Ikaw at Ako

274 7 1
                                    

Jelay's POV

This is it! Kaori and I will celebrate our 3rd year of togetherness. I can't believe it's been 3 years. It feels as if it was yesterday that I met her. But every anniversary makes me look back and realize I had the best three years of my Life.

Nandito ako ngayon sa bahay with Lie and Karina, nagpapatulong akong magpaset up ng simple yet romantic dinner date para sa Bestfriend slash GIRLFRIEND ko. Simple lang naman since ayaw niya ng bonggang celebration, sabi niya makasama niya lang daw ako masaya na siya, pero kasi anniversary only come once a year kaya I want her to feel special, specially on the day of our anniversary. Ito kasi yung nagpapaalala sakin na naging kami na ng taong mahal ko. Kaya kahit dinner date lang magawa ko para sa anniversary namin. Kahit man lang dito sa bahay namin. Yes, bahay namin. Nakumbinse ko siyang tumuloy nadin dito since mas malapit dito yung café shop nila na sinimulan nilang imanage ng kuya niya magmula nung pumanaw ang Papa nila.

Wala namang naging problema sa mama niya ang paglipat niya dito dahil malaki naman ang tiwala niya sakin at nakikita niya kung paano ko alagaan ang anak niya. Isa siya sa rason kung bakit merong KAMI, masaya naman ako dahil don.

"Ano ate jelay, ok na ba yan?" Tanong ni Lie at napasalampak sa upuan sa sobrang pagod. Pinagmasdan ko naman ang ginawa namin at napangiti.

"Ok na ok na to Lie. Di ko naman to kaya mag isa, malaking tulong kayo. Salamat sa inyong dalawa ha." May pagkamadrama kong sabi sa kanila.

"Wala yun ate Jelay, masaya naman kami gawin to para sainyo e." Sabi naman ni Karina sabay yakap sa akin, niyakap ko din naman siya pabalik.

"Salamat talaga. Bukod sa pamilya ni Kao isa rin talaga kayo kung bakit merong kami." Sabi ko habang inaalala yung mga nagawa nilang effort para samin. "Ang laki na ng utang ko sainyo. Haha!"

"Ay oo ate jelay, malaki na talaga utang mo. Lilibre mo na kami sa Boracay." Eksaherarang sabi ni Lie.

"Wow naman ha. Ganun na kalaki utang ko sainyo? E si kaoni nga di ko madala dun e."

"Ayan, si ate kaori nalang talaga." Naku naman, napakamatapuhin talaga nito ni Lie.

"Haha! Halika nga dito Lie." Lumapit naman siya at nakipag grouphug samin ni Kare. "Oo na, pag iipunan ko yan. Isama niyo muna sa napakahaba kong listahan ng utang sainyo. Hahaha!" Natawa din naman sila sa biro ko.

Naputol naman ang momentum naming tatlo ng magring ang cellphone ko.

Love Calling

"Uh, wait lang. Tumatawag si kao." Paalam ko sabay tumayo papuntang terrace bago sagutin ang tawag.

"Hello."

"Hi Love. Sorry ha, ngayon lang ako nakatawag may tinapos pa kasi ako sa shop, ang dami kong pinirmahan." Paumanhin ni Kao sakin.

"It's ok Love, pauwi ka na ba?"

"Yes, ito mag ddrive na ko tinawagan lang kita just to inform you. So see you in 20minutes Love?"

"Yeah, I'm so excited to see you na." Sabi ko na halatang excited talaga.

"Para namang hindi tayo araw araw magkasama. Haha! Sige na, I love you na. Mag ddrive nko." Malambing na sabi niya at narinig kong inistart niya na ang sasakyan.

"Uy, ingat sa pag ddrive ha. Iloveyou!" I said then ended the call.

Pagbalik ko sa sala, agad akong bumaling kila Lie at Kare.

"Uhm, mga beshies pauwi na daw si Kao pwede na din kayong umuwi. Salamat ulit sa tulong ha. Sige na uwi na!" Natatawa ko silang hinihila mula sa pagkakaupo sa sofa para makauwi na.

You're Still The One || JelRiWhere stories live. Discover now