[Adara]
"Sam, mag-breakfast ka muna," aya ko paglabas niya ng pinto. Maaga akong gumising para makapaghanda.
"I'm not hungry," malamig na sagot niya nang hindi ako tinitingnan at basta na lang nilagpasan ako. Shit. Medyo may kurot sa dibdib 'yon ah.
Napabuntonghininga akong tumingin sa aking plato.
"It's too early and you're already sighing so deep," ani Christian na kalalabas lang din ng kwarto. Nag-angat ako ng tingin. Ang aga yata niyang gumising dahil nakaligo na siya. Nilapitan niya 'ko at dinampian ng halik sa labi. "Good morning, my love."
"Good morning," nakangiti kong sagot.
Nawala agad iyong naramdaman kong kirot kanina sa ginawa ni Sam. Kung ganito ba naman katamis ang bubungad sa 'kin sa umaga ay maghapon siguro akong good mood. Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong inasta ni Sam. Inaamin kong nasaktan ako dahil hindi naman siya gano'n ka-rude sa 'kin dati. Pero ano ba kasi talagang problema niya?
Sinubukan ko siyang kausapin sa tuwing kaming dalawa na lang ang naiiwan kaso sinusungitan lang niya 'ko. Feeling ko nga ay naiirita na yata siya sa kakulitan ko, pero hindi ko siya susukuan hangga't hindi siya nagsasalita. Kumuha ulit ako ng pagkakataon nang lumabas si Christian para pumunta sa bayan ng Gubat dahil may kailangan siyang tawagan sa Maynila.
Kumatok ako sa kwarto. "Sam?"
Binuksan niya ang pinto. "What?"
"C-Can we talk?"
"I'm not in the mood," tamad na sagot niya.
"Ano ba kasing problema mo?"
"Wala akong problema, okay?" masungit na sagot niya.
Pabagsak niyang sinarado ang pinto at kumatok ulit ako.
"Adara, please? Stop being annoying!" sigaw niya mula sa loob at napatalon ako nang may inihagis yata siyang kung ano roon dahil malakas itong kumalabog sa may pinto. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Laglag balikat na lang akong pumasok sa kwarto ko. Tapos na rin naman akong mag-ayos ng gamit namin kagabi kaya wala na 'kong gagawin pa. Napahilot ako ng sentido ko. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa lalaking 'to.
Dahil sa naging pagtatalo namin ni Sam ay nawala ako sa mood maghapon. Wala akong ganang kumilos at kumain. Pati si Christian ay nagtatanong na kung napa'no ako. At katulad ni Sam, nasusungitan ko tuloy siya sa katatanong niya.
Pare-pareho kaming tatlo na wala sa mood na umalis sa Buenavista. Mula sa sasakyan ay hindi kami nag-iimikan hanggang sa makarating kami sa airport. Nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Christian kaya naman pagbaba namin ay hinawakan ko agad ang kamay niya habang hila niya sa kabilang kamay iyong maleta namin.
Umupo kami sa waiting area habang hinihintay ang oras ng flight namin. Hinanap ko agad kung saan naupo si Sam ngunit wala siya. Saan na naman kaya nagpunta 'yon? Tumayo ako at hinarap si Christian.
"Baby, hanap lang akong restroom."
"Samahan na kita."
"Wag na. Malapit lang naman," pigil na wika ko sa kanya. Tumango siya at agad akong umalis para hanapin si Sam.
Maliit lang naman ang airport kaya hindi ako mahihirapang maghanap. Kaso nalibot ko na yata ang buong loob ay wala pa ring bakas ni Sam. Lumabas ako at nagtanong sa guard kung mayroon bang pwedeng tambayan sa labas. Itinuro nito sa 'kin iyong smoking area sa bandang gilid sa kanan. Nagpasalamat ako at tinungo agad iyon.
Madilim ang daan papunta roon ngunit may isang maliit na bombilya ang nagbibigay liwanag doon sa mismong area. At nakita kong nandoon nga siya... naninigarilyo.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...