Chapter 3

2 0 0
                                    

Nagising ako sa kalabit ni lola esme, hudyat na nakarating na kami sa paaralan. Isinakbit ko na ang aking bag at lumabas na karwaheng ginto.
Nilamukos ko ang aking mata dahil talagang hirap mag-adjust sa liwanag kapag bahong gising lamang.

Naramdaman kong umalis na ang karwaheng may sariling buhay at ang yapak ni lola esme papalayo sakin. Binuksan ko ang mata ko at dali-daling tumakbo sa kanya.

Abala ang aking mga mata sa mga mayayabong na halaman na napupuno ng mga makukulay at kumikinang na mga bulaklak hanggang sa huminto na si lola at nauntog ako sa likod nito.

"Alchaim, papasok na tayo sa gate. Umayos ka na riyan at tignan moang dinaraanan mo", sabi ni lola

Umayos ako ng tayo at tinaignan ang pangalan ng paaralan ko sa na nakalagay sa malaking gate.

"Penthesilea Academy"

Basa ko sa nakalagay rito.

Naglakad na kami papasok at tumigil sa guard house upang kausapin ni lola esme. Maganda ang paaralan na ito dahil sa mayayabong  na halaman at puno. Malaki din ang mismong paaralan na nakatayo kaya naman ay kating-kati na ang aking paa na pumasok doon.

"Miss Alchaim Velduch? Your room is Astra A at ang dorm mo ay nasa left wing. Alam na ng lola esme mo iyon. Good luck and Welcome! ", maligayang sabi sa akin ng guard na makikitaan mo na may class at mukhang mas mayaman pa sa akin dahil naka-tuxedo ito ng itim, ibang-iba sa nakikita ko sa aking mundong nakagisnan.

"Ahmm, sige po. S-salamat", alangan kong sabi sa sobrang panliliit ko, guard palang iyon, ano pa kaya kung mga guro at estudyante pa iyon.

"Alchaim? Tara na ng maihatid na kita sa dorm mo. At tignan ang schedule mo kung papasok ka na agad ngayon o bukas pa", sabi ni lola esme sakin.

"Sige po lola", sagot ko kay lola esme.

Gusto kong magtanong kay lola esme kung pag naihatid niya ba ako ay babalik na siya doon sa bahay niya. Ngunit halata namang ganoon ang mangyayari kasi hindi naman siya mag-aaral dito. Kinabahan tuloy ako kasi wala akong kilala pa rito at nawowirduhan pa sa mga nangyayari. Kung panaginip nga lang sana to ay gusto ko nang magising. Hayy ano ba itong napasukan ko.

Agad na dumaan muna kami sa bulletin board at tinignan ang aking schedule, at mabuti naman na bukas pa ako papasok kasi gusto kong magpahinga ngayon at di pa ako ready.

"Alchaim?", tawag sakin ni lola.

"Bakit po lola esme?", sagot ko kay lola.

"Kapag iniwan na kita dito ha, wag kang gagawa ng gulo at panatilihin mo ang iyong pagiging mabuti sa kapwa dahil may kapalit iyon na mabuti rin. Kung ano man ang maging problema mo ay tatandaan mo na kasama iyon sa buhay mo kaya kailangan mong maging matatag at matapang. Sana makita mo narin ang mga magulang mo dahil maging ako ay nararamdaman kong buhay ang iyong magulang. Maipapangako mo ba na gagawin mo lahat ng sasabihin ko?", sabi sakin ni lola habang binabagtas namin ang daan papunta sa aking dorm.

"Ahhm, lola? Hindi ko po maipapangakong gagawin ko dahil hindi ko naman po alam ang mangayayari sakin dito sa loob ng maraming taon ngunit gagawin kong maging matatag sa lahat ng bagay dahil nakasalalay dito ang paghahanap sa aking magulang.", sabi ko kay lola na may ngiti.

"Sege alchaim, andito na tayo at heto na ang mga gamit mo. Paalam.", sabi ni lola sabay talikod ngunit tinawag ko pa siya at yinakap ng mahigpit.

"Lola, sana makita ko pa kayo pagkatapos ng maraming taon. Salamat lola.", sabi ko kay lola.

Ngiti lang ang ibinalik niya sa akin at iniwan na akong mag-isa, sana maka-uwi siya ng ligtas. Tinanaw ko lang siya hanggang mawala na ito sa paningin ko at humarap sa pintuan ng aking dorm.

Ipinihit ko ang door knob at pumasok sa loob. Maganda ang loob walang biro o loko. Pang-mayaman dahil sa mga gintong gamit na nandoon at ang bawat pinto ay may pangalan na nakaukit din sa purong ginto. Nakita ko ang aking magiging silid dahil sa aking pangalan. Matatagpuan ito sa dulo katabi ng silid ng nagngangalang Andrius. Dali-dali akong pumasok sa aking silid at isinara ang pinto at tulad ng ginawa ko kanina at namangha na naman ako sa mga nakikita ko ngayon. Ang aking kama ay di hamak na mas malaki pa sa aking kama at sigurado akong limang tao ang kakasya roon. Ang aking aparador ay sobrang laki rin. Inilapag ko ang aking bag sa lamesang katabi ng aking kama at pumunta sa aking sliding window na sa oras na binuksan mo iyon ay ang sarili mong balkonahe ang makikita mo. Pumunta ako sa may balkonahe at tinanaw ang langit. Napakaganda talaga dito, ibang-iba sa nakasanayan kong apartment at kakaiba ang simoy ng hangin. Nakaka-relax.

Dahil sa aking labis na pagka-tuwa ay napasigaw ako ng

"Waaaaaaaahhhhh! haneeep talaga toooooooo--!", ngunit natigil ako ng may napansin akong tumikhim sa aking kaliwa. Kaya naman ay tinignan ko kung may tao roon at hindi nga ako nagkakamali. May tao nga at nakatingin sakin ng diretso.

"Kung ako sayo di ako sisigaw kasi nagmumukha kang tanga riyan", sabi niya sakin sabay ng pag-smirk.

Magsasalita pa sana ako kaso pumasok na siya sa kanyang silid. Hayy gwapo sana kaso may pagkamasungit at wirdo. Pumasok na ako ng aking silid at isinara ang aking sliding window. Sumalampak ako sa aking kama dahil sobrang nakakapagod at nakakapanibago ang lahat ng nangyayari sakin simula noong isang araw.

Hinubad ko na aking sapatos at dumeretso na sa aking kama at pumikit na.

The Lost Penthesilea ScionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon