2nd

15 0 0
                                    

Septyembre 2019,simula ng panibagong buwan at mga pagsubok na dadating na naman. Hindi naging madali para sa akin ang simula ng buwan ng Septyembre, lubog na lubog ako sa sarili ko, wasak ako pero kailangan kong maging maayos.

Kalahati ng buwan ng Septyembre, nagkaroon kami ng educational tour sa Bulacan. Mabuti narin siguro toh,para naman makapagpahinga ako kahit isang araw lang.

Hindi ko akalain na magkaklase na naman kami, hindi ako apektado don. Okay lang,sa tingin ko kaya ko naman na maging kaibigan ko sya ulit.

Sa araw na yon wala akong ibang maramdaman... nagcha-chat narin ulit kami,ewan ko... may something sa kanya na diko kayang ibalewala.

Pero simula nung iwan ako,nang lalaking minahal ko ng totoo kahit hindi naging kami,ramdam ko sa sarili ko na may nagbago. Napadalas ang panlalalaki ko,nakikipag chat ako sa mga nirereto sa akin. Minsan,nagagawa kong makipag date. Napadalas narin yung pagsama ko sa mga inuman.

Linggo-lingo,iba ibang mga lalaki ang mga nakakausap at nakikilala ko. Para lang makalimutan ang lalaking nanloko sa akin. Diko nga alam kung considered ba yon na panloloko kasi hindi naman naging kami.

I was in pain,pero diko pinabayaan ang pag-aaral ko.

Days passed,lumalalim na yung paguusap namin sa chat,di man kami magusap sa personal pero alam kong may nararamdaman na naman sya sakin na pagkagusto.

Basag ako...kinailangan ko ng pagsasandalan. Alam kong may pamilya ako at may mga kaibigan pero sa tingin ko di nila ako naiintindihan.

Pumayag ako na ligawan nya ako,alam na ng buong klase na nililigawan nya ako. Okay lang sakin, wala akong problema duon. Tutal naman, gusto ko din sya.

I liked him,gusto ko yung pangarap nya sa buhay nya. He is so passionate.

Dumating ang buwan ng Oktubre, sinabi ko sa sarili ko na hindi tama na magkagusto sa ibang lalaki kapag may mahal ka pa. Sinubukan kong iwasan sya,kahit na pati ako ramdam ko na mabigat yung puso ko.

Pero diko kaya,lalo na ng makitang napaiyak sya. Masyado siyang mabuting tao para sa manlolokong duwag na katulad ko. Kinailangan kong gawan ng paraan, sinabi ko sa sarili ko na susubukan ko. Susubukan kong buksan ulit yung puso ko.

Bago magtapos ang buwan ng Oktubre 2019, sinubukan kong wag isipin yung lalaking iniwan ako. Tinigilan ko na rin makipag chat sa ibang mga lalaki. Hindi na ako nagpaligaw sa iba,sa kanya na lang. Kahit alam kong may posibilidad na naman na baka iwan na naman ako o kaya ipagpalit.

Ang buwan ng Oktubre, ilang mga araw na puro subok at sugal ang ginawa ko. Pero wala akong magagawa,gusto ko ng tumakas sa sakit. Gusto ko ng maging masaya ng walang sinasaktang iba.

Nobyembre 2019, mas lalong lumalim yung nararamdaman nya sa akin. Ako naman, gusto ko na din siya pero hindi gaano kaseryoso. Mahirap na para sakin mag tiwala ulit, ibibigay ko sa kanya kung ano yung dapat, ipaparamsam ko sa kanya kung ano yung normal, ipapakita ko sa kanya na maayos ako...na mamahalin din sya.

Sumasama ako minsan sa laro nila,nanonood ng basketball paminsan minsan pero hindi ko pa siya nakitang maglaro mismo. Kasi nalalate ako or minsan may gala kami ng mga kaibigan ko.

Medyo awkward kami pag sa personal,kasi torpe parin siya. Okay lang,natutuwa pa nga ako kasi ang cute. Hindi pa kami lumalabas ng kaming dalawa lang,ewan ko...sa tingin ko hindi pako ready na lumabas ulit na may kasamang lalaki.

Maayos ang simula ng Nobyembre 2019,maayos naman yung mga grades ko, umaalis kami ng mga kaibigan ko,umiinom sa malayong lugar pero nakakayanan ko namang umuwi.

Nasama ko na rin sya sa inuman namin ng isa kong kaibigan, hindi siya umiinom. Nandon lang ata para bantayan ako tsaka yung isa ko pang kaibigan. Hindi nya pa alam na nagyoyosi ako, hindi niya din alam na umiinom nako ng alak.

Ibang iba kasi ako pag nasa school,your typical good girl. Naka glasses, marunong sa academics, normal lang yung pananamit,tshirt lang tsaka pants okay na.

As time passes by, napagdesisyunan kong ibahin yung pananamit ko. Natuto akong magliptint tapos magsuot ng mga damit na medyo maiikli. Alam ko na rin yung limitasyon ko sa alak at yosi.

Madami akong binago sa loob ng buwan ng Nobyembre 2019, siya parin ang gusto ko,pero hindi ko mapigilan na makipagusap sa lalaki kapag umaalis kami ng mga kaibigan ko,yung mga kaibigan ko dito sa amin. Iba iba kasi yung mga circle of friends ko,meron sa school,meron sa social media,meron dito sa amin,meron naman yung mga childhood friends ko.

Gusto ko siya,pero alam ko sa sarili ko na hindi ganon kalalim. Bago magtapos yung buwan ng Nobyembe 2019,madami akong naisip, realizations,acceptance etc.

Basta alam ko sa sarili ko na ayaw ko ng makulong sa kalungkutan.

My Summer Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon