SOMEONE POVHumanda ka Anica sa pagbabalik ko sa buhay mo. Akala mo ba papalampasin ko yang mga pinag-gagawa mo! Kunting hintay nalang at mawawala kana rin sa piling ni Andrei.
Akin lang si Andrei at walang sino man ang pwedeng umagaw sa kanya sa'kin! Tandaan mo yan!
Pinunit ko yung litrato naming dalawa nung kami ay mga bata pa. Yes. Childhood bestfriend kami at kinamumuhian ko yun hanggang ngayon.
Akala niya ba siya lang ang pwedeng kamuhian ako? Pwes, mas kinamumuhian ko siya. Dahil kung hindi dahil sa kanya hindi sana magka-litse-litse ang buhay namin lalo na't ang buhay ng family ko.
Hindi lang dahil kay Andrei at maghihiganti ako. Kundi dahil rin sa ginawa nila sa pamilya ko, sa pamilya namin!
Babaguhin ko ang buhay mo sa isang iglap Anica! Magdurusa ka! At humalakhak ako sa isipan ko habang nakatingin sa kanya habang umiiyak.
At dahil alam ko na yung weakness mo. Humanda ka sa matinding paghihiganti ko.
*****
Andrei POV
Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw na nakasentro sa aking mata. Kaya naman tinakpan ko yung mata ko gamit ang kaliwa kong kamay.
Napaupo ako sa higaan at biglang napahawak sa ulo ko. "Sh*t! Ang sakit ng ulo ko! Nakailang bote ba ako kagabi!" Habang minamasahe ko yung ulo ko na sumasakit.
Nagulat ako ng biglang may nagsalita "Naka-anim ka ng bote. Ewan ko ba kung anong problema mo't uminom ka ng ganun ka rami. Hindi kana man umiinom ng ganun ka hard eh!"
Nanlaki yung mata ko dahil sa gulat ng.mapagtanto kung familiar yung boses ng babaeng sumagot sa mga tanong ko sa sarili ko.
"A-anong ginagawa mo dito?!" Kadautal kung saad. Anong ginagawa ng babaeng to dito sa kwarto ko? Kay aga-agang bumibisita.
"Nakalimutan mo na ba yung nangyari sa atin kagabi, Andrei?" Malungkot na tanong niya sa akin. Ano bang sinasabi ng babaeng to!
"Anong pinagsasabi mo Alexa? Anong nangyari sa'tin kagabi? Wala akung maalala na magkasama tayo kagabi!" Inis na saad ko sa kanya. Paanong magkakasama kami na si Kevin naman yung kasama kung uminom sa S-bar. Teka.. Oo nga pala yung l*ntek na Kevin na yun! Hindi niya ako sinipot kagabi! Naalala ko na.
Biglang siyang naglakad papunta sa harapan ko habang may hawak na kape. "Oh com'on, Andrei! May nangyari sa atin at ako ang sumundo sayo sa S-bar dahil si Kevin yung naka-sagot sa call ko sayo last night. He tell me that may important event siyang pupuntahan at hindi kana niya mahahatid dito sa bahay niyo."
Sumasakit man ang ulo ko. Pinilit ko paring isipin ang mga nangyari kagabi pero kahit anong isip ko mas lalomg sumasakit yung ulo ko.
"Wala akung maalala! L*ntek na lalaking yun! Humanda talaga sa'kin yun mamaya!" At tumayo na agad ako. Nagulat ako nang mapagtanto kung wala pala akung suot na damit sa pang-itaas.
"Mabuti at napansin mo rin na wala kang damit na pang-itaas. Look at me!" Maawtoridad na saad niya sa akin, kaya naman napatingin ako agad sa kanya.
Ngayon kulang rin na pansin na yung damit niyang suot ay yung damit ko suot kagabi. "T*ngina!" Inis na saad ko at napahilamos ko nalang yung dalawa kung kamay sa mukha ko.
Tumayo ako at hinawakan sa magkabilang balikat siya "Walang makakaalam nito, Alexa! Lalo na si Anica!"
Nakita kung napangiti siya "Mahal mo na ba talaga yung babaeng yun? Ha-ha!" At sarcastic na tumawa siya. "Pwes. May kundisyon ako Andrei na malamang na magugustuhan mo." At tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
The Sossy Chic turns Ordinary
Roman pour AdolescentsWhat happen If the girl who lives like a princess will turns into a ordinary girl? And because of the accident she'll forget all of her memories even the first guy she loved. Would she be remembered all her memories? Or she'll just stay in her new w...