28: I Am Miss Player.

3.4K 40 6
                                    

Chapter 28


JULIA's POV


Girl1: "kanina kapa pagpag ng pagpag dyan sa damit mo ah. Bakit ba?"


Julia: "ikaw kaya yakap-yakapin ng mga 'KAIBIGAN' mo *sarcastic voice*"


Girl2: "kung ano ano kasi naiisip mong pakulo eh"


Julia: "syempre! Nasa plano ko yun. You'll see kung panu magdusa yang si Kathryn pag nagkataon. Ay nako, nakakadiri talaga"



Tuluy tuloy parin ako sa pagpunas at pag-pagpag ng damit ko. Ish! Baka nahawaan na ko ng virus!



Kasama ko ngayon ang dalawang kasangga ko sa lahat ng mga plano ko. Dapat lang nuh! Mas maganda kapag may kasama ka sa pagpa-plano.



May naisip nnaman akong idea para mas madaling pabagsakin yang si Kath.




Hindi ako maka-entra kapag merun yang mga epal na kaibigan niya. Kaya naman, isa isa ko din silang lulusawin. Pag-aaway-awayin ko sila. Hahahaha.






*Kring kring*

*kring kring*


Anebe! Nag-iisip ako eh. Istorbo naman tong tumatawag na to. Tsss.




"Hello? Sino to?"


"Hmm. Hello Julia"


"Q-Quen? I-ikaw ba yan"


"Yes I am. Surprise?"


"Kamusta kana?"


"Way way better. Ikaw? Mabait kanaba?"


"Anong klaseng tanong yan Quen?"


"I know your plans Julia. Kung ako sayo, itigil mo na yan"


"Teka. Tinawagan mo ba ko para pagalitan? Hindi kita tatay!"


"Hindi. Pinapaalalahanan lang kita. Hmm, I see naman na talagang gusto mo yang ginagawa mo Julia. But let me remind you something.."


"Ano nnaman yang mala-pare mong sermon?!"


"LOVE conquers all. But LOVE is not desperate. Sige, bye"


"Teka lang Quen ah. Kung makapagsalita ka, parang hindi mo idea lahat ng to ah"


"Hey. I was just joking noon. I didn't know na tototohanin mo pala"


"Kung tutuusin nga, ikaw ang master mind ng lahat ng to eh"


"Ako nga ang may idea pero hndi ko sinabing totohanin mo. Nababaliw ka na Julia"


"Yes nababaliw na ko! At dahil yun kay DJ!! Kung hindi dahil kay Kath, sana, sana akin na ngayon si DJ!!!"


"Lumaban ka ng patas Julia. Sinasabi ko sayo, you will never win over LOVE. Makapangyarihan yan"


"I know Quen. Kaya nga ako gumagawa ng paraan diba?"


"Well hindi yan yung right way! Gawin mo sa paraang nararapat! Hindi yung mananakit ka pa ng ibang tao"


"Pwe. Dyan ka na nga! Ang OA mo. May pananagutan ka rin dito nuh"


"Basta Julia, darating din yung araw na pagsisisihan mo lahat ng to"




Binabaan nya ko ng phone?! Dafuq! Nakakainis yung Quen na yun ah. Kung makapagsalita, parang walang kinalaman.


Oo, idea niya lahat ng to. Yung paghiwalayin sina Kath at DJ. Inexaggerate ko lang.


Ganito kasi yun.



** FLASHBACK **


Sa school..


Mag-isa kong nagmemeryenda. Tutal break naman, pumunta muna ko dito sa basketball court. May practice kasi ang varsity eh. Kasama na dun si DJ, Kris, Niel at Diego.


Tulala akong sumusubo ng tinapay habang pinapanood si DJ. Pawis na pawis siya pero kahit ganun, super cute siya sa wet look nya.


I used to be with Kathryn nung hindi pa sila ni DJ. Pero dahil sa selos at galit ko, ako yung lumayo. Kaya eto ako ngayon.. Mag isa.. Nganga!



"oy, juice oh!"


May lumapit sakin. Siguro, lonely din siya kaya ako dinamayan.



"Quen.. Anong ginagawa mo dito?"


"Wala rin akong kasama eh. Di ko naman masyadong close yung barkada. Ikaw? Bat ka mag isa?"


