PULANG DAMIT

159 5 3
                                    

This is my first na magsulat dito sa wattpad. Kaya sana po suportahan niyo ang gawa ko. Ito ay base sa tunay na buhay. PLEASE! vote and comment na lang po pagkabasa niyo THANK YOU!!

REMEMBER!!! FIRST TIME KO LANG PO MAGSULAT  :)))))

ENJOY READING!!!!

Prologue:

Naniniwala ka ba? Kapag may namatay na kapamilya mo o kaya kahit sino malapit sayo. Ang gagawin mo para hindi ka daw niya dalawin magsuot ka daw ng kulay pulang damit pagkatapos ng libing.

Para sa akin hindi ako naniniwala sa ganun. Kahit nga sa multo hindi ako naniniwala eh. Pero nagdalawang isip ako kung totoo nga ba ang mga multo nung namatay yung lola ko...

Meron akong isang pinsan na 4 years old. Ang pangalan niya ay Lenlen (hindi niya tunay na pangalan). Paboritong paborito siya ng amin lola. Doon kasi sila nakatira sa bahay ng lola namin. Ang nanay niya kasi ang nagaalaga sa lola namin hindi na din kasi kaya ni lola na gumawa ng gawain bahay at nanghihina na siya 85 years old na kasi si lola kaya hirap na siya magkikilos at may sakit pa ito sa puso. Mahal na mahal ni lola si Lenlen kapag nga may re union ang family namin lagi binibida ni lola sa amin si Lenlen. Lalo na kapag christmas lagi mas madami gift o kaya mas maganda ang gift ni Lenlen kesa samin galing yun kay lola.

Kaya naman noong namatay si lola dahil sa sobrang katandaan na din. Lahat kami ay nagluksa lalong lalo na ang nanay ni Lenlen dahil siya nga ang nagalaga dito. Pero ang alam ni Lenlen natutulog lang si lola kasi 4years old nga lang siya malay ba niya sa ganun.

Kaya habang nakaburol si lola parang normal lang ang mga ginagawa niya. Matutulog, kakain, maglalaro at kung ano ano pang ginagawa ng normal na bata. Pero may time na kinakalampag niya yung kabaong ni lola at sumisigaw ng lola gising na po!. pinipigilan namin siya at lagi namin sinasabi na hindi na magigising si lola at nasa heaven na siya kasama ni god. Iiyak lang siya pagkasabi namin at maya maya maglalaro na ulit. hanggang sa inilibing si lola lagi namin ineexplain kay lenlen na kasama na ni god si lola.

Nung nilibing si lola...

Pagkauwi namin galing sa sementeryo nagsuot agad kami ng pula lahat para daw hindi kami dalawin ni lola. Pero habang kumakain kami naiwan sila Lenlen sa may terrace na naglalaro. Pero maya maya lumapit sakin si Lenlen at sabay sabi "Ang ganda daw po ng damit ko sabi ni lola. Tapos kiniss niya po ako sa noo at sabi niya love niya ko". Bigla kami nagkatinginan lahat at kinilabutan. Kahit natakot ang nanay ni Lenlen inexplain pa din nya yung lagi namin sinasabi kay Lenlen na nasa heaven na si lola pero umiyak siya at tinuturo nandun daw si lola sa terrace. Nung pinuntahan naman namin wala naman. At nagpahinga na lang dahil 1week kami walang tulog na matino. Pero naiwan na lang akong gising dahil nagpaplantsa ako ng uniform ko kasi papasok na ako kinabukasan. Pagka tingin ko sa pinagburulan ni lola may nakita ako isang telang maputi sa bintana nung tinitigan ko parang korteng damit kinilabutan ako bigla kasi parang may nakatayo sa labas ng bintana na parang binabantayan kami hindi ako makapaniwala. Pinikit ko ang mga mata ko baka namamalikmata lang ako dahil na rin siguro sa antok. Pero nang buksan ko ang mata ko nandun pa din yung imahin na kulay puti. Agad ako nagdasal at sinabi ko kay lola na wag niya ako takutin. Pagka dilat ko ulit nawala na yung imahin at nagmadali ako ligpitin yung plantsa at sumingit ako sa pinakadulo ng higaan kung san malayo dun sa pinagburulan ni lola.

Hindi ko po pinipilit na maniwala kayo sa akin pero nangyari po talaga lahat ng nabasa niyo. Siguro kaya nagpakita si lola samin ni Lenlen nung gabing nakita ko siya para siguro makapagpaalam.

Pagpasensyahan niyo na kung nacornihan kayo pero nagshare lang naman po ako ng karanasan ko. na iinspired kasi ako sa mga nagsusulat ng horror ehh. Nagtry lang naman po hehe..

SALAMAT sa mga bumasa at magbabasa pa lang nito. PLEASE VOTE and COMMENT. BE A FAN na din kung okay lang hehe.. REMEMBER FIRST KO LANG PO MAGSULAT!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PULANG DAMITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon