Chapter 4

8 0 0
                                    

Cinderella's POV

Andito ako ngayon sa library. Nag babasa ako ng libro. Yung When the Forest girl turn to city girl by AgustinaTan? Hindi naman sya ganun kaganda pero kasi ang unique lang... Tas ang cute Hahahaha napapaisip tuloy ako kung totoo bang may mga ganun? Yung may mga tao pa sa gitna ng gubat na doon nakatira at walang alam sa buhay sa syudad.

Habang nag babasa, nagulat ako nung may humawak sa balikat ko.

"Ay palaka!" Gulat na sambit ko.

"Sa gwapo kong to?" Pa cool na sabi ni Ashton. Yuck? Gwapo? San banda? Sa likod?

"Student! Quiet!" Sigaw ni Maam Ana. Yung Librarian namin.

"Sorry po maam!" Pabulong kong sigaw.

Hindi lang ako pinansin ni maam ana kaya nag basa na lang ako ulit. Bala tong palakang yelo dito sa harap ko. Madaming buwan na din pala ang lumipas simula ng makilala ko to no? Kababalik lang namin sa school after nung sembreak eh. Second Sem na ngayon.

Habang nag babasa, di tuloy ako makapag concentrate kasi.. bat ba andito pa din tong Ashton na to!?

"Tsk. Bakit ba hindi ka pa umaalis?" Taas kilay na tanong ko kay Ashton.

"Hinihintay kasi kita. Sabay na tayo." Sabi nya. Eh bat nya ba ako hinihintay!? At... medyo hindi na sya cold ha? Napapansin ko lang.

"Bat mo ba ko hinihintay? Tss." Tanong ko sakanya.

"Cause I want to?" Inirapan ko lang sya.

"Umalis ka na. May pupuntahan pa ako." Sabi ko sakanya ng hindi ako tumitingin at patuloy pa din sa pag babasa kahit di ko na naiintindihan tong binabasa ko.

"Ayoko. Sasamahan na lang kita." Ay at makulit talaga tong Yelo na to! Antigas ng ulo! Sabagay, matigas naman ang yelo.

Hindi ko na sya pinansin at binalik ko na yung libro sa shelf. Lumabas ako ng library at nag tuloy lang ng pag lalakad. Napansin kong sinusundan pa din ako ni Ashton, so pumasok ako sa CR ng Girls. Uhuh. Tignan lang natin makasunod pa sya.

After 20 minutes, Yes 20 Minutes ako sa CR! Nag basa na lang ako ng wattpad sa phone ko para malibang. Wala naman na siguro sya?

Lumabas ako ng CR pero pag labas ko, Boom. Hinihintay ako, potek.

"Ano bang problema mo!? Napaka kulit mo para kang Elementary Student!" Naiinis na sigaw ko sakanya.

"Anong problema ko kamo? Ikaw. Ikaw Cindy ang problema ko. Bakit ba ayaw mo kong kausapin ng maayos? Everytime na lalapit ako sayo, sinusungitan mo ko. Well, in fact wala naman akong nagawang masama sayo. Kung yung sa kwarto mo lang ang issue, that is so stupid! Hindi naman ganun kalaki kasalanan ko nun. Hindi sinasadya yon! Cindy naman!" Ano bang pinuputok ng butsi netong si Ashton!? P-pero sabagay... may point sya.

"Okay. So ano ba talagang gusto mo?" Tanong ko.

"Can we be friends?" Nabigla ako sa tanong ni Ashton. Seryoso?

"Seryoso?" Inulit ko yung naisip ko.

"Seryoso." Sagot naman nya.

Bigla akong napaisip. Kung magiging mag kaibigan kami, hindi na siya magiging cold sakin! Tapos magiging mabait na sya. Hmmm?

"Okay. Pumapayag na ko maging friend mo. Peroooo! Promise me na di ka na magiging cold sakin?" Paninigurado ko.

"Cold ba ako? Hindi naman eh. Pero sige, Promise!" Nakangiting sabi nya at tinaas pa ang kanang kamay na parang batang nanunumpa sa watawat ng pilipinas. HAHAHAHA

"Okay na ha! Friends na tayo!" Nakangiting sabi ko. Agad naman nya akong inakbayan. At sa hindi malamang dahilan, agad nag init ang aking pisngi.

*******

A/N: Just a short update! Yan na haa! Friends na sila!

Cindy Cinderella's Story [UNFINISHED]Where stories live. Discover now