"Ah, alam mo namang simula nung nag-away kami ni Kath, forever alone na ko diba?"


"Hmm. I guess so. Natamaan ka kay DJ noh?"


"Sobraaa. Sobra sobra Quen. Kahit di pa kami masyadong magkakilala, nainlove ako. Eto ata yung tinatawag nilang LAFS"


"Anong LAFS. Yun ba yung tumatawa? Yung LAFS LAFS?!"


Hahahaha. Hindi niya alam yung LAFS?! Nakakatuwa naman tong si Quen oh. Parang hndi nabubuhay sa modern world. Binatukan ko siya nang magising naman.



"Sira!! Hindi noh. Love At First Sight yun"


"Eh kasi, bat di pa kumpletuhin. Ang ikli na nga"


"Eh ganun tlaga. Masanay ka na rin na halos lahat ng kabataan ngayon, tamad na. Kaya pati pagsasalita, shinoshortcut na"


Kumain nalang kaming sabay ni Quen. Pinapanood parin ang laro nina DJ.


Ang galing naman talaga niya oh. Siya kaya yung star player. Package deal nga eh. Matalino, gentleman, sporty at GWAPO. Di nyo ko masisisi kung mainlove ako dito. Kayo kaya?




After 10 mins...

Nagwhistle na yung coach nila.


It means tapos na yung practice. Nagsialisan na silang lahat sa court at pumunta sa bleachers para magpahinga.


Sinusundan ko ng tingin si DJ. Syempre dapat alam ko kung saan siya uupo nang masulyapan ko siya.


Sa kagustuhan kong sundan ng tingin si DJ... Nauwi lang tuloy sa pagkirot ng dibdib ko.



Nakita ko si Kath na tumakbo papunta kay DJ. Binigyan siya ng tubig at pinunasan yung pawis niya.


Ugh! Nakaka-frustrate. Bat kasi si Kath pa yung naging girlfriend niya. Si Kath pa na bestfriend ko?! Ang malala pa dun, alam na ni Kath ever since na gusto ko si DJ..



"Ang sweet nila noh?"


Bwiset na Quen to. Ipamukha ba naman.


"Anong sweet dyan?! Mukha ngang nanay ni DJ si Kath oh"


"Haynako. Kung sila sweet. Ikaw naman, bitter!!"


"Wala kang magagawa Quen"


Nagsimula ng kumunot ung noo ko at nagsalubong yung mga kilay ko. Hmm actually, kanina pa >.<



"Julia, gano mo kamahal si DJ?"

anong tanong yan?! Hmp.


"Mahal na mahal. Mas mahal ko pa kesa sa dignidad ko"


"Oww really? Bat di mo gawan ng paraan para mainlove din sya sayo?"


"Jusme Quen. Lalandiin ko ganun?!"


"Hahaha. Ewan ko sayo Julia. Mauuna na ako at may klase pa ako"


** END **



Nung una, ayokong isipin yung sinabi sakin ni Quen. Babaeng pilipina din naman ako kahit papano.


Pero nung mga sumunod na araw, nagiging madalas na yung lambingan nina DJ at Kath. Hindi ko maiwasang magselos at mainggit.


Isang araw nun, hindi ko na pinansin ang barkada. Hindi na ko sumama sa kanila. Instead, kina Bianca ako sumama. Sikat din siya dito sa school kaya inisip ko kung ssamahan ko sya, magiging sikat na ako at baka magustuhan na din ako ni DJ.



Pero hindi yun umubra. Hindi parin ako napansin ni DJ. Lahat ng atensyon niya, nakatuon lang kay Kath.


Kaya naman, nagpatulong ako kina Bianca. Nag-isip ng paraan para makuha ko na ng buo si DJ.


At eto. Eto ang kinalabasan ng lahat. Nag-eenjoy naman ako.




Hindi man mapasaakin si DJ, at least mapaghihiwalay ko silang dalawa. Hahahahaha.




"Girls... Magpadala ng text at e-mails sa mga 4th year students. May party tayo tonight"




May plano nnaman ako. Hahaha at sisiguraduhin kong magiging masaya to!

-----------------------------------------------------------------------------------

Love Knows No End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon