Cinderella's POV
"Kriiiiinnnggg! Kriiinnnggg! Kriiiinnnggg!" Agad akong bumangon at pinatay ang alarm. 5:30 na pala so kelangan ko ng maligo. Kanina pa pala nag aalarm yan. Kumuha ako ng towel at pumasok na ako sa cr ko. Yeah, kahit naman binawi na sakin ni Donia Eliz ang karapatan sa bahay na to, di naman nya nabawi sakin ang kwarto ko. Mag kakamatayan na bago pa nya mabawi to!
Habang naliligo ako ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. T-teka? Sino yun!? Sinong tao dito ng gantong oras! Nag madali akong mag tapis ng towel. Yung isang towel ay pinulupot ko sa buhok ko at ang isa ay pinantapis. Agad akong lumabas ng kwarto. Nagulat ako nung may lalaking nakahiga at natutulog sa kama ko. Nilapitan ko dahil baka si Leo lang to. Pero pag lapit ko, Oh my... Sino to!?
"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!" Agad akong tumili. Dahil sa pag tili ko, nagising ang lalaki sa harap ko. Bumangon sya sa kama ko at tumitig sakin with his cold eyes.
"Why did you shout?" Ay wow! Englishero! Eh kung shout shoutin ko yan muka nya! Sya pa masungit ha!
"Hoy Mister Whoever you are, panong di ako sisigaw eh may nakapasok na kung sinong maligno dito sa kwarto ko!?" Sigaw ko sakanya.
"Kwarto mo? I thought ito yung guest room." Sabi ng impakto. Eh sa hindi nga bat di pa sya tumatayo!?
"Oo, kwarto ko. Ngayong alam mo na, makakaalis ka na. Ay wait, bisita ka dito? Bat mo hinahanap yung guest room?" Tanong ko sakanya.
"Yes. Bisita ako ni Leo." Agad naman syang tumayo. "Lalabas na ako, mag bihis ka na. It's already 6:12 in the morning." Pasimpleng sabi nya at lumabas ng pasipol sipol. Argh! He's annoying! Mukang malelate ako ngayonn!
After kong mag ayos ng sarili ko, agad akong nag luto ng hotdog para mabilis. Kumain na ako at iniwan ko na lang yung isang hotdog para kay Leo. After nun, nung patakbo na ako palabas, naabutan kong nag uusap si Leo at si Mr.Cold.
"Leo! Mauna na ako haaa? Byeee!" Sabi ko kay Leo habang nag mamadaling lumabas ng gate pero hinila ako pabalik ni Leo.
"Sabay na tayo. Don't worry. Mapag sasabihan ko si Mang Enteng na isikreto to." Sabi sakin ni Leo sabay kindat. Sige na nga! Late na naman din ako.
Pag sakay namin sa Van, kasama si Mister Cold. Tss. Ewan ko sakanya abnormal sya! Pero dahil nacu- curious na talaga ako, nag tanong na ako.
"Leo sino ba talaga yang lalaking yan?" Bulong ko kay Leo.
"Ahh! Okay. Ehem! Cindy, Siya si Ashton Davis, you can call him Ashton. He's my best friend anddd kababata ko din." Sabi sakin ni Leo. Kababata? Bat ngayon ko lang to nakita? Kababata nya din naman ako ha! Tumango tango lang ako bilang tugon.
"Ashton, She is Cinderella Clemonte, you can call her Cindy. Bestfriend ko slash maid sa bahay namin." Pag papakilala sakin ni Leo kay Ashton.
"What!? Ayan maid nyo!? Wow! Ganda naman ng room ng maid nyo, Leo!" Gulat na sabi ni Ashton. Gago ba sya!? Pakealam nya ba!
"Pakealam mo ba Mr. Ashton the cold!?" Sigaw ko din sakanya. Kala nya ha!
"Wait, What? Pano mo nalamang maganda kwarto ni Cindy?" Tanong ni Leo. Oo nga pala di nya alam.
"Oh, I accidentally went to her room. Akala ko yun yung guest room. geez. Room pala ng Maid." Sabi ni Ashton. Iniinsulto nya ba ako!? Na Dapat dahil katulong lang ako ay panget dapat ang kwarto ko!?
"Ohh okay." After nun ay natahimik na din sa wakas ang byahe namin papuntang school. Pagdating ko ng school, as usual si Faith na naman ang bumungad sakin.
"Girl? Ayos ka lang ba? Mukang naiinis ka ha? Umagang umaga sis!" -Faith
"Nakakainis kasi! Arghhh!" Frustrated na sabi ko.
"What happened ba kasi girl?" Tanong nya.
"Wala! Nevermind. Tara na nga pumasok na tayo sa room." sabi ko kay Faith at nauna ng mag lakad.
************
AN: Hope you like it! Sorry kung bitin! See you next chapterrr! Bye!
YOU ARE READING
Cindy Cinderella's Story [UNFINISHED]
Teen FictionSya si Cinderella Clemonte. The billionaire who became a maid. Nang dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, inalila sya ng Step Mother nya. Mabait naman sakanya ang anak ng step mother nya na si Leo Morgan. Sa katunayan ay naging Bestfriend nga nya ito...