"Mas makabubuti sa kanya ang apple! Kasi nga an apple a day keeps Rhed away!"
"Ang ingay-ingay sabi nang hindi pa niya kailangan ng apple ngayon kundi pahinga lang. Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Jaechan?"
"Mas matigas ang ulo mo! Ayaw mong makinig sakin. Para kay Luna naman tong apple ha?!"
"Tumahimik ka nga baka magising mo si Luna! Ang ingay mo eh!"
Ang sakit sa tenga ng dalawang to. Sarap sakalin eh! Di ba nila alam na silang dalawa ang maingay ha?! Nakakaistorbo na talaga.
"Ako na lang tatahimik. Kahiya naman sa inyo." pagsisingit ko.
Lumapit si Rhed sakin at tiningnan ang sugat ko. Hinimas hinihimas niya ito at parang nangingiyak na.
"Angry bird huhuhuhu akala ko kung malala na yang sugat mo. Nasugatan rin naman ako kanina pero nawala rin agad yun dahil kay Rhed." Sabi ni Jaechan tsaka yumakap sakin.
"Hoy Jaechan dapat ka ngang magpasalamat sakin dahil hindi ka namatay. Inaway mo pa ko kanina nagising tuloy si Luna!"
" Oh tigil na ang ingay niyo eh." Singit ko ulit.
"Okay ka na ba Luna?" tanong ni Rhed.
"Okay lang naman ako." Sagot ko.
"Mabuti naman at okay ka na. Nag alala kami sayo." Sabi naman ni Jaechan.
"Pasensya ka na talaga Luna ha? Pag ganito kasing sugat hindi ko kayang gamotin ito mula sa malayo. Mabuting nalang at nagagamot ko parin ang maliliit niyong sugat kahit nasa malayo kayo." Sabi ni Rhed.
"Mabuti nga rin na hindi gaanong malalim ang pana mo sa tuhod dahil kung naging malalim pa yon ay mahirap na ito gamotin ng kaunti sa malayo."
"Walang hiya kasi yong teacher Chan na yon!" sabi ni Jaechan.
"Anong sabi mo? Bakit sinisisi niyo siya?" tanong ko.
"Imbis na moderate ang piliin sayo ay ginawa niyang hard. Kaya sabay-sabay naglabasan ang mga image sa hologram room. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa yun eh. Pero ayun sa sabi-sabi sa kabilang rooms ng ordinaryong guardian, eh utos daw yun ng highest official at para sa'yo lang daw yun." Pagpapaliwanag ni Jaechan.
"At kailan ka pa naging chismoso Jaechan ha?" hinarap ni Rhed si Jaechan at tinaasan ng kilay.
Binelatan lamang siya ni Jaechan tsaka humarap sakin.
"Kaya mag apple ka na Luna para mawala tong naglalakad na orange dito."
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ewan ko na talaga sa kanila. Bigla kong naalala si Hide. Nasan siya?
Tiningnan ko ang bawat sulok ng kwarto na ito pero walang siya. Akala ko ba highest guardian kami at dapat kaming magkasama lahat. Ewan ko nalang.
"Hinahanap mo ata si Hide. Nasa office siguro yon ng school guidance." Sabi ni Jaechan.
"Anong ginagawa niya don?" kunot noo kong tanong.
"Naging paw paw paw paw kasi ang training room kanina nang mabukas ang hologram room. Sinapak kasi ni Hide si teacher Chan kanina dahil sa ginawa niya." Sagot ni Jaechan.
"Akala nga namin mamatay na si sir Chan dahil inilabas ni Hide ang sword niya buti nalang dumating ang mga defense representatives para pigilan siya."
BINABASA MO ANG
The Guardians (on going)
FantasyWe are made by the Gods to guard the people of this world. Imperium University, where guardians are trained to guard their division and save their world from hatred and revenge. Pero paano kung ang katotohan na iyong pinagkakatiwalaan ay siyang kas...