Chapter 32: A Night With Him

138 3 0
                                    

Zirie's Pov

"Oh, Ano daw?" bungad na tanong sakin ni Stella.

"Papunta na yun" sagot ko sa kanya.

"Good afternoon Mr. Chairman" sabay naming bati sa kanya at yumuko kami.

"Good afternoon" bati niya pabalik sakin.

"Dito ka na po sa tabi ni Zirie" sabi ni Stella habang nakatingin sakin kaya naningkit ang mga mata ko.

Nagsimula na akong kumain at natuwa ako nang makita kong Sarap na sarap si Gray. Tinignan ko ang reaksyon nila, nakakatawa dahil nagulat sila dahil hindi nila inaakalang ganon kung kumain si Gray.

"Sarap" maikling sambit niya na nakangiti kaya napangiti din ako.

"Ah luto po yan ni Zirie" sabi ni Timothy.

"Ipagluluto mo ako mamaya" bulong niya sakin.

Nakakatuwa naman at hindi parin talaga nagbago ang dating si Gray ko. Nang matapos kami Bumalik nanaman kaming dalawa sa taas para maghanda ng meeting namin.

"I need to change, kailangan maganda ang aura ko dahil si Mr. Laurent ang ka meeting ko" sabi niya kaya tumango ako.

Lumapit ako sa bookshelf at kinuha ko ang isang libro upang mabuksan ang secret door na tinuro sakin ni Papa.

"Dad is really a genius" sambit niya kaya pumasok kami sa loob kinuha ko ang isang set ng suit na kulay Gray at isang Oxford na shoes. Sinuot niya ito.

"Ako na" sabi ko sa kanya at isinuot ko ang kanyang cravat.

"Your smell makes me insane" bulong niya sakin at Muli nanamang sinakop ang Labi ko, para akong nalalasing sa halik niya.

"Stop me baby" sabi niya kaya marahan ko siyang tinulak.

"Sayo lang ako nagkakaganito" sabi niya sabay halik ng Mabilis sa labi ko. May mga natirang kiss mark sa Labi niya kaya pinunasan ko ito.

"Bukas, wag na wag kang maglalagay ng Lipstick." sabi niya sakin.

"Yes Mr. Chairman" sabi ko sa kanya.

"Halika na, baka malate ka sa meeting mo" sabi ko sa kanya kaya Lumabas na kami. Pumunta na kami ng kotse.

Hanggang sa nakarating na kami sa pupuntahan namin nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Baka kasi matapilok ka" sabi niya sakin kaya natawa nalang ako, masdiskarte parin naman. Pumasok na kami sa loob at nakita namin si Mr. Laurent, isa siyang French.

"bonne après-midi" bati niya samin.

"bonne après-midi Monsieur Laurent, Il ne peut pas parler en français, donc c'est moi qui vais vous parler" sinabi ko sa kanya na hindi marunong magsalita ng French si Gray kaya ako ang kakausap sa kanya.

Maayos naman ang usapan namin pero Dumating sa Punto na napunta ang kamay ni Mr. Laurent sa kamay ko.

"BLAG!" tunog ng Mesa dahil sa pagpukol niya ng mga kamay niya. Nilapitan niya si Mr. Laurent.

"Gray, ako na. Kaya ko to" sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, piniga ko ito ng malakas at pinihit ko ito at narinig ko ang paglagitik ng kanyang kamay.

"Let's go baby" tawag niya sakin habang nakangisi.

"Qu'en est-il de notre accord?" tanong niya kaya natawa ako. Pambihira nga naman naalala niya pa bigla yung agreement, kapal ah.

"Adieu enculé- (Bye motherfvcker)" sabi ni Gray kaya nagulat ako.

"Yan lang kasi ang alam kong French" sabi niya kaya natawa ako.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon