Ang Katotohanan Mula Kay Konswelo
"Ito ba ang iyong hinahanap?" tanong sakin ni Konswelo.Napalitan ng galit ang takot ko. Ang lakas ng loob niyang magpakita pa sakin..
"Ibalik mo sakin yan Konswelo! Hindi yan sayo! Akin yan!" sigaw ko sa kaniya at dahan-dahan siyang lumapit sakin pero napapaatras ako.
"Oo nga at sa iyo ito.. Ngunit ako naman ang nag-utos sa iyo na sulatin ang librong ito" nagulat ako sa sinabi ni Konswelo.. Anong siya ang nag-utos?"Ibalik mo sakin yan! Hinding-hindi na ako maniniwala sayo.. Buong buhay ko nilinlang mo lang ako! Tinanggal mo ang emosyon ko at ginawang Reyna, ginawa mo lahat yun para makontrol ako. Para ano?! Para makuha ang Heratalya?! Ang kapal ng mukha mo, hindi na mangyayari yon!" nakangiti parin sakin si Konswelo at nakalutang lang siyang lumalapit sakin.
"Ganiyan mo ba batiin ang iyong Ina? Huwag kang mag-alala dahil nagagalak din akong makita ka.. Anak" hahawakan sana ni Konswelo ang buhok ko pero agad ko ito hinawi ng malakas. Hindi ko siya naramdaman, para bang usok lang ang binangga ng kamay ko.
"Hindi kita Ina, at hindi mo ako anak! Sinungaling ka.. Alam ko na lahat! Pinakasal mo ako kay Ramon para kami ang maging Hari at Reyna ng Heratalya, pero lahat ng bawat kilos ko ay kontrolado mo.. Naaalala ko na, na si Roman ang pinili kong ibigin.. Pero pinigilan mo, kasi hadlang siya sa mga plano mo.. Ano? Tama ako di ba? Alam ko na ang lahat!"
Biglang natawa si Konswelo sa sinabi ko..
"Tsk tsk tsk tsk tsk.. Talaga ba? Sigurado ka na naaalala mo na ang lahat? Lahat?! Alam mo na ang lahat?! Ngunit bakit hindi mo alam ang tunay na dahilan ng iyong muling pagkabuhay bilang isang tao? At bakit iyong piniling isinulat muli ang iyong kapalaran.. Ano alam mo ba ang tunay na dahilan?" nagtaka ako sa mga tanong ni Konswelo, tama siya..
Hindi ko pa nga alam ang dahilan.
"Bago mo pa man gawin ang isang bagay ay alam ko na ang kahihinatnan nito. Totoo nga at si Roman ang nais mong mahalin ngunit hindi iyon nararapat, hindi lamang sa hadlang siya sa plano ko.. Kung hindi dahil isa siyang pagkakamali sa buhay mo" at binuklat pa muli ni Konswelo yung libro ko.
"Pagkakamali? Ang pagkakamali ay ang nagpakatanga ako sayo! Hinayaan ko na gamitin mo ako! Sinungaling ka Konswelo!" nagulat naman ako dahil tinitigan niya ako sa mga mata ko, ngayon lang ako nakakita ng mga mata na walang kaluluwa.
"Ako? Sinungaling? Mahal kong Tora.. O Toradel man, kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa iyo. Lahat ng mga nalalaman ko ay sinasabi ko, sa katunayan ay ako lamang ang iyong kakampi." akala siguro ni Konswelo mapapaniwala niya ako? Hindi!
"Ano Toradel? Akala ko ba ay nais mong malaman ang katotohanan? Puwes! Ipapaalala ko muli sa iyo ang katotohananan, ang buong katotohanan at walang iba kung hindi ang katotohanan! Saan ko ba sisimulan? Paano kaya kung sabihin ko sa iyo na si Roman ang isa sa mga hinahanap mo na dahilan? Makikinig ka ba sa akin?" dahil sa tanong ni Konswelo ay napaisip ako..
Ipagpapalit ko ba ang lahat para malaman lang ang totoo?(Humarap na nga si konswelo kay Reyna Tora at nakipagpustahan.
"Pangako at hindi ka mabibigo sa aking imumungkahi. Sasabihin ko sa iyo ang buong katotohanan ngunit kailangan mo punitin at sunugin ang librong ito.. Pagbibigyan pa kita na muli itong basahin kung hindi ka man maniwala sa akin. Dahil sa ating dalawa ay ikaw ang mas maraming aanihin.. Iyong malalaman ang katotohanan na iyong mithiin"
"At bakit ko naman gagawin yun?!" tanong ni Reyna Tora dahil siya'y naguguluminahan.
"Kailangan mo na kalimutan ang librong ito at tanggapin ang iyong pagkatalo. Ngunit kapalit nito ay ang buhay na inaasam mo.. Ikaw mismo ang wawasak sa librong ito upang maisagawa ko ang aking mga plano" ang sagot ni Konswelo ngunit hindi pa din pumapayag ang Reyna.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...