8.

654 16 2
                                    

"Naku kahhhhh!!! Anong katangahan ang pinasok mo Amoraaaaa!!!!

Nanghihilakbot na sabi ni Amora sa sarili habang hawak hawak ang cellphone kung saan niya nakita ang ibig sabihin ng porn.
Pagkauwing pagka uwi niya'y kaagad agad siyang bumili ng prepaid load upang manghilakbot lamang sa natuklasan.

Nagpa ikot ikot ang dalaga sa bahay niya at pilit pinagagana ang isip kung ano ang nararapat niyang gawin.
Ngunit pagkatapos mapagod sa kalalakad ay isa lang ang naging kasagutan sa isip niya.
Wala na siyang magagawa.

Para siyang tangang kinakausap ang sarili,hindi niya alam kung paaano mareresolba ang kanyang problema.Ang masakit ay wala siyang maaaring pagsabihan.Para siyang nahulog sa isang kumunoy na unti unti siyang lalamunin pailalim.
Matagal niyang iningatan ang kanyang reputasyon,sa isang pagkakamali lang ay mapupunta sa wala.Kapag may nakaalam nito'y ano nalang ang magiging kinabukasan niya pag nagkataon?
Tama!Walang dapat makaalam!As long na walang makakaalam...

Dali daling hinalungkat niya ang bag niyang dala kanina na ngayon ay nakapatong sa lamesa.Inilabas niya ang kopya ng kontrata.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

Malakas na sigaw ng dalaga sa nabasa.

Tatlong taon?!Tatlong taon ang kontrata?shiiiiiiiittttt!!!

Wala siyang ginawa maghapon sa bahay niya kung hindi basahin ng paulit ulit ang mga nakasaad doon.
At ang isa sa nakalagay roon ay bininigyan lamang siya ng isang linggong palugit upang mag inot inot na at doon na siya titira sa bahay nito.Bakit di niya binasaa yoooonnnnn??!!!

Pagkatapos ay naglupasay ang dalaga sa sahig at sinabunutan ang sarili.Hindi niya matanggap na kung kailan siya tumanda'y doon siya naging tanga at ulaga.
Nagpapadyak siya at doon niya inilabas ang lahat lahat ng inis niya.
Doon sa gitna ng sala ng bahay,doon siya nagpagulong gulong.

"Nababaliw kana?Anong nangyayari sa iyo?"

Napabangon siya dahil nakakita siya ng isang pares ng mga paa.Ang kaibigan niya na takang taka sa pinag gagawa niya,nakita yata nitong lahat.

"Ano ang problema?"
Tanong uli nito sa kanya.

"Natanggap ako sa isang espesyal na trabaho at marami na akong magiging pera."
Sagot niya ritong nanghihina.

"O yun pala naman eh,o e bakit parang nasisiraan ka ng ulo diyan?Tignan mo nga ang hitsura mo?"

"M-Masaya lang ako.Ang isa sa pinoproblema ko'y mag i stay in ako."

"O,edi ako muna ang tatao rito sa bahay."

"Ikaw lang mag isa?"

"Sus huwag kang mag alala at ako ang bahala.Paano ang trabaho mo?"

"Yun nga ang hindi ko pa alam,kung paano ko isisingit eh."

"Kailangan mo mag sakripisyo.Saan ba ang mas kikita ka ng malaki?E mukhang tumanggap ka na yata ng paunang bayad eh."
Sabi nitong nakatingin sa envelope na makapal na nakapatong rin sa lamesa.

"Iiwanan ko sa iyo ang iba,para kung may kakailanganin ka rito sa bahay.Siguro naman ay kayang tapusing lahat iyan sa loob ng isang linggo."
Ang tinutukoy ni Amora'y ang naiwan pang gagawin at aayusin sa bahay.

Napatango lang ang kaibigan.

...

"Ang bilis naman?Nakakuha ka agad ng kapalit?"

Si Alech na kaibigan ni Graham ang nagtatakang nagtanong.

"Ako paba?"

"Maige naman para hindi pati ako'y pinag iinitan mo.So kailan iyan darating rito?"

Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon