Chapter 7

13 0 0
                                    







"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mahina nitong sabi.

"Sino ka?!" malakas kong sabi kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Hindi mo na kailangang malaman. Hindi mo sila kayang mag isa."

Hinila ako ng isang lalaki na hindi ko  ---   kilala. Pero ba't parang pamilyar ang mukha nito.

Tumingin ulit siya sa kumpulan ng  mga tao at tumingin ulit sa akin.

Tumingin din ako pabalik sa kumpulan ng mga tao at nabigla sa nakita ko. May dumadating pa na iba. Nakakapagteleport nga sila at ang iba naman biglang nagiging invisible.

"30 seconds lang silang nakakapag invisible ng sarili nila kaya wag kang mag alala."

"Alam kong hinahanap mo ang kasama mo. Nakuha nila ang kasama mo at  anomang oras ay maaari nila itong dalhin sa central. "

"Rookies sila ng central, mahina man sila kung tingnan pero kaya ka nilang patayin ng walang bakas."

"Kailangan mo munang bumalik sa ibang kasama mo."

"At bakit naman kita pagkakatiwalaan?" sabi ko.

"Hindi ko kailangan rumihan ang kamay ko para lang makamit ang kapayapaan. Kung ayaw mong maniwala sa akin, pumunta ka na don at sugurin sila."

Hindi na ako nakasagot pa kaya tinali na niya ang kamay ko patalikod at pinalakad ako.

Ilang minuto pa ay may narinig akong mga bakas ng mga paa.

"Luna?! Rhed?! Nasan na kayo?" sigaw ni miss Kat.

"Wag kayong maingay. Di tayo nag iisa dito" sabi naman ni Hide.

Kinalas na ng lalaki ang tali sa kamay ko at tumalikod agad.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Bumalik ka na sa mga kasama mo nang makuha niyo na ang isa niyo pang kasama."

Tumango nalang ako at nagpasalamat bago ito tuluyang naglaho.

Sinundan ko ang tunog ng mga paa at nabigla sa tinapong ice spikes sa mukha ko. Mabuti nalang at nakailag ako.

"Ano ba?!" sigaw ko kay Jaechan.

Nabigla naman si Jaechan nang makita ako.

Tumakbo agad siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"Akala ko kung ano nang nangyari sayo. San ka ba galling?" mangingiyak na sabi ni Jaechan.

"Ayos ka lang ba, Luna?" tanong ni miss Kat.

"Alam ko kung nasaan si Rhed. Kailangan na natin siyang puntahan."

Tumakbo agad ako at sinundan naman nila agad ako.

Nang makarating kami sa kumpulan ng mga tao ay biglang sumigaw ang isa sa kanila.

"Mga taga Imperium!!!"

"MISS KAT! LUNA!"

Bigla kaming tumakbo sa direksyon nila at bigla naman silang naging invisible.

"Prepare your weapons!" sigaw ni Hide.

Nagform kami ng circle at prinotektahan si Rhed. Kinuha ko naman ang latigo at fighting dagger ko.

"If you can feel a strong wind and hear breathings, hit it directly." Malakas na sabi ni Hide.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nang makafeel ako ng hangin papunta sa akin ay agad kong tinapon ang latigo ko sa direksyon nayun agad naman itong pinulupot ng whip ko.

The Guardians (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon