ALLIAH KEITH.
"Sige dre, una na kami," paalam ni Stell samin. Kasunod nya si Jah at Ken.
Si Ate Roshan at Kuya Josh, nauna na din. Magde-date yata sila since weekend naman bukas. Si Celine, Daria at Keicy, kasama nina Stell, Justin at Ken. Triple date yata.
At kami ni Pablo?
Magkasama din kami and mamaya, sasagutin ko na sya kaya kinakabahan na ako.
Magiging official boyfriend ko na si Pablo.
"Saan mo gustong pumunta, baby?" Tanong nya sabay akbay.
"Kahit saan. Basta maganda yung place, okay na sakin," sagot ko saka ngumiti sa kanya. Pilit ko ring kinakalma ang puso ko.
Naglakad kami habang tahimik na tinatanaw ang paligid. Malamig ang hangin dahil palubog na ang araw at maganda na din ang view ng langit.
"Pablo, you know what? I've never expect this. Buong akala ko, we will stay as friends forever. Akala ko, darating ang araw na magkakahiwalay tayo dahil bubuo tayo ng sarili nating pamilya but it turns out na, ikaw pala ang makakasama ko," sabi ko matapos ang katahimikan.
Tinanggal ni Pablo ang pagkakaakbay sakin at pinadausdos ang kamay nya sa kamay ko. Lumingon ako sa kanya at naabutan ko syang nakangiti. Wala syang braces ngayon but he still looks perfect for me.
"Ako din. Akala ko talaga si Reign ang gusto ko. I never knew na ikaw lang pala ang hinahanap ko. All this time, nasa tabi ko lang pala yung babaeng makakasama ko habang buhay. Yung babaeng buang na bestfriend ko pala ang magiging life time partner ko. Like I've said, I dreamt about a girl and now I know that it's you, Alliah. It's always been you?" sabi nya saka lumapit at humalik sa noo ko.
"I love you, Pablo," nakangiting sabi ko na ikinagulat nya.
"Naks! First time mag- 'I love you' ah!" pabirong sabi nya.
"Anong first time ka diyan? Dami mo talaga alam. Tara na," sabi ko at hinila na sya.
"Wait, Alliah..." hinila niya ako paharap. Nagulat ako nang patakan niya ng halik ang pisngi ko. "I love you too, let's go!"
Nagpunta kami sa amusement park na pinuntahan namin noon. Yung pinuntahan namin nung time na inatake na naman ako ng sakit ko. Yung nakita ko sila ni Reign na magkasama noon.
But nevermind, past na 'yon at alam kong happy na si Reign kay Kuya Yani.
"I love this place very much," sabi ni Pablo habang nakatingin sa paligid.
"Why?"
"Kasi dito ko nakikita yung joyful side mo at childish side. Pag sa school kasi, binubully mo ko. Inaaway mo ko dun, eh pero dito sa amusement park na ito, dito ko nakikita kung paano ka maging isip bata. Nagtatampo ka kapag natatalo kita sa games dito. Nagwo-walk out ka kapag inaasar kita sa rides. Tinatarayan mo ko pag nagpapalibre ako..." Humarap sya sakin at humawak sa kamay ko at tumitig sa mga mata ko.
"Higit sa lahat... Nginingitian mo ko kapag nagagawa natin yung mga gusto mong gawin dito. I love all about you. Mapa-mataray ka man, isip bata, pikunin, hyper, buang o ano pa, mahal kita. Alam kong hindi lang ito basta pagmamahal sa kaibigan. This is a kind of love that is extreme. Yung feeling na ibibigay ko sayo lahat mapasaya ka lang. Gagawin ko lahat, ngumiti ka lang sakin. That's what defines my love for you, Alliah at sorry ulit kung nahira--"
Hindi na ko nagsayang ng oras. I encircled my arms around his neck and kiss him. Pumikit ako at ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang kamay nya sa magkabilang bewang ko. Tumutugon na din sya sa halik kaya lalo akong napapikit.
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
Fiksi PenggemarHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...