***
"Ginabi na tayo." Leina said while clinging into Evon's arms. Pumameywang naman si Oliver habang abala si Eza at Loren sa mga papel.
Nagtipa ako ng mensahe para kay Mama, para hindi ito mag-alala.
Andito kami sa room, kanina pa dismissal pero inutusan si Oliver na magcheck ng mga test papers ng walong subject. Bestfriends daw kaming apat kaya sinama niya kami. Si Loren talaga ang kasama niya, yung vice president namin. Pero mas bibilis nga kung magiging lima kaming mag tutulong tulong.
Exam kahapon, kaya ngayon ang checking ng mga papers. Hindi ko alam bakit hindi ito ginawa kanina. Parang naging mind reader si Loren at isinatinig ang tanong ko sa isipan.
"Oli, bakit daw ba hindi ito pinacheck sa atin kanina?" she asked and looked outside, umaambon at nagsisimula nang lumubog ang araw.
Tinapos muna ni Oliver ang isinusulat bago sumagot. "May bisita kasi bukas, kaya naglinis lang tayo kanina."
Tumango na lang kami at nagpatuloy sa ginagawa. So that explains it. Maya maya pa, tumayo na kami at niligpit ang mga kalat. Sinipat ko naman si Evon na bitbit ang bag ni Leina. Nanliit ang mga mata ko at tumitig kay Eza.
She made a i-dont-know-too face. Kanina kasi, habang abala kami ay nagpaalam saglit si Leina para lumabas, pagbalik niya kasama niya na si Evon, his crush. Sabi niya, sabay raw sila uuwi.
Ayan! Kaharot mo Leina! Tapos hindi ka pa nagkekwento samin! How dare you! I cursed her silently in my mind.
3 lang ang payong namin. Si Leina at Evon sa isa, si Eza at Oliver tapos kami ni Loren. We talked while walking. Medyo malalaki na ang patak ng ulan.
"Pahintuin muna kaya natin? Mababasa tayo." I suggested, Loren agreed.
Si Leina naman ay agad sumang- ayon. Well, I know her intentions. Mas matagal makasama ang lalaki niya. Paglabas ng gate ay dumiretso kami sa kindergarten ng Brgy. Conception. Hindi ito naka locked kaya dito kami nag pasyang magpatila ng ulan. Sabi kasi ng guard, hindi na kami pwedeng manatili pa sa loob ng eskwelahan dahil magsasara na ito. It's already 6:01 in the evening eh.
We stay there, waiting for the rain to stop. Katabi ko si Loren sa maliit na bench, nagcecellphone. Yung dalawa naman ay nag aasaran sa gilid. I wonder what's up with the two. Si Eza at Oliver naman ay nakasilip sa labas.
"OMG! Is that Brix?" Eza screamed. Agad akong dumalo sa kanila at napagtantong niloloko lang ako ng kaibigan.
Agad ko siyang hinampas at tumawa lang sila ni Oliver. Kainis 'to.
"Ayan Katana. Ke harot mo rin pala. Manang mana ka sa isa jan." she joked and flip her hair. Oliver shut her.
Bumalik ako sa dating pwesto, sa tabi ni Loren. Kinapa ko sa bulsa ang cellphone. Maingay ang group chat, siguro'y masasarap ang higa sa kanilang bahay. While me, argh. Stucked here.
I informed them about us being stranded here. Nagtanong naman agad sila. In my shock, Juan sent me a private message for the first time. Well, sa isang linggong pag uusap sa group chat, hanggang doon lang ang asaran at kwentuhan namin. Internet friends, i guess. We don't interact whenever we crossed paths in school eh.
Gabriel Juan:
Paano ka uuwi kung ganon?
Me:
Magtricycle siguro kapag tumila na ang ulan. I am with my friends. Why?
Mabilis naman siyang nagreply.
Gabriel Juan:
Punta ko 'dyan. I'll take you home. Magkakalayo naman ang bahay niyo.
I panicked and have some hard time to type. Meron kaya akong kalapit ng bahay, si Loren.
Me:
Are you serious? Hindi ka naman taga dito ah.
Our conversation went on and on. Pinipilit niyang pupunta siya, while sabi ko h'wag na. Hindi naman kako siya taga dito. And damn! It's 6:30 na, madilim na! Malakas parin ang buhos ng ulan. I roll my eyes after reading his last chat.
Gabriel:
Just wait and see, Katana. See you in a bit.
Loren stood up and stretched a bit. "Hays. Ang tagal naman! Nilalamok na ko dito. Wala man lang ilaw! Malolowbatt na ko kaka flashlight." Reklamo nito.
"Ambon nalang naman. Gusto niyo tara na." Sabi ni Oliver.
Binuksan ni Eza ang maliit na gate. She screamed. Tinignan ko kung ano iyong sinigaw niya. Muntik na rin akong mapasigaw, umapaw ang mga kanal at baha na ang dadaanan namin. Lumingon lingon ako, at ibinulsa ang cellphone. May maliit na semento sa gilid, pwedeng tuntungan. It's kinda risky but do we have a choice? Tumila man ang ulan, hindi huhupa ang baha na ito.
I tell them my plan. Mag aalalayan kami palabas. Tulong tulong. Nauna si Evon, no sweat siyang nakatawid. Sumunod si Leina, inalalayan siya ni Evon. Maarte itong tumawid at tumalon talon after maka tawid.
Sumunod si Oliver. Talak pa ito ng talak habang tumatawid. Muntik pa madulas. Eza is throwing some tantrums. Ihing ihi na raw siya.
"Teka Eza. Sintas ko lang tong rubber shoes ko." Oliver requested. He's wearing civilian kasi. Habang kami, ay uniform. Pang baba lang pala ang civilian niya. Maong pants, at ang pantaas ay Student Council shirt.
Hindi siya pinansin ni Eza at mag isang tumawid.
PLOK!
Tumili si Eza.
"Aray! Ang sakit! Nabasa na ko! Omygosh Oliver! Help! Aray ko!" sigaw nito. Sinilip ko siya habang nandito pa rin ako sa loob kasama si Loren.
Nadulas ito at muntikan ng bumagsak ng tuluyan sa tubig . Dinaluhan siya ni Oliver, masungit niyang tinanggap ang tulong ng kaibigan.
"Ang bagal mo kasi! Sabi ng ihing ihi na ko!"
"Eza. Tama na. Bilisan mo na diyan. Nilamok na kami ni Loren dito." she glared at me. Pinagpag niya ang palda habang nakatayo sa gilid. Kinausap siya ni Leina, si Oliver at Evon muna ang magkatabi.
Tumango ako kay Loren at tumawid na. Pagtawid ko, sinenyasan ko agad si Loren at inalalayan habang maingat itong tumatawid.
"Thanks!" she smiled. Lumingon siya sa likod ko at kumunot naman agad ang noo niya.
Tinignan ko ang tinitignan niya. My eyes widened. Wearing a yellow shirt and khahi shorts, nakatayo si Juan sa tabi ng poste habang may hawak na payong. Kasama niya rin si Kian. I squinted my eyes and watch him. Habang abala ang mga kaibigan para aluin ang nagdidiwarang dahil basa na si Eza.
Seryoso ang mga mata niyang pinapanood kami sa malayo. Ang kulit din talaga ng isang to eh, tumuloy pa talaga. So ibig sabihin? Taga rito siya? Akala ko taga kabilang baranggay pa ito.
The yellow bulb from the post failed to light his face. Dahil sa kaniyang itim na payong. Tahimik namang naka halukipkip si Kian sa likod niya.
Itinaas ko ang kaliwang kilay habang magkatinginan kami. Napalingon ako sa mga kaibigan na nakatawag na pala ng tricycle. Narinig kong nagtawag pa sila ng isa pa. May kalapitan ang bahay ni Leina, maglalakad lang 'to at kasama niya naman si Evon, ang kaniyang suit---. Well i dont know nga pala kung anong score between them. Naunang sumakay si Eza. She waved to me and forced a fake smile. Inalalayan siya ni Oliver dahil may iniinda si Eza sa kamay niya, naitukod niya yata.
Another tricycle came, its our turn. Pinauna ko na si Loren, i waved at Leina and Evon.
"Umuwi na Leina Kristen, ha? Evon." sambit ko at tumango kay Evon. He gave me an assurance through his genuine smile. Lumingon ako kila Juan at Kian. Pumasok na ako sa loob at tiniklop ang payong.
Sinabi na ni Loren ang baranggay namin. Tapos ay umandar na ang tricycle. Madadaanan namin ang naka tayo parin doon na si Juan.
Sabi sayo huwag na. At sasakay kami pauwe eh. Ang kulit mo kasi. Napagod ka pa tuloy. I ignore my unsaid thoughts and smiled at him habang unti unti siyang nawawala sa paningin ko dahil sa patuloy na pag andar ng trike.
Hinawakan ko ang dibdib na bayolenteng kumakabog sa hindi matukoy na dahilan. I sighed.
YOU ARE READING
One Step Away
Teen Fiction14 year old Katana Rozz wants to walk away, hoping to have some courage and strength to never look back. But every step she took, it was another step away from her heart. Will she found herself coming back to her oh-so-called first love? Or permanen...