CHAPTER TWO

55 7 1
                                    


"THAT IS UNFORGIVABLE!" Akihiro said coldly. He was furious. He couldn't contain the feelings he had right now. Gusto niyang manuntok ng tao nang oras na iyon. Gusto niyang gulpihin ang taong nasa harapan niya.

"But the update is successful. Look at the chart, Sir, our revenue increases by 30%. Doble ang subscriber natin ngayon kumpara last month. At umabot ng 300% ang players usage natin dahil sa inilabas na update," rason ni Chester.

Tama naman lahat ng sinabi nito. The update Chester made without his consent boosted their revenues. Pero kasabay ng ingay ng bagong laro na inalabas nila ay ang pagbatikos sa ADNIL. Bente-kuwatro oras pa lang lumalabas ang Sage of Mikata ay walang humpay na reklamo na ang natatanggap ng kompanya mula sa mga conservative groups at ilang mga magulang ng mga bata na lulong sa ADNIL. Bagaman restricted ang Sage of Mikata para sa mga adults, nagngangalit ang bagang ni Akihiro sa head ng programming na si Chester.

The man stood confidently as if he needed to kiss his ass because of his update. Matagal na nilang d-in-evelop ang Safe of Mikata. Isa iyong laro sa mundo ng ADNIL, isang augmented reality game. Pumatok ang ADNIL five years ago, isang simpleng laro lamang iyon noong una. Kailangan lamang iligtas ang prinsesang si Linda. Until the magical world of ADNIL expanded and two years ago, they introduced the virtual reality version of the game. It became hit. ADNIL was the most used and profitable mobile app in Southeast Asia. The company he built received numerous awards from Best Game to Best Family Game to Innovation of the Year.

Until this scumbag ruined it all.

Bago maglabas ng isang update o isang laro ang ADNIL, dumadaan ito sa mabusising proseso. Asset ang tawag nila sa isang project kung saan naka-store iyon sa isang version control software na Visual Sources Safe. Puwede itong i-access ng iba't ibang team. Animation, Programming, Design, and Art will work together coordinated through project management methodology. Once the asset was finished, it will be reviewed by the different teams.

Chester made some alterations for the last minute at hindi naabisuhan ang mga head ng Arts, Animation, at Design. Yes, Chester was bold and innovative, but he did it at the expense of teamwork. At hindi kayang palagpasin iyon ni Akihiro kaya pinuntahan niya ito sa department nito.

"How long have you been in the company, Chester?" he asked.

Humalikipkip ito. "Four, Sir."

"Four. Siguro naman sapat na ang apat na taon para tanggapin ka ng ibang kompanya."

Nanlaki bigla ang mga mata nito. "What do you mean?"

"You are fired!" he said, no inch of remorse in him. "I expect your resignation letter in my table today," aniya at tinalikuran ito.

"Bakit?!" habol ni Chester. "Ganyan ba katigas mo puso mo para basta-basta na lang magtanggal ng empleyado? Ganyan ka ba ka-selfish para hindi mo makita ang contribution namin sa kompanya? Sa tingin mo makikilala ang ADNIL kung wala kami? Hindi! Baka hanggang ngayon, isa ka pa ring talanunan! No wonder iniwan ka---"

Akihiro didn't let him finish. Inilang hakbang niya ang pagitan nila at binigwasan niya ang lalaki. Ha, he wanted to punch him in the face for a long time. And it felt good.

"We don't create games so we could objectify women, Chester. They are more than that. Siguro kailangan mo munang magkaroon ng bayag para maintindihan iyon," aniya at itinulak ito. "Back to work!" utos niya sa mga nagbubulungan na mga empleyado.

The Butterfly WhispererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon