"Congratulations beshie top 1 ka nanaman", bati sa'kin ni aira
Binigay na ang card namin at inannounce na din na ako ang top 1 sa 1st at 2nd sem.Hanggang bukas nalang ang pasukan namin at bakasyon na namin.
"Nako maraming salamat beshie ah", sabay yakap ko sakanya
"Portia", tawag sa'kin ng lalaki sa likod ko.
Boses palang niya alam ko na kung sino siya.Sobrang kapal ng mukha niya kung babatiin niya ako ngayon. Pagkatapos ng sakit at ngayong nakakabangon na ulit ako bigla nalang niya ulit ako papansinin.
Galit akong humarap sakaniya.
"What do you want?", mataray kong tanong
"Can we talk?",tanong niya
Natawa ako sa sinambit niya at agad na nangatog sa galit ang mga kamay ko.
"Really drake? sa loob ng dalawang buwan na hindi mo ako pinansin ni anino ko hindi mo nilingunan dinaig ko pa ang multo sa mga mata mo, ngayon gusto mo akong kausapin?", galit na galit kong sinabi sakaniya.
Kulang pa yan sa mga gusto kong sabihin sakaniya, gusto ko siyang sampalin, pahiyain, at durugin. Gusto ko siyang saktan katulad ng sakit na ibinigay niya sa'kin.
"Please portia",kitang kita ko sa mga mata niyang naluluha na siya
"Sige,tutal nag-uusap naman na tayo ngayon, anong kailangan mo? ", sarcastic kong sinabi
Iniwan muna kami ni aira para makapag-usap kaming dalawa ni drake. Nasa room pa din kami at wala ng ibang tao dito kundi kaming dalawa lang
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob portia para kausapin ka,hindi ko kayang humarap sayo sa nakaraang mga buwan dahil sobrang nahihiya ako sa ginawa ko sayo", naiiyak niyang sinabi
"Nahihiya ka sa ginawa mo?akala ko kasi sobrang kapal na ng mukha mo dahil pinagmukha mo akong tanga habang minamahal kita, pinakilala kita sa magulang ko drake, ikaw ang kauna-unahang lalaking tinanggap nila, anong pumasok sa utak mo na landiin ako habang may cassandra ka!?",sigaw ko sakaniya habang nangangatog ako sa galit
"Yes portia!.Oo masama akong tao,para na din kitang ginago sa ginawa ko pero hindi ko na kaya...", napatigil siya saglit at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Portia hindi ko mahal si cassandra, dati lang.Pinagkasundo kami ng mama niya at ng mama ko at pumayag ako dati dahil gusto ko din siya pero kalaunan nawala ang feelings ko sakanya at nag-aral ako dito at nakilala kita.Sobrang hirap maipit sa pagmamahal ko sa mommy ko at sa pagmamahal ko sayo,kung pipiliin kita ay masasaktan si mommy at duwag ako portia para ipaglaban ka. Hindi ko kayang biguin ang mommy ko portia, patawarin mo ako", umiiyak niyang sinabi sa'kin
Natulala nalang ako bigla at tuloy tuloy akong lumuha,hindi ko maintindihan, galit na galit ako sakaniya pero ngayon ay naaawa na din ako.
"Kung duwag ka drake sana hindi mo nalang ako ginulo,kung committed ka na sa isang relasyon huwag ka na manliligaw sa isang babaeng walang kaalam alam sa buhay pag-ibig, ginago mo ako at kahit kailan hindi kita mapapatawad", umalis na ako agad sa harapan niya dahil hindi ko na kayang mag-stay pa dahil nanghihina na ang mga tuhod ko.
Gusto ko na makalimot pero papaano?, ngayong narinig ko na ang explanation niya lalo lang akong naguguluhan.
Hindi pa ba sapat na durugin na niya ang puso ko sa panloloko niya sa'kin,bakit kailangan niya pang sabihin sa'kin ang lahat ng iyon lalo na't alam kong hindi niya ako kayang ipaglaban.
"Beshie, ayos ka lang ba?", nag-aalalang tanong ni aira pagkalabas ko ng room
"Beshie ayoko munang umuwi", paalam ko sakanya
"Edi sasamahan kita,punta tayong SM", aya niya sa'kin
Papunta kaming SM ni aira at patuloy lang siya sa pagsasalita at pagkekwento, wala na nga akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil ang dami kong iniisip.
Nagulat na nga lang ako dahil nasa tapat na kami ng arcade,sabi ni loka loka kakanta daw kami kala mo naman ang gaganda ng boses namin.
"Tara na beshie, oh ayan lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ikakanta mo lang", pumasok na kami sa loob
Tinignan ko ang mga napili niyang kanta at agad na nalaki ang aking mga mata,puro pang heart broken
"Hindi mo naman cinareer ang pamimili sa mga kanta ha, talagang tamang tama sa'kin.Pusong bato,binalewala,pagsuko,hindi tayo pwede, imahe, grabe beshie ah", natatawa kong sinabi
"Kapag nakakarelate ka ibig sabihin magiging emotional ka sa pagkanta at malalabas mo lahat ng sakit diyan sa puso mo", binigay na niya sa akin ang mic at tuwang tuwa na pinindot ang mga number ng kanta na kakantahin ko
Unang kinanta ko ay ang binalewala
"Ikaw na pala...", eto palang ang nakakanta ko ay umiiyak na ako
Tawang tawa sa'kin si aira pero pinapatuloy niya pa din ako sa pagkanta
"Tuloy mo beshie hindi mo na nakakanta yung iba",utos niya sa'kin habang napalakpak na chinicheer ako
"Pakisabi nalang na huwag ng mag-alala at okay lang ako!",tuloy tuloy na ang aking pagluha hanggang sa tumayo na si aira para samahan akong kumanta
"KAYA HUMIHILINGGGG AKOOO KAY BATHALAAAAA NA SANA AY HINDI NA SIYA LULUHA PA", kanta namin pareho sa mic habang nag-iiyakan
Nakikiiyak din sa'kin si aira at patuloy kaming umiiyak habang kumakanta.
Siguro kung may makakakita sa amin ngayon ay pagkakamalan kaming baliw. Sobrang saya namin ni aira pagkatapos namin maikanta lahat ng nasa playlist namin.
"Thank you beshie",sabi ko sakaniya pagkalabas namin ng arcade
"Walang anuman, basta gusto ko masaya ka beshie ha", sabay na kaming lumabas ni aira ng SM
Ano kayang mangyayare sa'kin kung walang aira sa buhay ko, ganun na din kay estevan.
Napakaswerte ko pa din pala dahil may mga taong handang tumulong sa'kin.

BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...