22

16 5 0
                                    

Rochete's POV

"Hi! Pwedeng makiupo? Wala nang vacant seat eh." sabi ng isang babae na si.. Max.

"Hi Max! Syempre naman." masiglang sagot ko.

"I'm Max and this is my twin, Zai." pakilala niya na ikinapaglaho ng ngiti ko.

Hinila niya si Zai mula sa likuran niya at ipinuwesto sa tabi niya.

Gulat na gulat ako nang makita si Zai.

"Wait.. Max as in Maxine?" interesadong tanong ni Reg at sinamaan siya ng tingin ni Lisa.

"No. Max as in Max." nakangiting sabi niya sa lahat.

"Zai?" sabay pang tanong ni Criselda at Yuri.

Makahulugan naman silang tumingin sa'kin at nagkibit-balikat lang ako.

Umupo naman si Max ngunit si Zai ay nanatiling nakatayo at nakayuko.

"Upo na." utos ni Max sa kanya ngunit nag-pout lamang siya at umiling.

Hindi pa rin siya nagbabago.

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako at tinapik ako ni Yuri.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo? Siya ba si Zai na multo?" bulong niya sa'kin.

"Uhmm.. mamaya na ako magpapaliwanag."

"Zai, wag ka nang mahiya. Maupo ka na." alok ni Lisa at siya naman ngayon ang sinamaan ng tingin ni Reg.

Bigla na lang tumakbo si Zai palayo.

"Anong problema nun?" tanong ni Criselda.

"Pagpasensyahan nyo na yung kakambal ko. Isip bata lang talaga yun." pilit na ngiting sabi ni Max at umalis na.

Ako naman ngayon ang binalingan ng apat.

"Siya yung lalaki sa hospital diba?" tanong ni Reg at tumango ako.

Pinaliwanag ko sa kanilang lahat na siya nga yung multong nakakausap at nakikita ko.

"Pero bakit parang umiiwas siya sa'yo?" tanong ni Criselda at nagkibit-balikat ako.

"Diba yun yung pangalan na nakadikit sa armchair mo?" tanong ni Lisa.

'Zai ♡ Sugar'

Oo nga no!

Napatayo ako nang may maalala ako.

*flashback*

"Ang sweet mo naman." sulpot ng isang batang lalaki habang nakaupo ako at pinapakain ang aso namin.

"Simula ngayon tatawagin kitang sugar." nakangiting sabi niya.

"Ang cute mo. Tatawagin kitang puppy." nakangiting tugon ko.

"Anak, o saan ka ba nagpupupunta?" tawag ng mommy niya at nagpaalam siya sa'kin habang nagwawave ng kamay.

*end of flashback*

"Saan nakalagay ang lumang armchairs ng grade 10?" wala sa sariling tanong ko.

"Sa likod ng hall, bakit?" tanong ni Yuri at di na ako nag-abalang sumagot.

Tumakbo na ako at di pinansin ang pagtawag nila sa'kin.

Hinanap ko sa mga nakatambak na armchair ang pangalang nakakapit.

Inabutan na ako ng bell ay hindi pa rin ako tumitigil.

Hanggang sa nakita ko na ito at dahan-dahan kong tinanggal ang tape pero napunit yung papel.

Ano ba yan! Sana na-picture-an ko man lang. Remembrance man lang.

Pero... paano siya nabuhay?

____
Matapos ang araw na iyon ay hindi na ako muling nilapitan ni Zai kahit nina Dexter, Daniel o Kiko maliban kay Max.

Ngayon ay graduated na ako at nakapagpatayo ng sariling restaurant na kasalukuyan kong mina-manage.

Resignation letter ang bumungad sa lamesa ko.

"Bakit ka magre-resign? Isa ka sa pinakamahusay na chef dito." sabi ko kay chef Jiro.

"Pasensya na po ma'am, pakibasa na lang po ng resignation letter." sabi niya at binasa ko ito.

Ms. Ermezia,

          Hindi ko po ginusto ang pagiging chef.
Napilitan lang po ako dahil iyon ang gusto ng ama ko para sa akin. Ngunit ngayon po ay may sarili na akong pangarap na gusto kong tuparin. Sana po ay maintindihan ninyo ako.

Gumagalang,
Jiro Bernardo

"Hindi ko matatanggap ang resignagtion letter mo." saad ko.

"Po? Ma'am, please po. Gusto ko pong tuparin ang pangarap ko." pagmamakaawa niya.

"Pero bakit biglaan? Isa ka sa pinakamahusay na chef dito." paliwanag ko.

"Wag kayong mag-alala, meron po akong kaibigan na magaling magluto." sabi niya.

"O sige. Pag nasubukan ko ang kakayanan ng kaibigan mo, tatanggapin ko ang letter mo. Bigyan mo ako ng dalawang araw para kilalanin siya." sabi ko at nakangiti siyang tumango.

"Salamat po."

___

"Ma'am, siya po ang kaibigan ko." sabi niya at itinuro ang lalaking nakatayo sa tabi niya.

"Good morning! I'm Zai Adrian Corpus Ignacio." malawak na nakangiting pakilala niya.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon