Callie Adler P.O.V
Todo type ako ng type sa computer ko para i-hack ang mga info tungkol kay Aaron Zackford. Ang hirap makapasok sht! May nag ba-block sa computer ko pero hindi 'yun hadlang para tigilan ko ang pang ha-hack.
Mga ilang sandali lamang ay lumabas na ang lahat ng info tungkol sa kan'ya. Agad kong tinawagan si Maze. Nang ma-contact kona s'ya. Agad kong binasa ang mga info n'ya dahil alam ko mga ilang sandali lang ay mawawala na ito.
"His Full name is Zachary Aaron Zackford. 23 years old, The only heir of Zacharias Group and he's also the first Young mafia Boss in the world-"nanlaki ang mata ko habang binabasa ang info n'ya at unti unting humihina ang boses ko ng mabasa ko ang Mafia boss.
Mga ilang saglit lang ay nawala na lahat ng info n'ya tingin ko may nag delete pero kahit na nabura na ang info n'ya. Buti na lamang at na-download ko. But it's still mysterious to me. Who is blocking me?
Drek Palma P.O.V
Kumakain ako ng popcorn habang nanunuod ako ng palabas sa television. Biglang tumunog ang cellphone ko agad ko 'yung sinagot dahil alam kung si bossing itong tumatawag sa'kin.
"Yow! Boss! Wattzup!"bungad ko dito.
"Investigate the new employee of mine,"nabitawan ko ang popcorn na hawak ko at napaayos ng upo.
"Heck man! Is that a woman ?! Owsht!-"bago kopa matapos ang sasabihin ko binabaan na ako nito ng tawag. Hindi na bago saakin 'yun.
Hinayaan kong nakabukas ang T.V, humarap na ako sa aking pinakamamahal na computer at inumpisahan na ang aking paghahanap ng mga importanting impormas'yon.
Habang naghahanap ako may dumaan sa computer kona warning meaning may nagpupumilit na maghanap ng info tungkol kay boss. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si boss.
"Boss! Mukhang may naghahanap ng info tungkol sa'yo,"balita ko dito.
"Let her,"nagtaka ako sa sinabi ni boss. Mukhang may alam si boss tungkol sa naghahanap ng info n'ya. Pero bago ko papasukin ang nagpupumilit na'to naisipan ko mona s'yang labanan.
Looks like, I have an enemy at hacking.
Maze Sandra Fort P.O.V
Nawala na sa linya si Callie. Hindi kona narinig ang boses nito. Napatingin ako sa tabi ko.
"Ilan silang lahat?"bulong na tanong ko. Bigla kong nalayo ang mukha ko sa kan'ya ng nilapit nito ang mukha n'ya sa mukha ko. Para tuloy kaming naghahalikan pag ganoon ang p'westo namin.
"You can feel their presence, right?"bigla akong nagbaba ng tingin. I'm still not good at feeling their presence. I can only feel two presence. I'm still a weak.
"Hindi-"hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng may nagpaputok na agad sa'min ng baril.
"DUCK!"mabilis akong napababa. Tinakpan ni Aaron ang tenga ko para protektahan ang pandinig ko sa ingay ng baril. Masakit sa tenga ang pagputok ng mga baril.
"Are you okay?"nag-aalalang tanong nito sa'kin. Hindi ko s'ya makapaniwalang tiningnan nagawa n'ya pang mag-alala sa'kin. Napatingin ako sa balikat nito at nanlaki ang mata ko nang makitang may sugat ito sa balikat.
"You have wounds!"nag-aalalang sambit ko dito. Pero wala akong nakitaan na sakit sa mukha nito parang sanay na sanay ito na matamaan ng baril.
"I'm fine, it's just a scratch."gusto kong hampasin ang balikat nito pero hindi ko ginawa dahil nga may sugat s'ya.
"Anong scratch! Sipain kita d'yan!"galit kong saad sa kan'ya.
Hinawakan ko ng maingat ang balikat n'ya pinunit ko ang suot kong saya. Pinaikot ikot ko ito at ginawang benda sa sugat n'ya buti nalang nag-aral ako ng medyo sa medical. Mga basic nga lang ang alam ko.
"Wife, you don't need to do it. I'm totally-"hindi na natuloy nito ang sasabihin n'ya ng padiin kung tinali ang benda sa sugat n'ya. Napakagat ito ng labi para tiisin ang sakit. Parang kanina lang hindi kita sa mukha n'ya ang sakit ngayon.
Imbes na maawa ako sa kan'ya natawa nalang ako. "Oh? Okay ka sabi mo? Bakit namimilipit ka ngayon?"asar ko dito.
"Wife, you're so brutal to me,"kanina kopa naririnig ang pag tawag sa'kin nito ng wife. Pero hinayaan ko nalang s'ya dahil naalala ko ang pinagusapan namin noon.
Wala ng bumabaril sa'min mukhang umalis na sila. Sumilip ako para tingnan kung wala naba talaga at nakita ko ngang wala na. Binaling ko ulit ang atensyon sa kan'ya. Nakita ko s'yang nakatitig sa'kin. Tumikhim mona ako at hindi pinansin ang nakakatunaw na tingin nito.
"Sino 'yung bumaril sa'tin?"tanong ko dito.
Tumayo na si Aaron agad ko s'yang tinulungan sa pag tayo ng makita s'yang nahihirapan. Napangiti ng lihim si Aaron ng alalayan ko s'ya.
"They are from Zacharias Group,"nagulat ako sa sinabi n'ya. Zacharias? Hindi pa heir s'ya bakit s'ya tinatarget ng mga kasamahan n'ya?
Dahil sa sobrang curious na curious na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanungin s'ya tungkol doon. Palabas na kami sa store. Basag lahat ng salamin.
"Bakit ka nila tinatarget? Diba ikaw 'yung heir nila-"agad kong tinakpan ang bibig ko ng biglang nadulas ang dila ko. Big mouth!
Imbes na magulat at mag tanong s'ya sa'kin paano ko nalaman nginitian lang ako nito na parang alam n'ya ang ginawa ko. "I don't mind, if you investigated me. You're my wife so it's fine."namula nalang ang dalawang pisnge ko.
Hindi ko alam na ganito pala ang boss ko na'to!
"I know you're just curious about me, so you want to know me more."sasagot na sana ako pero nakita ko ang driver n'yang si Nicolas na tumatakbo papunta sa direksyon namin.
"Boss! I heard the gun shots. Okay lang po ba kayo? Ikaw po ma'am?"bumaling ito sa'kin. Nanlaki ang mata ko sa tinawag nito sa'kin M-Ma'am? Ano ako teacher?
Pero hindi nalang ako nag salita tumango nalang ako. "Okay lang ako, Tingnan mo 'yong mga employees sa store baka may nasugatan sa kanila,"saad ko dito. Bumaling muna si Nicholas kay Aaron at para itong nanghihingi ng permiso. Pasimple lang na tumango si Aaron. Agad na umalis si Nicholas at pumasok sa na store. Pinanuod ko nalang ang likod nito.
"Don't look at him,"biglang nabaling ang atensyon ko sa kan'ya. Madilim na ang awra nito.
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Problema mo?"tanong ko dito. Nasa ibang direksyon ang tingin ni Aaron kaya napatingin narin ako sa tinitingnan n'ya.
"Don't mind me,"malamig na saad nito. Parang gusto kong sapakin ang sugat nito sa balikat. Pero imbes na gawin ang nasa isip napabuntong hininga nalang ako.
"Sige, bahala ka d'yan ah. Pasok na ako sa kotse mo,"paalam ko dito at iniwan s'yang nakatayo binuksan kona ang pintuan ng kotse n'ya. At agad na pumasok.
I really don't get him.
Mahigpit na niyukom ni Aaron ang kamao nito at bumulong. "I'm jealous. Damn it! I just want your attention only to mine, only mine,"
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Wife
ActionHindi aakalain ni Maze na may tinatagong mga sekreto ang nakakasama n'ya isang sekreto na labis na magpapagunaw ng mundo n'ya. Ngunit ginawa lamang nila 'yun para sa kaligtasan n'ya. Pero, paano 'yun haharapin ni Maze handa n'yang isakripisyo ang bu...