Kath's POV
Anong ginagawa dito ni
Albie?!
"Anong ginagawa mo dito? Ha?! Hayop ka!" Sabi ko at pinagpapalo sa dibdib ng bag ko.
" Kath! Sandali! Aray! Tama na! " sabi niya at hinawakan ang bag ko.
" anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong
" andito ako para balikan ka. Diba sabi natin walang bibitaw?" Sabi niya sa akin. Wala daw bibitaw siya nga na una.
" Anong balikan? Balikan mo mukha mo! At anong 'walang bibitaw' ang sinasabi mo eh ikaw nga yung nanguna eh!" Sabi ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
" anong ako eh ikaw nga ang nakipag break sa akin ng walang dahilan eh!" Sabi ni albie sa akin. Ako daw?!
" anong walang dahilan? Walang dahilan ba ang Makita ko ang boyfriend ko na may kahalikan na babae? Alin dun ang wala Lang?" Mataray kong sabi sa kanya.
" Kathryn Siyempre lalaki ako. May needs din ako." Sabi niya sa akin
" Oo nga lalaki ka. At ang lalaki marunong mag pigil Kung loyal siya! " sigaw ko Tapos kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng canteen. Badtrip! Panira ng araw!!!!
Ramdam ko na Sumunod sa akin ang barkada kaya Hindi na ko lumingon pa. Dumiretso ako sa rooftop ng school. Buti pa dito tahimik Lang. Walang sabagal at problema bale relaxing Lang dito.
" Bes okay ka Lang ba?" Tanong sa akin ni Juls.
" Oo okay Lang ako Bes. Gusto ko Lang magpalamig ng Ulo." Sabi ko at sumandal Sabay pumikit.
" lukaret Kalimutan mo nalang yung kanina. Isipin mo isa Lang siyang panaginip na dapat na kalimutan." Sabi ni Kiray.
" thanks lukaret! " sabi ko sa kanya.
" Kath basta tindahan mo andito Lang kami para sayo" sabi ni Aria sa akin.
" palagi!" Dagdag ni Zharm
" so call us maybe!!" Sabi ni Neil. Tapos kinanta pa niya na may tono ng call me maybe. Alam ko naman na pinapagaan Lang nila yung look ko eh. Yun yung nagustahan ko sa kanila, kahit bago palang ako ang trato nila sa akin parang matagal na kami magkakilala bilang mga kaibigan.
" loko ka talaga Neil! " sabi ni Yen na binatukan si Neil. Hahaha!
" tama na nga yan! Samahan niyo nalang kami ng mga boys. Nood kayo ng basketball practice namin. Sabi naman ni prof na pwede manuod nagbigay nalang daw siya ng assignment." Sabi ni Ej.
" edi kailangan na natin bilisan. Baka mawalan pa kayo ng upuan. Alam niyo na....." Sabi ni Deej.
" bakit anong meron at kailangan natin bilisan?" Tanong ko sa kanila.
" Kasi yung isang to heartthrob ng school kaya every practice namin puno ang bleachers dahil sa kanya at syempre Medyo dahil sa Amin din. Hehehe. " sabi ni Neil. Heartthrob pala si Deej. Ngayon ko Lang nalaman Kasi Hindi naman siya dinudumog ng mga babae Kapag kasama namin siya.
" paano yun? Bakit hindi siya dinudumog ng mga babae?" Tanong ni Aria. Parehas Siguro kami ng iniisip nila Juls. Kasi nga diba baguhan Lang kami dito?
" pinakiusapan niya si principal kaya ayun wala naman magawa yung mga babae. Kasi kapag ginulo nila si Bes Naku! Bagsak sila!" Sabi ni Zharm
" Grabe ka dj! Ikaw na! Ikaw na! Bilib na ko sayo!" Sabi ni Juls at nag apir sila. Hahahaha!
" tama na yan! Lika na! Gusto ko rin manuod ng game nila." Sabi ko sa kanila at tumayo na. Nakaupo Kasi kami nun sa sahig.
" bakit? Excited kang makita akong naka jersey no?" Sabi ni Deej. Aba! Kapal neto ah!
