Ang Pang-anim na Dugo

4 1 0
                                    

Kyle's POV

Maaga akong nagising dahil biyernes ngayon. Kahit alas-otso pa ang pasok ay kumilos na agad ako para hindi mahuli sa klase.

Habang nagbibihis ay tinitigan kong muli si Jonathan sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Napansin kong nagbago ito ng suot. Ganoon pa rin ang kulay ngunit yung desenyong rosas ay nag-iba. Siguro, naalimpungatan.

Dumiretso na agad ako sa klase ko dahil ayokong istorbohin sa pagtulog si Jonathan. May mangilan-ngilan ng kumpulan sa room pero mukhang tsismis ang pinag-uusapan nila. Maki-tsismis nga.

"Grabe, ang aga niya pa para mamatay." Narinig kong wika ng isa kong kaklase. Sa sobrang kyuryosidad ko ay tinanong ko ito.

Yumuko ako upang maabot sila at marinig, "Sinong namatay?" Pabulong kong tanong sakanila. Lahat sila ay tumingin sa'kin.

Nagkatinginan muna silang lahat bago may sumagot sa'kin. "Hindi mo talaga alam? Patay na si Neith at Ivan. 'Yung dalawa mong kaibigan! Sinaksak daw." Ani nang isa ko pang kaklase.

Sa sobrang gulat ko ay bigla ko nalang nabitawan ang hawak-hawak kong lalagyan ng tubig. "Hindi ba kayo nagbibiro diyan sa inyong sinasabi? Alam niyong may parusa pag nagpakalat ng fake news sa campus." Matapang kong tugon.

Hindi ako naniniwala na sinaksak nga 'yung dalawa, eh magkasama lang naman kami kagabi. "Kalat na kalat na nga sa buong campus eh. Ikaw na lang ata ang hindi nakaka-alam." Wika naman ng class monitor namin.

Hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Naguguluhan ako. Kagabi magkasama lang kami bago kumain nang hapunan tapos ngayon, mababalitaan ko, patay na sila?

Binigyan pa ako ng bulaklak ni Neith.

Agad akong lumabas ng room upang makasagap pa nang ibang tsismis ngunit may nakabunggo akong isang lalaki. "Ivan, ikaw pala. Ang sabi nila, patay ka na daw? Sabi ko na mali talaga sila eh. Masumbong nga! Haha..." wika ko.

Agad naman akong hinawakan ni Ivan sa magkabilang braso. "Kyle, makinig ka. Hangga't maaari, intindihin mo lahat ng sasabihin ko." Ani Ivan.

Naguguluhan ako. Bakit siya ganito umasta? Ano ba ang nangyayari? "Ano bang mer--" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang hawakan ni Ivan ang labi ko gamit ang kaniyang hintuturo.

"Basta makinig ka! Patay na si Neith. Sinaksak siya. Sinaksak siya ng taong pinagkatiwalaan na'tin. Ngayon, mag-iingat ka. Baka ikaw ang isunod niya. Pinagbantaan niya ako kagabi bago niya ako saksakin sa tiyan na kung mabuhay man daw ako, papatayin niya ako ng paulit-ulit. Kaya sinasabi ko sa'yo 'to para maging aware ka sa paligid mo. Maging mapag-matyag ka. 'Wag kang papalinlang..." batid kong may takot sa boses nito at hindi siya mapakali habang sinasabi ito sa akin.

Naguguluhan ako sa kaniyang mga sinasabi. 'Di ko kayang inuwain ang kaniyang pahayag.

Nakita ko siyang tumingin sa isang direksyon. "Andiyan na siya!" Sambit nito. Agad naman ako nitong hinawakan sa aking kamay. "Mag-iingat ka. Alam kong ito na ang huling araw ko kaya ko 'to sinabi sa'yo. Basta mag-iingat ka. Maging mapag-matyag ka. Aalis na ako." Dagdag pa ni Ivan.

Hanggang ngayon, lahat ng sinabi ni Ivan ay wala pa rin sa aking utak. Nalilito pa rin ako sa kaniyang mga sinabi. Taong pinagkatiwalaan natin? Grabe, sobrang dami na ba namin magkakaibigan? Eh a-apat nga lang kami. Totoong kaibigan at magulang ko lang naman ang pinagkakatiwalaan ko.

"Andito ka lang pala." Singit ni Jonathan habang iniisip ko kung ano ang totoong nangyari kay Neith.

"Nabalitaan mo na ba 'yung nangyari kay Neith?" Tanong ko rito. "Ah, oo. Nabalitaan ko nga. Grabe nga eh." Sagot naman nito.

Habang naglalakad ako habang kasama si Jonathan ay 'di ko pa rin lubos maisip na namatay na si Neith. At 'yung sinabi ni Ivan, ano ba ang ibig niyang sabihin?

Nagsimula na ang klase.

• • •

Agad akong dumiretso sa dorm pagtapos ng klase. 'Di ko na hinintay pa si Jonathan dahil magaasikaso ako ng damit na susuotin ko para bukas. Sabado na bukas kaya pupuntahan ko muna sila. 'Di pa 'ko sinasagot ni Jonathan kung sasama siya o hindi.

Habang naghihintay ako kay Jonathan ay lumabas muna ako ng dorm para makasagap ng iba pang tsismis tungkol sa pagkamatay ni Neith.

Ngunit, nabigo akong makasagap dahil wala naman tao sa labas ng kani-kanilang kwarto. Marahil ay natakot sila sa nangyari kay Neith. Narinig ko pa kanina sa mga kaklase ko na sobrang linis daw ng naging pagpatay. Walang anumang bakas.

Napa-isip ako, 'di ba magkatulad ang nangyari sa Mama at Papa ni Jake ang nangyari kay Neith?

Agad na akong pumasok sa kwarto namin ni Jonathan. Wala pa rin siya. Nagugutom na ako. Tinignan ko ang mga stock namin sa kwarto. Buti nalang at may tira pang can goods.

'Di ko na hinintay si Jonathan. Kumain na ako at naghugas, pagtapos ay natulog.

• • •

Alas-dyes na nang nagising ako kaya't nagmadali na akong kumilos para puntahan sila Mama. Tulog pa si Jonathan kaya 'di ko na siya ginising. Agad na akong dumiretso sa banyo.

Shit! Bakit ngayon pa 'ko nalate magising? Kakainis naman. Nagmadali na akong maligo.

Paglabas ko nang banyo, nakita kong naghahanda na ng almusal si Jonathan. "San ka pupunta?" Tanong nito. Naalala ko nga pala, tulog na siya nung sinabihan ko.

"Ah, pupunta kasi ako kila Mama. Namimiss ko na sila eh. Gusto mo bang sumama? Papakilala kita. Alam kong nag-aalala 'yon kung sino kasama ko kaya sasama na kita. Haha.. p'wede ka ba?" Wika ko.

Pumayag naman siya at agad na kaming kumilos. Sinabi kong doon na kami mag-almusal dahil nagpaalam na ako kila Mama at Papa na pupunta ako ngayon.

Habang nasa biyahe, labis akong nasasabik na makasama ang mga magulang ko. Ilang linggo ko rin sila hindi nakasama.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay bumama na ako agad at pinindot ang doorbell na siya namang magiging hudyat upang kami ay pagbuksan.

Nagulat ako dahil sa nasaksihan ko. Si Manang Jana, siya yung yaya nila Jake. Balita ko dati ay namatay siya kasama ng mga magulang ni Jake. Ngunit, paano siya napunta dito? "Ah, manang... nabalitaan ko pong namatay kayo kasabay nila Tita. Bakit po kayo nandito?" Agad ko siyang niyakap habang bulong-bulong kong sambit ang mga katagang iyan.

Bumalikwas si Manang sa pagkayakap sa akin at tinignan ako sa mga mata. "Sasabihin ko sa'yo sa loob. Tara na." Sabi ni Manang.

Tinignan ko si Jonathan. Inaayos pa pala ang sasakyan. "Sandali lang, Manang. May kasama po ako." Wika ko dito.

Hinantay namin matapos mag-park ng motorsiklo si Jonathan. "Kyle, sino siya?" Tanong ni Jonathan sa'kin. Nagulat ako sa reaksiyon ni Manang dahil napatitig ito kay Jonathan. "Ikaw..." sambit ni Manang.

"Ano pong mayroon sa akin?" Ngiting sambit ni Jonathan. "Tara na, pasok na tayo sa loob." Singit ko.

To be continued...

The Blood of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon