K5

82 48 43
                                    

Karmina's POV

Nandito kami ngayon ni Lourdes sa may karinderya malapit sa school, buti nalang at nakalabas na yung Engineering department at hindi na kami nahirapan pang makipag-siksikan. Actually, kanina pa kaming tapos kumain ni Lourdes, ikinu-kwento ko nalang sa kanya ang nangyari kanina.

"Alam mo ba, napaka-weird naman ng Kyle na yon" saad ni Lourdes na siyang ikina-tango ko. Ikinuwento ko kase sa kanya yung nangyari kaninang umaga, yung may biglang sumulpot sa room 001 na kasunod ko pala.

*Flashback*

Sa halip na makapag-focus ako sa itinuturo samin ng professor namin, hindi pa din mawala-wala sa isipan ko yung ideya na kaklase ko na si Krystal simula ngayong semester. Hindi din ako mapakali sa tuwing lilingon ako sa parte ng kinauupuan niya ay mahuhuli ko din itong nakatingin sa akin, ang weird diba?. Nag patuloy yung ganoong set-up namin ni Krystal hanggang sa matapos ang klase. Sa sobrang kaba ko na baka awayin nya ako anytime, napag-isipan kong pumunta muna sa room 001 kase mahirap na at mamaya baka ako pa ang mapag diskitahan noong si Krystal. Mamaya pa man ding after lunch ang sunod naming klase so mahirap talaga. Dali-dali akong pumasok sa room 001 pero bago ko pa mai-sara ang pintuan ay agad itong tumama sa mukha ko sanhi para matumba ako sa sahig.

"Aray kupo"

"AY KABAYO!" gulat na saad ko sa nag salita.

"Masakit ba?, here take my hand" offer nito sakin na siya ko ding tinanggap.

"A-ano pong kailangan nila?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ko ang aking noo dahil sa may konti pa din akong sakit na nararamdaman.

"I'm Kyle Justine Flores, magka-tabi tayo sa upuan kanina" saad nito na ikinamangha ko.

"Talaga? Sayang hindi kita napansin, masyado kase akong focus sa kla--"

"Dun sa babaeng bully na may ibinulong sayo?" pag putol niya sa sinasabi ko.

"Hala? Paano mo naman nasabi na bully si Krystal?" gulat na tanong ko sa kanya.

"So, she has a name. Eh halata naman kase sa mukha niya at sa way ng pag approach nya sayo kanina na para bang may past kayo" sagot nito na siyang ikina-mangha ko.

"Wow" tanging yun na lamang ang nailabas ko sa bibig ko.

"Anong 'wow' ka jan?" naguguluhang tanong nito sakin.

"May lahi ba kayo ng manghuhula? Paano mo nalam--"

"nalaman na may past kayo nung bully?" putol nanaman niya sa sinasabi ko na siyang ikina-yango ko ng sobra sobra.

"Ang obvious niya kaseng tignan para sa isang transferee na may ganung aura. Aura na parang may aawayin anytime at ikaw pa sa lahat ang inuna nya" paliwanag nito.

"Hindi ko gets yung dulo, paki-ulit?" paki-usap ko sa kanya.

"Ahh yung ikaw agad ang uunahin?" tumango agad ako sa tanong niya.

"Kase naman, sino ba agad tao ang maghahanap ng away on her first day diba? worst eh sa kaklase nya pa. That's why I came up with the idea na ba--"

"Baka may past kami?" putol ko sa sasabihin nya, agad naman siyang tumango bilang tugon.Ang bilis ko namang maka-adopt ng nature niya, hmmm. Saglit na katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa.

"Wala ka bang balak na paupuin manlang ako?" basag nito sa katahimikang hindi manlang tumagal ng ilang minuto, kung sabagya 'saglit' lang naman yung term na ginamit ko so okay lang pala.

"hello?" agaw ulit niya sa atensyon ko.

"Ay! oo halika, upo ka dito" aya ko sa kanya.

"Eto yung pamunas just in case na medyo magabok pa yung uupuan mo" alok ko sa kanya ng malinis na basahan.

"thanks!" agad naman niyang kinuha sa kamay ko iyon at pinunasan ang uupuan niya.

"Anong maitutulong ko sayo?" panimulang tanong ko nung maka-upo na kami parehas.

"Bakit ka nag pupunta dito? Hindi ba't soon to be demolish na ang building na 'to? What's the catch?" sunod sunod na tanong niya sa akin, 'did not saw that coming'.

"Kung ganon, sorry kase nakahingi na ako ng permission sa Principal na magamit ang room na 'to for incoming club activities" masayang paliwanag ko.

"Ohh, so plano mong mag tayo ng club at mag participate sa kung ano mang kaartehan ng school na ito?" direktang tanong nito na siyang ikinagulat ko.

"Hala! Hindi naman sa ganon, saka masaya kaya umattend sa mga school activities. Bahala ka, kapag nag open na yung club namin hindi kita pasasalihin" mapang-asar na saad ko dito.

"As if naman nasali talaga ako" sagot nito.

"Eh di kung ganon mas lalo pa kitang kukulitin na sumali" mapang-asar na sagot ko dito.

"No thanks!" maarteng saad nito.

"Thanks lang ang narinig ko bahala ka jan" natatawang saad ko dito. Agad akong nakaramdam ng vibration mula sa bulsa ko.

From: Lourdes

     Labas na ako, nasan kana kanina pa ako dito? gutom nako at dala ko na din yung bag mong gaga ka.
--End--

Basa ko sa message ni Lourdes, paktay na. Agad akong napatayo sa kina-uupuan ko at nag mamadaling lumabas ng room.

"Teka lang! Intayin mo ako!" tawag sakin ni Kyle.

"Pasensya na Kyle pero nag mamadali ako eh, iniintay na ako nung kaibigan ko" nag mamadaling paliwanag ko dito.

"Yung sinabi ko ha! Wag mong kakalimutan!" pahabol pa nito, tinanguan ko na lamang siya bilang tugon at saka umalis.

*End of Flashback*

"So you're telling me na lalaki itong si Kyle?" paninigurado ni Lourdes. Agad akong umiling bilang sagot sa tanong niya.

"Hindi ko ba nabanggit sayo na babae si Kyle?" takang tanong ko na ikinagulat niya.

"Seryoso? Akala ko lalaki, my ghad!" dismayadong sagot ni Lourdes.

"Hehehe" tanging 'yon na lamang ang naisagot ko sa tanong niya.

"O siya tara na at mag sisimula na pareho ang klase natin" aya nito sa akin, nakalimutan kong isama sa kwentuhan si Clyde sayang naman. Siguro sa isang araw ko nalang siya iku-kwento kay Lourdes.


***

I dedicated this part to Selenissss

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon