Nagising si Noreen. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Unang nahagip ng kanyang paningin ang mukha ng lalaking katabi niya. It was Cymon. Napangiti siya. Magdamag silang magkasama sa town house ng parents nito. Nagpapasalamat siya dito dahil nandito ito para sa kanya. Kung saan kailangan niya ng karamay ng mga sandaling iyon, nang kausap, nang taga-pakinig at nang makakasama. Hindi ito nagdalawang isip na samahan siya ng humingi siya ng pabor dito. He is really her guardian. Kahit hindi na ito naka-stay sa bahay nila ay nandiyan pa rin ito sa kanya. Lalo na pag may kailangan siya. Dalawang araw na ang nakaka-lipas simula ng umalis na ito sa kanila. Dumating na din kasi ang parents niya.
Pinagmasdan niya ang mukha nito. He's georgeous than ever. Gaya ng una niya itong makita sa eskwelahan nila. Bawat araw na nakikita niya ito ay lalo pa itong gumagwapo sa paningin niya. Kahit ulit-ulitin niyang tignan ito ay hindi siya nagsasawa. Parang gusto niya tuloy na gumising na mukha nito ang nakikita niya. Muli ay napangiti siya.
Dumilat ang mata nito at nahuli siyang nakatingin. Hindi siya umiwas sa halip ay sinalubong niya iyon. Nagtama ang mga mata nila. Napangiti silang dalawa. Seems like they understand each other through eye contact. Nag-uusap gamit ang mga mata.
" Good morning." bati ng dalaga. Maganda na ang mood niya. After what happen kagabi ay parang wala lang. Kinuwento niya ang buong pangyayare at kung bakit siya umiiyak dun sa parking. Gumaan ang loob niya dahil dito.
" Mas maganda ka pa sa morning." anang binata na labis niyang ikinangiti.
" Bola." aniya.
" Bakit totoo naman ah. Maganda ka naman talaga."
" Ewan ko sayo." at tumagilid patalikod dito.
" Noreen, I'm just saying the truth. Pagsinabi kong maganda ka, maganda ka."
Hindi siya humarap pero deep inside ay gustong lumundag ng kanyang puso sa kilig at saya sa mga sinabi nito. Naniniwala naman siya dito basta sinabi nito.
Naalala niya bigla si Lance. Naalala niya ang mga nakita kagabi. Ang kanyang mga natuklasan. Ang pagtataksil nito. Galit pa din siya sa dating kasintahan dahil sa ginawa ito.Pero yung nararamdaman niyang sakit ay konting-konti na lang. Magaan na ang kanyang pakiramdam at medyo okay na siya. Last night was full of emotions. Her heart was full of anger. And she cried non-stop. He was her crying shoulder. Hindi ito umalis sa tabi niya. Hindi ito nagreklamo kahit magdamag siya halos umiyak. Nakinig lang ito sa mga hinaing at saloobin niya. Never itong kinontra siya. Handa itong maglaan ng oras sa kanya hanggang sa naging okay siya. Ipinadama nito sa kanya na hindi siya nag-iisa, na andiyan ito at handa siyang samahan, bantayan at mahalin. She never feel alone all this time. Lahat ng iyon ay ginawa nito para sa kanya and she appreciate it that much.
Simula ng una niya makita ang binata ay humanga na siya dito. At lalo pang napatunayan iyon ng halikan siya nito sa labi. She want to admit that she feel something special for him. Pero ayaw lang talaga i-entertain ng utak niya kasi galit pa siya sa binata ng mga panahong iyon. She love Cymon even more nung mga huling araw nito as her "guardian". Simula ng turuan siya nitong mag-drive. At nung buhatin siya nito ng minsang malasing siya. Hindi pa naman siya totally lasing nun inaantok lang talaga siya. Kaya nagpanggap lang siya na nakatulog para makalapit dito at makayakap muli dito. Gusto niya lang siguraduhin na tama ang nararamdaman niya para dito. At dahil dun ay napatunayan niyang she like Cymon. Gusto niya ang binata. At he truly care for her.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong pa rin ng binata sa kanya.
Bumalikwas siya at hinarap ito.
" Oo, na. Sinabi mo eh."
Pinisil ng binata ang pisngi niya. Napangiwi siya sa ginawa nito.
" Cute mo." pangigigil nito.
Tinawagan ni Noreen ang parents niya at ipinaalam kung bakit hindi siya nakauwi nung nakaraang gabi. Sigurado siyang nag-aalala at galit na ang mga ito sa kanya. Sinabi niyang kasama niya si Cymon. Pero laking taka niya na hindi man lang siya pinagalitan ng mga ito. Mas okay daw na kasama niya ang binata kesa kung sino pa. Sadya talaga na malaki ang parents niya kay Cymon. Nung nakaraang araw pa siya nawe-weirduhan sa parents niya. Malaki ang pinagbago ng mga ito pagkagagaling ng Thailand. Palagi na siyang kinukumusta ng mga ito. Hindi na rin strikta at palaging galit ang mama niya. At nung nakaraan ay sabay pa silang kumain ng dinner at si mama niya mismo pa ang nagluto. Tuwang-tuwa siya nagbago na ito. Ramdam niyang may pake na ang parents niya sa kanya. Magandang senyales iyon. Umaasa siyang tuloy-tuloy na talaga iyon.
BINABASA MO ANG
I KNEW I LOVED YOU (Completed)
JugendliteraturWritten back in 2010 and after 10 years ( sa October pa to be exact) finally ma-published na dito sa wattpad. Enjoy! 😊