ay naghanda nako para sa isang meeting nanaman na gagawin. Palabas nako ngoffice ko ng biglang hinarangan ako ng mga bodyguards ko.
"We'll have a meeting today, kailangan ko ng umalis" sabi ko sa mga ito kaya naman umalis na sila sa pagkakaharang sa pinto.
Haystt kailangan ko talagang sabihin lahat ng gagawin ko ano?
Daig ko pa ang bata na binabantayan ng mga 'to. Psh.
"Ok, Ma'am. Saan po ba ang kotse niyo?" sabi nung isang bodyguards sa likod ko kaya naman napahinto ako at hinarap 'yun.
"At bakit mo naman tinatanong?" Taas kilay kong tanong dito.
"Si Sir Zrel po ang nag-utos na kami ang mag drive ng kotse nyo kahit saan pa po kayo magpunta, Ma'am. Saan po ba ang gagawin 'yung meeting?" Sabi neto kaya naman napabuga nalang ako ng hangin. Really?
Ano to? Magkakaroon pa ako ng driver? Kaya ko naman ang sarili ko!
"Wag nga kayong OA! Kaya kong magmaneho at isa pa, meeting ang pupuntahan ko, hindi ako mapapano dun!" iritang sabi ko sa mga to. Kakabanas sila.
"Kasama niyo po kami ma'am kahit saan pa po kayo magpunta, Utos po ni Sir Zrel 'yun" sabi pa niya kaya naman kaagad ko ng dukot ang cellphone ko at dinial ang number ni Zrel.
Ahhh!! Grabe naman ang paghihigpit nila sakin! Meeting lang man ang pupuntahan ko!
"Zrel, ayaw nilang makinig sakin na hindi sila pwede sa meeting kooo! Para silang asong buntot ng buntot!" iritado kong sabi ng sinagot niya ang tawag.
"Fuck. Don't stress your self, Bella." Ani Zrel kaya naman napahinahon ako. Eh kakabuisit kasi mga 'to.
"Ehh sinabi na kasing hindi sila pwede dun, kasama ko naman ang secretary ko na aalis eh!" sabi ko pa kaya naman rinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Ok, fine. Wala nakong magagawa. Do what you want, sabihin mo sa kanila na wag ka ng samahan" ani Zrel.
Ewan pero parang may nagawa akong mali. Dismayado ang boses niya at pinatay na 'yung call.
"You heard it right?" Sabi ko sa mga bodyguards at nilagpasan na sila. Hindi naman sila nag abala pang sundan ako.
Hindi talaga ako matahimik sa sinabi ni Zrel, he's just protecting me.. Pero ako pa 'yung may ganang magalit.
"Maam? B-bakit ho kayo umiiyak?" sabi ni Casi at nakatingin sa mukha ko.
Shit? Umiiyak na pala ako, hindi ko namalayan. Ewan pakiramdam ko kasi nagalit ko din si Zrel. Ganito ba talaga ka emotional mga buntis?
"Tara na" sabi ko kay Casi at ibinigay sa kanya ang susi.
Inisip ko nalang na bumawi mamayang pag-uwi ko. Ano ba naman kasi ako? Rereklareklamo ako tapos ako pa tong iiyak kapag hinayaan:<
Habang nagmamaneho ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Zrel.
To: Kumag.
- Sorry if I disappointed you kanina, I know you're just thinking of me and our baby.
Hindi lang talaga ako mapapatag sa ginawa ko. Kinausap niya nako tungkol sa bawal at dapat kong sundin pero pinairal ko talaga ang akin.
Napaka-tigas ng ulo ko.
---
"Sundan niyo siya" utos ko at pinatay na ang tawag.
Pagtapos tumawag sakin ni Bella ay tinawagan ko agad ang isa sa mga hinire kong bodyguards ni Bella.
Hindi lang siguro talaga ako mapapakali kapag may nangyari ulit masama sa kanya.
Simula kasi nung mga nangyari nung mga nakaraang araw ay takot nakong magtiwala ulit at gusto kong laging safe sa paningin ko ang asawa ko.
I know I'm being to much protective to her, pero mas maganda narin 'yun para makasiguro na wala ng mangyayari masama at hindi siya mapapahamak.
She is really stubborn. Kapag gusto niya, gusto niya.
Parang bumabalik 'yung dati niyang ugali.
Bigla ako napatingin sa cellphone ng bigla itong tumunog. Napangiti ako sa text niya sakin.
Muli akong napatingi sa screen ng biglang tumawag ang isa sa mga bodyguards ni Bella. Sinagot ko 'to at pinakinggan kung ano ang sasabihin niya.
"Sa palagay ko Sir hindi sa meeting ang punta nila" nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang sinabi nito.
Fucking hell.
- end of chapter 26-
BINABASA MO ANG
Delightful Marriage #1.2 [COMPLETED🍎]
RandomBook 2 of Perfectly Different: Delightful Marriage