" Kapal mo! Hindi Lang ikaw pati na rin sila Neil at Ej! Ano ka swerte? In your dreams!" Sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at inakbayan ako " Kath, wag mo na itago yung nararamdaman mo sa akin okay? Alam ko naman na type mo ako eh." Sabi niya at tinaas baba yung kilay niya.
" manahimik ka nga!" Sabi ko sa kanya at tinulak ko yung mukha niya para matanggal yung pagka akbay niya sa akin.
" aray naman Kath! Ang brutal mo talaga kahit kailan!" Sabi niya at hinimas ng Ulo niya. Buti nga sayo! Hmp!
" tama na nga yan! Lika na para mapanood na natin ang baby ko! " sabi ni Kiray at lumapit Kay Ej.
Pagkatapos nun pumunta na kami ng gym. Grabe ang dami ngang Tao!!! Halos Lahat babae! Pumunta na sila Deej sa locker room para makapagpalit na ng jersey uniform. Kaming mga girls umupo muna kami sa may harap na part ng bleachers. Kung nagtataka kayo Kung bakit wala si Diegs Kasi biglang nagka sakit kaya ayun nasa bahay nila. Lumabas na sila Deej galing ng locker room. Grabe tilian ng mga babae!
" Ang hot mo Daniel!!"
" I love you Dj!!!!!!!"
" Akin ka nalang forever!!"
" marry me Daniel!!"
Grabe napatawa kami dun sa huli. Kasal agad?! PBB teens?! Hahaha! Andito na yung coach nila si Coach Martinez. Nag start na ang game bale magkalaban ang isang grupo. Three members sila per team. Sa Una si Deej, Neil at Ej. Sa Kabila naman si Derrick, Kristoffer at Josh. Magagaling din naman sila pero syempre mas lalo na yung mga kabarkada namin! Nag break muna sila ng 5 minutes kaya pumunta muna yung mga boys dito sa Amin.tie ang score nila 22-22.
" galing!" Sigaw ko at nag apir Kay Neil at Ej. Nung Andun na ako Kay Deej bigla ba naman ako niyakap!
" yuck! Deej! Pawis mo!!!!!" Sabi ko at nagpupumiglas sa yakap niya.
" bakit? Mabango pa naman ako ah?" Sabi niya at inamoy yung sarili niya.
" basa ka pa rin! " sigaw ko at nag acting na nandidiri.
" so inaamin mo na mabango ako? Chansing ka Kath!" Asar niya sa akin.
" EHEM!!!!! Andito pa kami!" Sigaw ni Kiray.
" Oo nga! Kung makapag lambingan kayo parang walang Tao dito." Sabi ni Bes
" hahaha! Tigilan na nga natin yung mga yan." Sabi ni Zharm.
" Oo nga! Namumulal na si Kath sa hiya oh!" Turo ni yen.
" tama na yan Daniel tubing oh!" Sabi ni Neil at nagbato ng bottled water Kay Deej.
Eto namang si Deej Kung makatitig, Plano na ata akong tunawin eh.
" Lika na tawag na ulit tayo ni coach." Sabi ni Ej at umalis na sila para maglaro ulit.
Pagkatapos ng laro nila umuwi na kami. Pagod na rin kasi ang mga boys sa basketball practice nila.
Andito na ako ngayon sa bahay. Nagawa ako nung homework ko sa math. Algebra! Bakit ka pa ginawa ni Lord?!
* TOK TOK*
ano yun?!
* TOK TOK*
galing sa bintana! shet! baka magnanakaw to!!! WAAAAAAHHH mommy!!!!!!!!
* TOK TOK*
ayan nanaman! Kinuha ko yung baseball bat ko sa may cabinet at dahan dahang lumapit sa pintuan ng terrace ko.
Eto na bubuksan ko na!
Eto na!
Eto na!
pagkabukas ko pinaghahampas ko yung magnanakaw.
" ARA--TAMA----NA----KA----MASA---ARAY" sabi nung magnanakaw.
teka bakita parang pamilyar yung boses nung magnanakaw? tiningnan ko yung magnanakaw at
Shit!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello! Sorry for the late update naging busy lang.
Please comment and vote! :) thanks!
BINABASA MO ANG
Make it shine (KathNiel)
أدب الهواةwill you be able to MAKE IT SHINE kapag inasahan aang tulungan ang isang kaibigan?