The plan.
Starbucks, 4 pm.
Byul POV
"Uy, ayan na pala sila squammy at unnie! Uy hi, hello!" bati ni Wheein nang makitang papalapit na ang dalawa sa table nila.
Ito ang last day ng OJT ni Byul sa kumpanya ni Yongsun. Sinamahan lang niya ito ngayon para kitain sila Hyejin sa starbucks.
Pagkaupo ng dalawa sa harap nila Wheein ay questionableng nakatingin naman ang mga ito kay Byul.
"Hindi ako natutuwa sa mga tropa ng girlfriend mo." mataray na pagkakasabi ni Hyejin habang diretsong nakatingin ng masama kay Byul.
Pabirong hinampas naman siya ni Wheein para sawayin. "Hindi naman kasalanan ni squa--- Byul yon." natatawang tugon ni Wheein pero pilit din ang mga ngiti nito dahil naiinis rin siya sa mga pinag gagawa ng mga tropa ng girlfriend ni Byul.
Naglipat naman ang mga tingin ni Yongsun sakanilang tatlo at iniba na lamang ang topic. "So, anong gusto niyo pala? Ako na oorder." nakangiting wika ni Yongsun.
"Uhm, ako unnie. Mocha Cookie Crumble." sagot ni Wheein.
Humarap naman si Yongsun kay Byul para tanungin ang order nito. "Ikaw, Byul?"
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay hindi parin sumasagot si Byul at nahihiyang tumingin naman ito kila Hyejin. "Ahh, hindi ko kasi alam kung anong menu dito Yongsun eh. Hindi naman ako napunta sa ganitong mamahaling cafe." Napakamot na lamang si Byul dahil sa sobrang kahihiyan.
Inirapan naman siya ni Hyejin atsaka nagsalita. "Cheap." pangasar niyang sabi.
Pinandilatan siya ni Yongsun at hinampas naman ulit ito ni Wheein. "Yung pinaka cheap sakin, unnie. I mean." palusot bigla ni Hyejin.
Natatawang tinignan naman siya ni Yongsun atsaka tumayo na para umorder sa may counter.
Pagkaalis ni Yongsun ay mataray na kinausap ulit ito ni Hyejin. "I'm freaking serious, Byul. Hindi ako natutuwa sa mga tropa ng girlfriend mo. Pwede ba pagsabihan mo yang mga yan? Baka pagsasampalin ko yan pag nakita ko sa personal. Tapos yung ginawa nila kay unnie? Naku! Hmp! Nakulo dugo ko sakanila pati sayo!" nangangalaiting wika ni Hyejin.
Tila tahimik lang na nakatitig si Byul sakanila, na hindi malaman ang sasabihin.
Pilit naman siyang pinipigilan ni Wheein dahil wala namang kasalanan si Byul sa garapal na ugali ng mga tropa ng girlfriend niya. "Hayaan mo na, tsaka wala naman kinalaman si Byul dun. May mga sariling utak yung mga batang yun. Hindi hawak ni Byul isip nila." saway ni Wheein atsaka nagsalita ulit.
"Ay teka, hindi mo pa ba nababati si unnie? Birthday niya ngayon." nagtatakang wika ni Wheein.
Nanlalaki matang sinagot naman siya ni Byul pabalik. "Ahh, ngayon ba... Hindi ko kasi alam eh." unti unti ay lumungkot ang mukha ni Byul. Kahit man lang ang birthday ni Yongsun ay hindi niya alam.
"Wala ka talagang kwenta." biglang sabat ni Hyejin.
Tinignan naman siya ng masama ni Wheein at pinipilit na tumigil na. "Huy tama na, eh kung wala talaga siyang alam eh wala tayong magagawa jan." mahinahong wika ni Wheein. Isang mataray na irap naman ang natanggap ni Byul mula kay Hyejin.
Bigla namang napaisip si Byul at ngumiti nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya. "Pero alam ko yung masaklap na nakaraan niya. Hindi maayos yung pakikitungo ng tita niya noon, diba? Siguro alam niyo rin naman na dahil matagal na kayong kilala ni Ms. Kim. Kaya ang naisip ko, kung hindi nagcecelebrate ng birthday si Yongsun dati. Eh 'di, Hindi rin siya nag celebrate ng debut niya noon?" malalim na isip ni Byul habang hinihintay ang sagot ng dalawa.
Isa isa namang ngumisi ang tatlo nang mapagkasunduan na gumawa ng plano para kay Yongsun.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...