Dusk

6 1 0
                                    

I am never a believer of love because I don't know how to love and I never felt how to be loved, until the day I saw her.

***

Sa isang lugar sa Baguio ay may dalawang barrio na pinagkokonekta ng isang hagdan. Sa ilalim nito ay matatanaw ang mga mumunting ilaw ng bayan na kumikislap tuwing gabi. It was breathtakingly beautiful.

Malalim na ang gabi ngunit tila 'di ito alintana ng lalaking nakatanaw sa kawalan. The guy was standing at the middle of the stairs. He was wearing a sweater and black jeans. Tila malalim ang iniisip. Sa mga mata niya ay may namumuong luha. Napapabuntong hininga na lamang siya upang pigilan ang mga ito sa pagtulo.

Sa dulo ng hagdan ay may babae na tila naestatwa. Nakatingin lamang siya sa malungkot na lalaki. Nakasuot ang babae ng puting bistida at nakalugay ang kaniyang maalong buhok na hanggang balikat. The sight of him miserable made the girl sad. Gabi-gabi niyang nakikita ang lalaki doon. Nagtatalo ang kaniyang isipan kung pupuntahan niya ba ang lalaki o hindi. Sa huli ay pinili niyang lapitan ito.

Biglang umihip nang malakas ang hangin. Kahit nakatanaw ang lalaki sa kawalan ay ramdam niyang may tumabi sa kaniya. Hindi niya ito inimik. Tahimik lamang sila sa mga sandaling iyon, pinapakiramdaman ang isa't isa. Ilang sandali lamang ay yumuko ang lalaki at pasimpleng pinunasan ang mga mata.

Napansin iyon ng babae at mas lalong bumigat ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya namalayang pati siya ay lumuluha na rin. Binalik niya ang tingin sa magandang tanawin bago magsalita.

"Magiging ayos din ang lahat," sabi niya ngunit hindi siya pinansin ng lalaki, patuloy lamang ito sa pagyuko at pagpahid ng luha. "Ivan..." bulong niya.

Lumipas ang ilang segundo ay tumingin na rin si Ivan sa tanawin. Ang mga mata nito ay nangungusap. Ang kaniyang mga labi ay nanginginig. Bumuka ang kaniyang bibig ngunit agad niya rin itong sinara. May gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Napakasama kong tao kaya siguro ako pinarurusahan ngayon," pumiyok ang kaniyang boses nang magsalita siya. Mahihimigan sa kaniyang boses ang sakit na kaniyang nararamdaman. "Yung kaisa-isang tao na nagturo sa akin kung paano magmahal at tunay na nagmahal sa'kin nawala pa."

Doon ay tuloy-tuloy na dumaloy sa kaniyang maamong mukha ang mga luha na matagal niya nang pinipigilan. Labis ang sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi na mabilang kung ilang beses nang nawasak ang kaniyang puso. Hindi na niya alam kung paano na nga ba ang mabuhay. Ang babae ay nakiramay sa sakit na nararamdaman ni Ivan. Gusto niya itong yakapin. Sabihing magiging ayos pa ang lahat. Sabihing may nagmamahal pa sa kaniya. Na hindi siya nag-iisa.

Sa mga sandaling iyon ay muling inalala ni Ivan ang una nilang pagkikita at kung paano siya binago nito.

KILALA siya sa kanila na basag-ulo. Walang araw na hindi siya nadadawit sa isang away kasama ang kaniyang mga barkada na tulad niya ay naligaw din ng landas. Kung bakit naging ganoon si Ivan ay isinisisi niya ito sa kaniyang mga magulang.

Ni minsan ay hindi siya binigyang pansin ng mga ito dahil ang inatupag lang ng kaniyang mga magulang ay ang mag-away. Ang kaniyang ama ay kilala na gumagamit ng droga ngunit walang naglalakas-loob na magsumbong dahil natatakot sila sa kaniyang ama. Ang kaniyang ina naman ay walang ginawa kundi ang pagsabihan ang asawa na tumigil na sa masamang bisyo. 'Di rin katagalan ay nagkaroon na rin ng bisyo sa alak ang kaniyang ina dahil sa depresyon at sama ng loob. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng aruga mula sa mga ito.

Kahit sino ay hindi papangaraping maging magulang ang mga magulang ni Ivan. Isinusumpa niya ang kaniyang buhay. Nabuhay siyang puno ng galit at lungkot.

Hanggang makilala niya si Anna. Si Anna ang bagong lipat sa kanilang tapat. Noong una ay ayaw nila sa isa't isa dahil hindi maganda ang impresiyon nila sa una pa lamang. Ngunit nang malaman ni Anna ang pinagdadaanan ni Ivan ay siya na mismo ang unang kumausap rito.

Dusk (One Shot Story)Where stories live. Discover now