21

17 5 2
                                    

Rochete's POV

Grade twelve senior high school student na ako.

Mula nang gabing iyon, halos lahat ay humingi ng tawad sa panghuhusgang baliw ako. Nung gabing yon kasi, nakita daw nila yung lalaking nakaitim na kausap ko. Nakita daw nila si Zai.

Pinatawad ko naman silang lahat at binalewala ang nagawa nila.

___
Naglalakad ako nang may matanaw akong lalaking nakatayo sa harap ng gate at nakatitig sa university namin na para bang manghang mangha siya dito or.. miss na miss niya ang eskwelahang ito.

May babae namang lumapit sa kanya at ipinulupot ang kamay sa braso niya.

Mag-jowa ata. Sana ol.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at dahil mataas ang takong ng sapatos ko ay natapilok pa nga ako.

Nasalo naman ako ng lalaking tinutukoy ko kanina.

"Ayos ka lang?" tanong ng pamilyar na boses.

"Thank y--" natigilan ako nang pag-angat ko ng tingin sa kanya ay si Zai ang nakita ko.

Agad akong umayos ng tayo.

Namamalikmata ba ako?

"S-Sorry." tipid na sagot ko tsaka tumakbo papuntang cr ng girls.

Sapo ko ang dibdib ko sa sobrang hingal.

Nababaliw na ba ako? Bakit nakikita ko si Zai sa ibang tao?

____

Naglalakad na ako papuntang new room ko dahil first day of the school.

Bigla na lang akong nabunggo sa isang matigas na dibdib ng isang lalaki.

"Ano ba? Porket ang tangkad tangkad mo di ka na tumitingin sa mga--"

"Rochete?" nakangiting tanong niya at nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"A-ako nga. Paano mo ako nakilala? I mean, bakit mo ako kilala?" tanong ko.

"Eto naman, ang bilis makalimot. Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" pilyong tanong niya.

"Huh? Huhlaman. Ewan ko sayo!" mataray na sabi ko at lalampasan na sana siya nang harangan ako ng dalawang lalaki.

"Rochete? Dito ka napasok?"manghang tanong ng isa sa kanila.

"Teka, pamilyar kayong dalawa ah..." sabi ko habang nag-iisip.

"Ahh Daniel? Kiko?" masiglang tanong ko.

"Oo, buti naman naaalala mo pa kami." nakangiting sabi ni Daniel.

"At ako hindi mo naaalala?" selos na sabi ng lalaking nasa likod ko na nabunggo ko kanina.

Hinarap ko siya at sinubukang alalahanin nang maalala ko na siya.
Si Dexter!

"Hindi eh.." pagkukunyari ko na may kasama pang pagkamot-ulo.

"Ahhh ganon, kung di mo rin naman pala ako naalala edi ayos!" nakangiti pang sabi niya na salungat sa inaasahan ko.

"Anong ayos dun?" tanong ko at inakbayan niya ako.

"Miss, boyfriend mo kasi ako kaya kailangan maalala mo ako." nakangiting sabi niya at nag-umpisa kaming maglakad.

"Ahhh boyfriend. So, bakit kita sinagot?" pagsakay ko sa trip niya.

Habang nagpipigil tawa naman si Daniel at Kiko.

"Kasi mahal mo ako." simpleng sagot niya.

"Sira! Naaalala kita Dexter." sabi ko at inalis ang braso niya sa balikat ko.

Muli niya naman akong inakbayan.

"Hatid ka na namin sa classroom mo." alok niya at tatanggi pa lamang ako ay may nauna na.

"Hindi na kailangan." seryosong sabi ni Yuri at inalis ang pagkakaakbay sa'kin ni Dexter.

"Oops.." asar na sabi nina Kiko at Daniel.

"Oh ikaw pala. Dexter nga pala." pakilala ni Dexter at nag-alok pa ng kamay.

Hinila naman ako ni Yuri at pinuwesto sa likuran niya.

"Natatandaan kita." sabi naman ni Yuri at hinila na ako.

"Teka,Rochete kayo ba?" nakasunod sa amin si Dexter.

"Bahala ka jan Dex, punta na kami kay Max." sabi ni Daniel at umalis na sila ni Kiko.

"Magkaibigan kami." sagot ko kay Dexter habang hinihila ako ni Yuri.

"Sus, kaibigan lang pala eh." sabi pa ni Dexter at hinawakan ang isa kong kamay dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at ganun rin si Yuri.

"Anong problema sa magkaibigan? Bakit? Bawal magselos?" diretsahang tanong ni Yuri.

"May sinabi ba ako?" tanong naman ni Dexter.

"Tama na." sabi ko at inagaw ang mga kamay ko sa kanilang dalawa at umuna nang maglakad.

Nakarating na ako sa room at natuwa ako nang makita sina Lisa at Criselda na kaklase ko rin pala.

"Roch!" tawag nila sa'kin at niyakap ako.

"Na-miss ka namin." nakangiting sabi nila.

"Sus, ilang buwan lang naman tayong di nagkita." sabi ko.

"Teka, nasan si Yuri? Sabi niya hahanapin ka raw niya." ani Lisa.

"Huh? Iniwan ko ron eh. Makikipag-suntukan yata." kibit-balikat na sabi ko at nagulat sila.

"Ano? Makikipagsuntukan? Bakit naman?" OA na reaksyon ni Criselda.

"Hayaan mo na. Malaki na yun. Kaya niya ang sarili niya." sabi ko naman.

"Hindi naman ako makikipagsuntukan. Nakipag-usap lang." sulpot ni Yuri sa tabi ko.

"Okay." ani ko at dumiretso na sa bakanteng upuan.

___

Recess na at nandito kami sa canteen.

"Ala. Ayoko nga ng may gulay." inis na sabi ni Criselda sa makulit na Yuri.

"Bakit? Pangpalakas nga ang gulay." pangungulit ni Yuri.

"Ayoko nga eh." yamot na sabi ni Criselda at kinuha ang chicken sandwich na nakahain para sa aming lima.

"Say Ah" parang batang sabi ni Reg kay Lisa habang nakahanda ang kutsara.

"Ah" pagsunod naman ni Lisa at sinubuan siya ni Reg.

"Bahala ka nga jan. Ang choosy mo." sabi naman ni Yuri kay Criselda at siya na lang ang kumain ng burger na may gulay.

Tahimik naman akong kumakain ng pancake nang may magsalita at napalingon ako.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon