[ Lei's POV ]"KRYSTEL !"
Naiinis kong sigaw.Nakakainis naman kasi.Napakamanhid ng babaeng ito.Binabanatan na nga di pa alam na para sa kanya iyon
"Haha ka ng haha,pag ako di nakapagpigil HAHAlikan na talaga kita"
Lumabas na ako.Bahala na siya kung hindi pa siya natamaan doon.
"Gabriel"
Napahinto ako ng may tumawag sa akin.Ooww si Nikka lang pala.
"It's Lei" ako
"Eh mas maganda yung Gabriel"
"Lei"
"Bakit ang sungit mo ata?ikaw may problema ka ba?"
"Ah wala naman.Ganito lang talaga ako kaya masanay kana."
"Hindi pa ba tayo magprapractice?one week na ang nakalipas wala pa tayong practice"
"Anong meron at magprapractice tayo?"
Oo nga no?Kami kasi nagprapractice lang kung may program,battle of the band at kung may gig.
"Mag peperform na tayo next week diba?Baka nakakalimutan mo may program next week at may intermission number tayo"
Oo nga no?
"Okay Tommorrow 9-11 AM vacant natin"
Paalis na ako ng pigilan niya ako.
"Teka saan ka na pupunta?"
"Classroom"
"Sama na ako"
Pakiramdam ko nakikipag FC ang isang ito.Dahil badtrip ako at walang mapagtripan hinawakan ko nalang yung kamay niya.
"B-bakit?" Naiilang na tanong niya.
"Trip ko lang"
"H-ha?"
"Makisama ka nalang"
Naglakad na kami papuntang next subject namin.
Pinagtitinginan kami habang naglalakad.Sabagay sikat nga ako dito at malamang nagtataka ang karamihan kung bakit may ka holding hand ako.
"Diba yan yong bagong vocalist ng Letsryk?"
"Dalawa na ba sila?"
"Okay lang.Maganda naman siya at mukhang mabait pa.Mas maganda nalang siya kaysa sa asungot na Krystel na yon"
"Oo nga bagay sila.Perfect couple kung nagkataon"
Ilan lang yan sa mga pinaguusapan nila.
"Wag mo nalang silang pansinin"
Sabi ko kay Nikka at tumango lang siya.
"Pwede mo na sigurong bitawan ang kamay ko" Nikka
"Ah sige"
Binitawan ko na yung kamay niya at nagdiretso na ako sa upuan ko.Buti nalang last period na tong subject namin.Gusto ko na ring umuwi,nakakainis naman kasi itong araw na ito.
Kung alam niyo lang gustong gusto ko na talagang patayin si Zowin kanina.Kung makabanat naman,may Danica na nga pumapatol pa sa iba.
Kung magtapat na kaya ako kay Krystel para maipamukha ko sa kanya na may nasasakta na siya?
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Novela JuvenilIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...