Paano kung may ligaw na balang tumama sa iyo? At paano kung ang normal mong buhay ay mababago sa matutuklasan mong bagong mundo?
— — —“A-anong ibig sabihin ng mga baril na nakatuon sa akin?”
Nababalisang tanong ni Dea Harriet. Dea, isang Italian word na ang ibig sabihin ay goddess. Hindi siya makapaniwalang kaya siyang trayidurin nang kanyang mga kapanalig.
“Ibigay mo na sa akin ang kapangyarihan mo, kung gusto mong mabuhay pa.”
Wika ni Erede Maurice. Erede ay isang Italian word na ang ibig sabihin ay 'heir' o tagapagmana. Siya ang anak ni Dea Harriet. Sakim siya sa kapangyarihan.
“Maurice, anak! Ikaw naman talaga ang magmamana sa ating kaharian kapag namatay na ako. H-Hindi naman kailangang madaliin. Bata ka pa. Marami ka pang dapat matutunan sa pagpapatakbo nito—”
“Shut up! I found something recently! Kaya bago mo pa malaman ang totoo, papatayin na kita!”
Nanlilisik ang matang sigaw ni Erede Maurice. Nagcross arms si Maurice upang lumabas ang kanyang ‘Wind Circle’. Isa siyang napakatulis na circle na kapag hinagis mo sa target mo ay maglalabas nang isang malakas na pwersa upang mahati ang bagay-bagay. May tatlong forms ito. Ngunit ang ginamit ni Maurice sa kanyang ina ay ang first form.
“Exus!”
Upang lumabas ang first form kailangang sambitin ang katagang iyan. Nagagawa nitong i-doble ang dami ng wind circle, depende sa dami ng gusto ni Maurice. Pinakawalan niya ito upang magsiliparan sa trono na kinalalagyan ng kanyang ina.
“Hezax!”
Sambit ni Dea Harriet upang lumabas ang kanyang shield armor. Agad namang nakulong sa isang pabilog na armor ang dea. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid pero alam niyang ligtas siya sa loob ng shield armor.
“Hiyaaahh!”
Hindi agad nakakilos si Dea Harriet nang biglang nabutas ang shield armor dahil sa wind circle ni Maurice. Bago pa siya makailag ay natamaan na ang kanyang tiyan. Mabuti na nga lang at hindi tuluyang nahati dahil sa reflexes. Pero kapag nawawalan ng kontrol, nawawala ang mga kapangyarihan. Wala ng shield armor na nakapaligid sa kanya. Napaluhod siya sa sahig. Dinadama ang sakit nang pagkakahiwa sa bandang tiyan niya. Hindi niya alam na kaya iyong gawin ng anak niya.
“Fire!”
Bago pa makabuo nang panibagong defense ang Dea ay pinaulanan na siya nang putok ng baril upang matuluyan.
“Apaz!”
Sigaw ng Dea at agad siyang naglaho. Napadpad siya malapit sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Hindi mapigilang mapahiyaw ng Dea sa sakit.
“Hindi ako makakapayag na maghari ang kasamaan sa mundong ito. Hindi. Hindi nararapat ang anak ko.”
Naghuhumingalong s-in-ummon niya ang kanyang baril na gawa sa crystal. Ito ang magpapasa ng kapangyarihan. Bago pa dumating ang kanyang anak ay ipinutok na niya ang baril sa kanyang leeg upang makuha ang balang nagbibigay kapangyarihan sa kanya.
Lahat ng nilalang sa mundong ito ay may bala sa kanilang leeg. Doon nakapaloob ang kapangyarihang kumakatawan sa kanila. Kapag tinanggal ito gamit ang baril na crystal, mawawalan ng kapangyarihan ang nilalang. Iyon nga ang ginawa niya. Agad niya itong ipinutok ang baril sa lagusan. Nagbabaka sakali siyang may isang mabuting tao ang matamaan nito upang ipatuloy ang kanyang nasimulan. Pagkatapos niya itong iputok ay nawalan na siya ng malay.
—————
Hera's POV
“Sige. Kumuha kayo ng mga halaman na maaari nating i-examine. Piliin niyo yung bihirang halaman.”
Tumango kami sa tinuran ng aming field adviser. Nasa kolehiyo na ako sa ilalim ng kursong 'Botanical Engineering’ o ang pag-aaral sa mga halaman. Pinayagan kaming kumuha ng sample sa isang napakalaking kakayuhan sa lungsod. Hindi ko alam ngunit puno ng liwanag ang buong paligid. Parang may mahiwaga rito. Kaya nga tinatawag na 'Mystical Forest.'
Patingin-tingin lang ako sa mga halaman doon kasama ang bestfriend ko nang makarinig ako ng isang putok ng baril. Agad akong napalingon sa dalawang naglalakihang puno na sa gitna ay napupuno ng mga baging.
“Narinig mo yun?” tanong ko kay Aella, ang bestfriend ko.
“Ha? Ang alin?”
Bago pa ako makasagot ay napahiga ako sa sakit ng leeg. Parang may balang tumama sa leeg ko. Napahiyaw ako sa sakit at napahiga. Nakita ko ang bestfriend ko na natataranta at nagtatawag ng iba pa naming kasamahan. Hindi ko alam ngunit nararamdaman kong may dumaloy sa loob ko. Para bang isang kapangyarihan na hindi ko malaman bago pa ako tuluyang nawalan ng malay.
————
“Ano?! Hindi niyo nakita sa labas ng lagusan ang 'crystal bullet'?!”
Inis na inis si Edera Maurice dahil naisahan siya ng kanyang ina.
“Sigurado akong isang mortal na tao ang nakamana ng kapangyarihan ni ina. Kailangan nating magmasid sa kabilang mundo. Kailangang mahanap natin ang babaeng iyon upang bawiin sa kanya ang nararapat na sa akin!”
— — —
WARNING!
* This story is a work of fiction. The names, places, and events are all fictitious.
* This is a Tag-Lish (Tagalog; English) story.
* Typos and grammatical errors are on the way.
* You are not obligue to read the story.
* Feel free to unread this if you don't like it.
* Kindly vote and comment if you like it.
Enjoy Reading!
@Miss_Sunnyberry
BINABASA MO ANG
Lost Bullet
FantasyThere was a girl who was hit by the lost bullet of the goddess. From that event, her whole life changed. Paano kung may ligaw na balang tumama sa iyo? At paano kung ang normal mong buhay ay mababago sa matutuklasan mong bagong mundo?