🌿🌿🌿
Joey's Point of View
"Joey Wake up anong oras na baka malate tayo . " ughh sino ba yun ang lakas ng boses.
"Joey Nikki Salazar kapag hindi ka bumangon diyan ako mismo ang kakaladkad sayo papunta ng banyo " omo si kuya pala nakakatakot ang boses niya .
"Ito na babangon na atat na atat kuya " sagot ko at agad na pumasok ng banyo kahit na nakapikit pa ako .
Arghh ang lamig ng tubig isama mo pa ang mahapdi na mga pasa ko at unting galos na nakuha ko kahapon . Natatakot tuloy ako mamaya , halos hindi ako makatulog kagabi dahil doon sa sinabi ni Demon. Yeah Demon kinuha ko yang nickname nayan sa pangalan niya.
Diba ang name niya ay Eason Damon Torres. Yung damon pinalitan ko ng demon hehe bagay naman sa kanya ang sama ng ugali.
Natapos na akong maligo kaya agad akong nagbihis . At bumaba para kumain ng almusal .
"Good Morning ate "
"Good Morning " sabi ko at agad na umupo . Nakita ko na nakatingin saakin si kuya ng seryoso.
"May dumi ba sa mukha ko kuya ?" tanong ko . Shooks nakakatakot ang tingin ni kuya mga erp.
"Wala naman " sabi niya at nag patuloy sa pagkain . Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya .
Kumain nalang ako dahil baka mamaya malate pa ako . Tsaka kinakabahan ako sa gagawin ng lalaking yun .
Natapos akong kumain . Kaya dali dali akong umakyat sa kwarto para kunin ang salamin ko at ang bag . Lalabas na sana ako ng gate ng tawagin ako ni kuya .
"Why kuya ?"
"Hop In sabay tayong papasok araw araw " sabi niya.
"Pero kuya - "
"I said hop in " sabi niya sa seryosong tuno . Oh no mukhang seryoso si brother . Panes kayo saakin nagagawa pang mag joke.
"What happen yesterday ?" huh? yesterday ?.
"Huh? Wala naman kuya ganun pa din , maayos " ganda ng dahilan ko noh .
"Really? You know that i don't want a lie excuse " galit na sabi ni kuya .
"E kuya wag ka nalang makielam " sabi ko nakita ko naman na kumunot ang noo niya.
"Then tell me what happen yesterday . Ano akala mo saakin tanga para hindi malaman na may nangyari sayo kahapon "
"Kuya , It's my problem kaya I'll be okay hmm " pagkumbinsi ko kay kuya. Kahit na malaking problema ang pinasok ko .
"Okay , pero kapag yang problema nayan kumala ako mismo ang gagawa ng paraan " sabi ni kuya . Nakita ko na nasa school na pala kami.
"Sige kuya bye na kita kits " sabi ko at tumakbo. Nakakatakot si kuya , parang mangangain ng tao .Huminto lang ako sa pagtakbo ng nasa room na ako . Pagpasok ko ayan nanaman ang mga tingin at mga bunganga nila na parang baril sa sobrang bilis .

YOU ARE READING
Nerd Meets Bad Boy
Teen FictionSi Joey Nikki Salazar ay isang simpleng nerd na palaging hinuhusgahan . Isang simpleng pamumuhay lang meron siya , hanggang sa isang araw nagising nalang siya sa bangungot na hindi niya inakalang mangyayari sa buhay niya . Simulang ng dumating ang...