C2

140 11 4
                                    

That night, I spent my study breaks stalking Aiden.

During study breaks lang kasi mas importante pa rin naman yung review lalo na't may quiz kami bukas.

"Aiden, Faculty of Architecture" banggit ko habang nagtatype bago pinindot ang enter

Hindi naman ako nahirapan maghanap ng profile niya kasi famous ata siya at siya agad ang lumabas sa result

Wala akong masyadong napala kasi super private naman ng facebook niya at kahit yung profile picture niya hindi maclick kaya in-add ko nalang siya as friend.

Tinry ko rin siyang hanapin sa twitter at instagram para mafollow ko pero medyo nahirapan akong hanapin kaya hindi nalang ako nag-abala pa

Itatanong ko nalang sa kanya kapag nagkita kami ulit.

Hindi ko lang sigurado kung magkikita kami kasi medyo malayo yung building ng Faculty of Architecture sa amin, kaya rin siguro bago ko lang siya nakita. Kung nakita ko lang sana siya ng medyo mas maaga edi sana siya ang ginawa kong crush at hindi si Oliver.

Pero okay rin naman si Oliver— pakipot kaya challenging.

Speaking of Oliver

Nagpunta ako sa conversation namin at nag-hi sa kanya

Naghintay ako ng reply niya pero natapos nalang ang study break ko at kailangan ko na bumalik sa pagrereview wala pa ring reply

See?

Masyadong pakipot

Nilagay ko sa drawer ang phone ko para hindi ako maistorbo at bumalik na sa pagbabasa. Last na 'to, tapos matutulog na ako.

Halos wala pa ako nakakakalahati sa binabasa ko nang marinig kong tumunog yung phone ko sa loob ng drawer.

Tinignan ko yun. Nag-iisip kung kukuhain ko ba bago binalik ang tingin ko sa libro ko.

"Titigil din yan mamaya" kumbinsi ko sa sarili ko

Pero tuloy lang yung pagtunog kaya naiinis na ginulo ko yung buhok ko bago binuksan ang drawer para kuhain ang phone ko

Parang nang-aasar lang kasi saktong pagkuha ko ay biglang tumigil yung pagtunog.

"Ano ba yan?" sumimangot ako at tinignan kung sino yung nagmissed call, mas nainis ako nang makitang si Brian yun

Ibabalik ko na sana ulit sa drawer yung phone nang bigla ulit itong tumunog.

"Ano nanamang kailangan nito?" sinagot ko nalang yung tawag para matapos na kaagad kasi for sure tatawag ulit 'to.

"Hello?Bakit?" I asked right away after answering the call.

Bumalik ako sa study table at nagflip ng pages sa libro para tignan kung gaano pa kahaba ang dapat kong basahin.

Medyo marami pa pala, inaantok na pa naman ako.

"Leren? Kumusta?"

Kumunot ang noo ko. Mangungumusta nanaman ba siya? Kanina lang nagchat din 'to tapos nangungumusta rin

"Ito. Bakit ka napatawag, Bri? Medyo busy ako eh" I tried to make my tone still sound friendly and not rude though I just want to end the call.

"Ah? Sorry, tatanungin lang sana kita kung gusto mo sabay tayo maglunch bukas?" he sounded so hopeful

Gusto ko sanang humindi pero alam ko namang mamimilit siya hanggang sa pumayag ako kaya um-oo nalang ako kaagad para hindi na tumagal pa. Wala namang malisya, kaibigan ko naman siya bago ko siya naging crush dati.

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon