Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas at alam ko na kung saan ito nanggagaling. Paniguradong hindi na naman umuwi si Mang Kaloy kagabi kaya't eto sinasabon na naman ni Aling Tasha. Hayy. Ewan ko ba diyan kay Mang Kaloy kung bakit binibigyan niya lagi ng sakit sa ulo ang kanyang asawa, marahil nagbu-buhay binata pa kahit may labindalawang anak na. Naghanda ako ng aking almusal at sinimulang umupo at sumimsim ng kape. Sa kaliwa ko ay dinampot ko ang diyaryong kanina'y nasa tapat ng aking pintuan. Binasa ko ng bahagya ang mga nakalagay dito at inililipat ang bawat pahina. Nang isasara ko na ito at itatabi ay may napansin akong isang gintong nakaukit sa may bandang baba ng huling pahina ng dyaryo at nabasa ang nakalagay dito.
To all individuals who wants to enter a school that can give your 2 wishes and train you for the years.
Please mail us if you want to enroll and inquire. ********
Pagkatapos kong basahin ang nakasulat ay napagisipan kong maligo na at ihanda ang sarili dahil mangangamoy isda na naman siya at mapapaos ang boses sa kakasigaw para makuha ang atensiyon ng mga mamimili at magsipuntahan sa pwesto nito. Kinandado niya muna ang kanyang apartment at nagtawag ng isang tricycle.
Isang oras ang biyahe papunta sa palengke kung kaya't bago ka palang pumunta doon ay mukha ka ng pagod dahil ang madadaanan mo lang naman ay lubak at maraming bato.
"Manong? Eto na po yung bayad", sabi ko sabay abot ng aking babaryahing pera.
"Lagi ka talagang sumusunod sa pagbabayad ng barya sa umaga", biro sakin ni manong na alam na alam ko na talaga ang ipinapahiwatig.Pumasok na ako sa loob ng palengke at tumungo sa aking pwesto. Sinuot ko na ang aking apron at gloves at itinali ang buhok dahil makakasagabal ito sakin sa pagtitinda.
"O mga suki! Bili na kayo! Murang mura lang !" Sigaw ko para magsilapitan ang aking mga customer.
"Ineng? Magkano rito?" sabi ng isang matanda na alam kong wala namang pangbayad kung kaya't hindi ko na sinagot pa at kumuha ng isda at isinilid sa plastic at iniabot sa matanda.
"Inyo nalang po yan ale, masarap po yan kapag iprinito at isasawsaw sa toyo at kamatis", sabi ko sa matanda.
"Totoo ba iyon ineng? Ay naku! Maraming salamat sa iyong mabuting puso, kung kaya't may ibibigay ako sayo, heto at kunin mo", sabi ng matanda sabay abot sakin ng isang gintong pin na may nakaukit na letrang "A" at umiilaw.
"Naku mukhang mamahalin ito lola, hindi ko po matatanggap ito", sabi ko kay lola ng hindi tumitingin dahil sinisipat ko ang bawat bahagi nito. Nag-angat ako ng tingin at napansin kong wala na pala akong kinakausap.
"Lola? Lola?", tawag ko sabay lingon sa kanan at kaliwa.
Napatingin ulit ako sa pin at iniisip kung bakit ako binigyan nito ng matandang kausap ko na kanina. Weird. Simula paggising ko ay hindi na pangkaraniwan ang mga nakikita ko. Una ay yung nakasulat sa diyaryo na umiilaw katulad nitong hawak ko. Hayy. Baka naman masyado na akong pagod sa araw-araw kung kaya't nagiilusyon na naman ako. Mabuti pa at ituloy ko nalang ang pagtitinda ng aking mga sariwang isda.
"O mga suki! Bili na ! Murang mura! Presyong abo't kay at sariwa pa!" Paulit-ulit kong sigaw upang makakuha ng mga customer.
Natapos ang araw at mag-gagabi na kung kaya't inayos ko na ang aking sarili at iniligpit ang aking mga gamit. Bukas ay may bago na namang paninda ang dadating kaya't kakailanganin ko ng pera upang mabayaran ito. Lumabas na ako ng loob ng palengke at pumara ng isang tricycle.
"Kuya? Sa baranggay poblacion po", sabi ko kay manong.
Hindi sumagot si manong at ipinangbahala ko lang ito. Sa sobrang pagod ko ay napaidlip ako at sumandal.
Nagising nalang ako ng may humahaplos sa aking hita kung kaya't umayos ako ng upo at naaninag si manong na panay hawak sa aking mapuputing hita. Agad akong pinagsisipa si manong at sumigaw ng tulong.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko kahit alam kong liblib na gubat ito at walang mangangahas na dumaan dahil nga sa dilim na bumabalot sa paligig.
"Miss? Walang makakarinig sayo dito, kaya't wag ka ng magsayang ng laway at ubusin ang lakas kakasigaw." Sabi ni manong na sinunggaban ako sa isang malakas na suntok sa aking tiyan.
"Manong, tama na po", hinang-hina kong sabi kay manong na abala sa paghalik sa aking leeg.
Kumapa ako ng isang bagay sa aking gilid na siyang makakapagligtas sakin ngayon. Nakapa ko ang isang screw driver at dali-daling itinarak sa likod nito na siyang nakapagpilipit sa sakit ni manong. Hindi na ako nagaksaya ng panahon at tumakbo na ako sa loob ng kagubatan dahil kung tatakbo ako patungo sa kasalungat ng daan ay hindi ako makakapagtago.
Takbo at hawi sa mga halaman ang ginagawa ko at hindi iniisip kung may susugod ba sakin na mababangis na hayop basta ang kailangan ko ay makalayo kay manong na gustong gumawa ng hindi maganda sakin. Sa dakong binabagtas ko ay may bola ng liwanag na nagbibigay sakin ng kakaunting liwanag at sapat na maaninag ang aking dinaraanan. Hindi ako nagdalawang isip na sundan ito kahit alam kong nawiwirduhan narin ako rito. Nang malapit na ako rito ay natisod ako sa isang malaking ugat ng puno at naramdaman ang pagkabali ng aking mga binti hanggang sa unti-unting nagdilim ang ang paningin.
BINABASA MO ANG
The Lost Penthesilea Scion
FantasyIf you will have an opportunity to choose your own power, what power will you choose?